Chapter 7 - Confused!

35 1 1
                                        

Pinagisipan ko ang mga nangyari sa party.

Am i ready?

Am i not?

Waaahhh!!!!! Mababaliw na ako!

Ganito pala ang feeling ng may nagugustuhan, nakakapraning na masaya.

Ewan ko ba, sabagay first time ko din naman to kaya di ko talaga alam.

Ano ba naman yan di ko talaga alam ang dapat kong gawin.

O.O???

Pareho kami ng nararamdaman pero di ko pwede sabihin yung akin.

Ayoko pa umamin eh.

Ano ba naman yan?

Asar lang tsk.

Kapag nakita ko siya hindi ako makatingin sa kanya.

Minsan tinataguan ko pa siya at sinisilip sa malayo.

Waaahhhh!!!! Hindi ko na alam.

Im so confused.

Nagmumukha na akong ewan dito eh natutulala na nga ako minsan.

Ano nga ba ang masasabi ng puso ko?

Ano din kaya ang masasabi ng isip ko?

Alin ang mas dapat kong paniwalaan?

"Bakit ba kasi di ko siya pwede sagutin?"----heart

"Kasi masasaktan ka lang. Tandaan mo playboy siya at di mo pa talaga alam kung seryoso siya sayo. Oo sincere ang mga mata niya pag sinasabing may gusto siya sayo pero diba nakita mo siya nakikipagharutan sa ibang babae habang nililigawan ka niya at nabalitaan mo ding may gf siya habang nililigawan ka niya? Gusto mo bang mabilang sa mga babae niya? Ni hindi mo nga alam kung ilan na naging gf niya eh."----mind

"Ayokong mabilang sa mga naging babae niya gusto kong ako ang maging huli niya. At tsaka mabait naman siya. Maalaga, maalalahanin, parati niya pa ako tinutulungan, sinasamahan niya ako kahit sinasabi kong huwag na kasi mapapagod lang siya. Kinakausap niya ako kahit di ko siya kinakausap."----heart

"Kasi nga nanliligaw, malay mo pakitang tao lang yung pinapakita niya sayo para mahulog ka sa kanya.Nakita mo din siya na umiinom at naninigarilyo di ba? Bawal yun sayo! Tandaan mo hindi ka pwede mastress kasi sasakit na naman ang ulo mo at kung anu-ano na naman ang iisipin mong di naman makakabuti sayo. Ikaw na lang ang nagaalaga sa sarili mo. Ikaw na lang ang nagpoprotekta sa sarili mo. Wag ka magpabulag sa sinasabi mong naiinlove ka na. Hindi ito fairytale alam mong reality ito masakit magmahal."----mind

"Nararamdaman kong totoo ang pinapakita niya at di lang yun pakitang tao.Oo madali ako magtiwala sa tao kaya madali akong maloko pero iba siya, sincere talaga siya. Gusto ko ding maranasang magmahal at mahalin. Yung maramdaman na may taong pag sinabi mong may dinaramdam ka mageeffort na bilhan ka ng gamot, alagaan ka, gawan ka ng pagkain. Pupunasan ang pawis mo. Di ka hahayaang mainitan. Yayakapin ka pagnatatakot ka, pagnagagalit ka at pagnagseselos ka. Di ko pa nararanasang mayakap eh siguro nung bata ako pero ngayong malaki na ako wala ng yumayakap sa akin. Yung matutuwa kapag ginawan ko ng little effort. Yung ngingiti dahil sa ginawa ko.

Tama ka ako na lang ang nagaalaga sa sarili ko kaya nga alam ko kung anong makakabuti sa akin at makakasasama."----heart

"Lahat ng gusto mong gawin sayo ng taong gusto mo yun din ang gusto mong gawin sa maswerteng taong yun. Tandaan mo di ka pwede umibig dahil masasaktan ka lang. Ikaw lang ang mahihirapan. Nakakamatay ang pag-ibig, marami ng nagpakamatay dahil nasawi sa pag-ibig. Ikaw din mahihirapan sa huli."----mind

"Kaakibat naman ng pagmamahal ang sakit di ba? Kung di ka masasaktan that means di ka nagmamahal. Tanggap ko naman lahat sa kanya eh. Yung negative attitude na pinapakita niya tanggap ko at parte na yun ng pagiging siya kaya di ko naman siya babaguhin eh.Nasa kanya na yun kung gusto niya magbago pero sana kung magbabago siya dapat dahil sa gusto niya para sa sarili niya hindi dahil sa ayaw ko non sa kanya. Baka kasi pag nawala ako bumalik na naman yun eh. Nakapagdesisyon na ako. Wag kang magalala at di ko gagawin ang mga makakasama sa akin. Susundin pa din naman kita kung saka-sakaling nagkamali ako sa desisyon ko. Gusto ko lang maging masaya kaya gagawin ko ito."----heart

"Susuportahan kita sa kung ano man gusto mo pero pipigilan kita kapag nasawi ka dahil dyan sa desisyon mo. Hindi ka pwede umiyak ng umiyak kasi makakasama yun sayo. Di ka din pwede magalit at hindi matulog. Tandaan mo ikaw ang nagaalaga sa sarili mo. Maaring maalagaan ka niya pero sa tigas ng ulo mo alam ko hindi mo ipapaalam na may dinaramdam ka para di siya magalala sayo. Ikaw pa, alam ko lahat mas gugustuhin mong ikaw ang mahirapan kaysa mahirapan aang taong mahal mo. Matyr ka eh minsan inaakala ko sadista ka sa sarili mo, tanggap ka lang ng tanggap ng sakit."----mind

Ang gulo ng heart and mind ko. Ano nga ba talaga?

Bakit nga ba hindi magkasundo ang utak at puso ko parati na lang may agree at may disagree. Tss kaya hindi ako nakakapagdesisyon agad eh parati na lang nagdadalawang isip. Tss hirap pag ganito puro na lang what if's. Sabagay natatakot kasi akong magkamali at masaktan kaya hirap ako magdecide. Lagi kasi akong kinokompara sa kapatid ko at naiinis ako pag ganun.

Babaero siya samantalang never pa ako nagkaboyfriend o nagkarelasyon.

Easy go lucky siya samantalang responsable ako.

Mabarkada siya samantalang parati ako mag-isa.

Madaldal siya samantalang nanahimik ako.

Madami siya kumain samantalang ako ang konti.

Ano na ba talaga?

Gusto ko ng guluhin ang buhok ko para maemphasize lang na gulong-gulo na talaga ako.

Waaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!

Unusual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon