Chapter 6 - Victory Party

29 1 1
                                        

--the event

Haiyst ano ba yan.

Di naman ako mahilig pumunta sa ganitong mga event eh. Tsaka wala naman akong makakasama eh.

Ahm medyo maaga pa naman ako dumating.

Lakad. Lakad. Lakad.

Pasok sa gate.

Tada!

Welcome sa party.

Tss.

Hindi ako komportable.

Uwi na ako.

Waaaaahhhh!!!!

Nakita ko si Recca ahm naka-blue siya. It suits her well bagay talaga sa kanya. Paborito niya kasing kulay. Oh. may kasama pala siya. Mga kaibigan niya. Hinanap ko din naman mga kaibigan ko.Wala eh baka maya pa sila.

Nagumpisa na din.

Third year ang declared winner. Magaling naman kasi sila eh. Tsaka sila yung pinakamarami.

Ung usual sa every event.. alam niyo na yun. Dun na tayo sa party.

Wooaah! di ko akalain ah ang wa-wild ng mga students. REGAE ang sinasayaw nila. Ako? Tinatanong pa ba yun? Well, nanonood lang hmf di naman ako sumasayaw eh. Hinahanap ko si Recca, ang laki na ng mata ko kakahanap eh ahm sa dami ng tao di ko siya makita. Then i spot their group. Ayon nagsasayawan. Amazing haha di ko akalaing nagsasayaw pala siya, sabi niya kasi di siya marunong. Nasa may stage lang ako nanonood. Weeh maganda naman ang pwesto ko eh natatanaw ko siya. Tanaw na tanaw ko naman siya eh tsaka nahihiya akong lapitan siya.

Maya-maya may lumapit sakin ahm isa sa mga kaibigan niya. Ano kaya kailangan nito sakin?

"Ate,pinapapunta ka po ni Recca dun, kakausapin ka daw niya." kilala ko kasi siya ahm classmate niya before ang kapatid ko.

"Sige sabihin mo pupunta ako sa kabilang side. Salamat." umalis na siya.

Bumaba ako ng stage at nagsimulang maglakad papunta sa kabilang side. Ang daming tao. Haiyst nakakahilo ah. Inantay ko siya dun. Dumating naman siya agad.

"Bakit mo ko pinapunta dito?" ang bungad ko. Pawis siya pero mabango pa din heheh. Nakakaadik naman ang pabango niya. Cologne lang to pero iba ang dating sakin.

"Gusto lang kita makita, makasama." ngiti pa siya. Pawis na nga din ako eh ang init kaya sa gitna ng mga tao. Pinagpawisan ako kahit di naman ako sumasayaw how weird.

Naspeechless ata ako ah. Ang gwapo niya naman ngayon. Haiyst kelan kaya to di gwapo. Pag bagong gising? Malabo yata.

"Baka hinahanap ka na nila. Balik ka na dun." lingon ko sa mga kaibigan niya haist di ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko eh.

"Mamaya na. Balik naman ako dun eh want pa kita makasama.Tara sayaw tayo?"yaya niya sakin. Tinangihan ko na lang. Ako pa talaga niyaya eh ayoko sa dance floor, allergic ako diyan eh.

"Di naman ako sumasayaw eh. Ikaw na lang."sumimangot siya. Nakakakonsensya naman,, kanina nakangiti pa siya eh dahil sa sinabi ko sumimangot tuloy siya. Waah ayoko talaga eh ang daming tao.

Tapos biglang nagpalit yung music. Slow dance na. Omg! Ang sarap naman tingnan ng mga nagsasayawan.

Niyaya niya ako pero tumanggi ako. Nahihiya kasi ako eh. Tsaka di naman ako marunong magsayaw. Baka magkalat lang ako eh. Alam niyo na baka maapakan ko siya and nakakaturn off ata yun. Yeah i know about that narinig ko lang yun sa mga kaklase ko nacurious ako kaya nageavesdrop ako hahah sorry alam kong mali pero nakinig pa din ako baka may matutunan ako eh.

Unusual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon