Akala ko aalis talaga siya pero hindi siya natuloy kasi sabi niya susubukan niya ulit akong pasagutin.
Last try nya na daw.
Masyado akong natakot na mawala siya ulit.
Hindi ako mapakali.
Malapit na ang fiesta sa aming town ahaha ayon nagsisimula ng dumami ang mga tindahan sa palengke.
Paisa-isa na silang nagtatayo ng tindahan sa daanan ng palengke.
Pagdumadaan nga ako may naaalala ako.
--flashback
Gabi non second year pa lang ako. Pumunta ako ng palengke para mamasyal.
Ako lang ang mahilig mamasyal ng nag-iisa.
Dahil may tindahan kina tita at minsan ay tumutulong ako pumunta muna ako don.
Nung nainip na ako ay umalis muna ako saglit. Naglakad ako papuntang park.
May tatlong lesbian don na parang panay ang titig sa akin. Hindi ko sila pinansin. Dumaan pa din ako.
Namamasyal ako eh.
Tsaka want ko mapag-isa kahit araw-araw na yata akong mag-isa.
Pumasok ako ng palengke. Nagulat ako kasi hinarang nila ako ayon nagtatatakbo ako pero nacorner pa rin nila ako. Tatlo sila at isa lang ako kamusta naman yon di ba? Malamang mahaharang talaga nila ako.
"Hi miss wag kang matakot. Ako nga pala si Jc." paanong di ako matatakot eh habulin ka ba naman ng hindi mo kakilala malamang tatakbo ka palayo at matatakot. Gawin kaya yon sayo hindi ka matatakot?
"Gusto lang naman naming makipagkilala. Ako naman si Glenne." makikipagkilala? tss. Hindi naman ako maganda bakit ako pa ang napagtripan ng mga to. Ano ba ang kailangan nila sa akin?
"Ako naman si Zarah. Pasensya ka na. Nagandahan lang kasi kami sayo kaya ka namin gustong makilala. Pwede ba naming malaman ang pangalan mo?" hindi naman na sila nakakatakot pero hindi talaga ako komportable makipag-usap sa kanila eh. Wait lang ah anong nagandahan? Tignan niyo nga ako ng maigi! Maganda ba ako huh? Nagbibiro yata sila eh.
"Sige na pakakawalan ka naman namin eh basta sabihin mo muna ang pangalan mo." sambit ni Glenne. Eh ayoko kahit nagpakilala na kayo ayoko pa din. Hindi ako mapakali sa inyo eh.
"Mukhang natakot siya sa atin. Kayo kasi eh ayan tuloy makikipagkaibigan lang naman dapat tayo eh." paninisi ni Zarah. Mukha naman siyang mabait. Buti pa siya hindi na tuloy ako natatakot masyado.
"Ahm ako si Nayumi." ang hina ng boses ko. Gusto ko na talagang makalayo sa kanila eh kaya nagpakilala na ako ang sabi naman nila ay kailangan ko lang namang magpakilala. Edi ayan magpakilala ng makaalis na. May namimiss tuloy akong tao. Asan na kaya siya?
Pinakawalan naman nila ako kagaya ng sabi nila. Haiyst buti naman at nakaalis ako agad. Ang weweird lang nila. Ako pa talaga ang napagtripan eh. May pustahan yata sila na kung sino ang unang maging gf ko, ay may pabuya. Tss bahala sila bata pa ako. Bata pa ako.
--end of flashback
Ayon ilang araw din kaming di nagpapansinan ni Recca.
Siya pala ang di namamansin.
Baliw talaga yon! Nakakainis hindi niya ako pinapansin pero ako lang yata ang apektado.
Nakita ko pa nga siya pinopormahan yung gf ni Rachelle.
Hay ewan akala ko lang talaga na nanliligaw siya mukhang tanggap niya ng di ko siya sasagutin.
End of story na ba namin to?
BINABASA MO ANG
Unusual Love
Novela JuvenilA forbidden love. Kahit ako hindi ko lubos maisip na magmamahal ako ng kagaya nya. Mahilig ako sa fairy tale simula ng bata pa ako at tulad ng mga prinsesa sa bawat kwento, gusto ko din magkaroon ng isang prince charming. Ngunit, hindi ko inaasahan...