Chapter 4: The Courting
4th year na ako. Wala nang interesting na nangyari kaya fast forward na tayo sa last year ko sa high school.
June 4, unang araw ng pasukan. Lahat na naman ng gamit ko bago. Ang classroom namin ay nasa taas na. since limang section lang kami. Kami na ang pinakakonting gagraduate.
Best friend ko na si Recca. Isa na naman ang nadagdag sa best of friends ko. Ang saya nga eh.
--flashback
"Pwede ba akong manligaw?" tanong niya sakin. What? Nagbibiro ba siya? Manligaw? Sakin? Joke lang ata to eh. Hindi naman kasi ako girlfriend material. Suplada kasi ako.
"So-sorry pero di pa kasi ako pwedeng magka bf eh. Pwede bestfriend na lang tayo?" sagot ko sa kanya. Ikalawa ng pangbabasted ko sa kanya. Una nung 2nd year pa lang ako nung nagkabati kami. Natatakot ako sa pwedeng mangyari eh ang playboy niya kasi. Ni hindi ko nga alam kung seryoso ba siya sakin o laro lang to. Bored siya kaya ako ang kinukulit niya. Well, sorry kasi di pa talaga pwede.
Everything seems so normal. Minsan maaga ako pumasok minsan tama lang din.
Nakakagulat lang kasi may C.A.T. kami now which is ayoko. Ayoko kasi ng nabibilad ako at sisigaw pa haisth ang liit ng boses ko para sumigaw mapapagalitan lang ako.
Naeefort naman si Recca sakin eh. Nakikita ko sya parati. Hindi ko alam kung seryoso ba sya sakin siyempre once a playboy always a playboy.
Nakikita ko sya na madaming kasamang mga babae, mga barkada ahm mga kaklase nya.
Yung mga kaibigan ko, ayon hiwa-hiwalay kami second section si Ann at Lyn. Kasama ko naman sa star section si Jane. Di pa nga nila alam na pinopormahan ako ni Recca. Di ko kasi alam magiging reaksyon nila lalo na si Lyn at Jane. Iba kasi ang paniniwala nila.
Nagsusulatan pa din kami ni Recca at lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Ewan ko ba. Kahit minsan puro pambobola lang laman nun at mga problema niya masaya pa din ako.
Minsan nga isang araw, binigyan nya ako ng gumamela. Simple pero maganda kulay red yun. Paborito ko kasi ang red. Siguro nakita nya sa daan,ayon at pinitas. Naku mapagalitan nga later pagnagkita kami.
Sinusundo niya ako paguwian. Minsan sabay kami umuwi lalo na paglunch. Kinakausap niya ako pero nakikinig lang ako sumasagot pero ahm limited pa din. Akalain mo yun pinagtitiyagaan niya ako kahit wala naman siyang napapala sakin. Di naman kasi ako palasalita.
Here comes August--
Ang pinakahihintay na Intrams hahah ako ay dakilang tambay joke lang, manonood lang kasi ako, di ako mahilig maglaro ng sports.
Si Jane naglalaro ng Table tennis. Si Ann at Lyn naman busy parati.
Si Recca ay naglalaro ng Volleyball at magaling siya.
Pinapanood ko nga ang practice nila eh.
Try out pala para sa mga kasali. Nakapasok naman siya.
May nakilala akong lesbian habang tumatambay ako sa gym ahm cute siya at friendly kaya nakipagkilala ako. Ahm Rachelle name niya. Masaya siya kausap at napapangiti nya ako kaso may gf siya kaya di ako pwede masyadong dumikit sakanya, alam nyo na, ayoko ng gulo. Yung girl pa naman na yun may gusto din kay Recca. Such a, well nevermind. Gwapo kasi ang loko, kaya madaming nagkakagusto. Nakakairita pero wala akong magagawa kahit sinasabihan niya pa ako sa mga letter nya na mahal niya ako at ako lang want niya mahirap pa din maniwala sa dami ng umaaligid sa kanya, nagkakandarapa sa atensyon niya ewan ko na lang kung maniniwala ka pa. Pakipot na kung pakipot, naninigurado lang ako malay ko ba want niya lang akong isama sa koleksyon niya. Masasaktan lang ako sa kagaya niyang playboy. Kailangan ko muna ihanda ang sarili ko sa sakit na mararanasan ko pag ayaw niya na sakin bago ako umamin o tanggapin yung pag-ibig na sinasabi niya.
Ewan ko ba pero naaasar ako sa mga babaeng nagpapacute sa kanya hahah nakikita at napapansin ko kasi at nagkukwento din sya.
Akalain mo yun babae na talaga lumalapit sa kanya hmf enjoy din siya at higit sa lahat proud na proud pa siya. Naks grabe ah pero wala naman siyang binabanggit na mahal niya sa mga yun. Hay ewan ko nga ba.
Karamihan ka year nya pa eh. Di naman nga ganun kaganda at ang aarte pa. Oh wag kayo, nagsasabi lang ako ng totoo, di ako affected noh. Ako pa hmf di ako pwede magpaapekto. Di ko naman sana kilala pero mahilig kasi ako magmasid sa paligid ahm parang hobby ko na rin. Kapag interesado ako sa tao, lahat ng galaw niya nakikita ko. Makikita mo akong di nakikinig pero mali ka dun kasi nakikinig talaga ako. Little actions alam ko.
***
BINABASA MO ANG
Unusual Love
Teen FictionA forbidden love. Kahit ako hindi ko lubos maisip na magmamahal ako ng kagaya nya. Mahilig ako sa fairy tale simula ng bata pa ako at tulad ng mga prinsesa sa bawat kwento, gusto ko din magkaroon ng isang prince charming. Ngunit, hindi ko inaasahan...