In the Rain [CNU]

93 6 1
                                    

Dedicated to you. :) Sorry sa sobrang delay. Sana magustuhan mo..
---------------
"Anong ginagawa mo dito?! " sigaw ni Shinwoo sa akin sa kabila ng malakas ng ingay. Sa sobrang lakas ng buhos ng ulan ay halos hindi na kami magkarinigan maliban na lang kung magsigawan kami

"Basang basa ka na!" dagdag pa niya.

Nangingig na ako sa lamig. Nagsisi ako dahil nakalimutan kong dalhin ang jacket ko.

"Yeah, well," my teeth were chattering. "Ikaw din naman eh!" inis na sabi ko.

Smooth Mary. Bulong ko sa sarili ko. Napakagaling mo talaga. Urgh.

"Idiot," narinig kong bulong niya sa sarili niya. Binuksan niya ang kanyang jacket. Pati ang damit niya sa loob ay basang basa na rin.

Pakiramdam ko parang isang maliliit na bato ang bawat patak ng ulan na bumabagsak sa leeg ko. Gusto ko tuloy umuwi agad sa bahay. Siguradong lagot ako kay kuya dahil dapat kanina pa ako nakauwi.

Naramdaman kong may biglang mabigat (at basa!) na dumapo sa balikat ko. Tumingala ako at nakita ko ang light brown na mga mata ni Shinwoo. Bumilis ang tibok ng puso ko na tila nakikipagpaligsahan. Napahinga ako ng malalim.

Isinara na ang kanyang jacket papunta sa leeg ko. Kahit papaano medyo uminit ang pakiramdam ko.

"Halika na," sabi niya at hinawakan ang balikat ko, "Ihahatid na kita sa inyo."

Tumangging gumalaw ang mga paa ko. Parang nanigas na ata mga ito.

Ito ang lalaking ilang oras lang ang nakalipas ay sinaktan ako. Ang lalaking iniwan ako sa gitna ng maraming tao habang nilalaban ang bawat luha ko. Ang lalaking naging dahilan kung bakit ako umabsent at namiss ang exam ko. Ang lalaking naging dahilan kung bakit tumakbo ako sa gitna ng daan, sa ilalim ng malakas na ulan, at parang abnormal na umiiyak habang pinagtitingan ng mga tao.

The guy who I was irrevocably, deeply, stupidly, idiotically, hopelessly in love -sorry I meant -like with. The guy who had a girlfriend who he claimed to be in love with.

Marahil isa lamang itong panaginip. Isang weird, stupid dream na nilikha ng pagod na pagod kong isip.

"Ano ba ang ginagawa mo?!" galit na sabi ko, inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at lumayo.

Nakakaiinis siya. Matapos niya akong saktan ng ganito magpapakita naman siya ng good deeds. Paano ako makakalimot nito? Urgh.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?!" pati siya parang galit na rin. Hinawakan niya ang kamay ko.

Agad ko naman itong inalis at lumayo paatras. Bigla siyang napahinto at tumitig sa mga mata ko. Kahit isang talampakan ang layo namin sa isa't isa, nakita ko siyang huminto at ang kanya kamay na iaabot sana sa akin ay unti-unting niyang binabaa.

"Mary," mahinang tawag niya. Sa sobranh hina ng boses niya akala ko imagination ko lang. Well, hindi naman ito ang unang beses na nag-imagine ko. All this time akala ko may mutual feeling kami. Nagmukha lang pala akong tanga. "I'm-"

And all of a sudden, bigla niya akong niyakap. Ramdam ko ang paglubog ng mukha niya sa buhok at maiinit niyang hininga sa leeg ko. We stood like that for what seemed like hours, but in reality parang ilang minuto lang naman yun. Isinandal ko ang ulo sa malawak niyang dibdib. At ang mga luha kong kanina ko pa pinipigal ay bumagsak. Sinubukan kong wag humikbi.

"Shh," tahan niya sa akin at niyakap pa ng mas mahigpit, "Please wag kang umiyak"

"At bakit na naman ako iiyak?" sabi ko sa paos kong boses

Lumayo sa akin ng kaunti at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"What's wrong?" tanong niya.

Pilit akong tumawa. Gago ba siya?! Hindi ba obvious na sinaktan niya ako tapos tatanungin pa niya ako kung 'What's wrong?'. Nagsinungaling ako, "Wala"

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagpahid ng pisngi ko using his thumb. Nagpatuloy lang din ako sa pagsasalita.

"May girlfriend ka diba?"

Hindi siya kumibo sa sinabi ko.

"Mahal mo siya"

Hindi pa rin siya nagsasalita.

"P-Pero gusto mo ako?" tanong ko na may halong kaba.

Hindi na siya nakatingin sa akin.

"Now," simula ko habang pumoporma ng kamao.

"Alam mo ba," sinuntok ko ang dibdib niya.

"Kung gaano mo ako" sinuntok ko ulit ang dibdib niya pero hindi pa rin siya gumagalaw

"pinapalito" sigurado akong sinasaktan ko lang ang sarili ko. "Alam mo ba?!"

Bibigyan ko pa sana siya ng isang napakalakas na suntok pero nahuli niya ang kamay ko at hinihala ako papalapit sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko namalayang halos ilang millimiters na lang ang lapit namin sa isa't isa.

"Kahit papaano naisip mo ba?" sabi niya, dama ko ang paghinga niya sa leeg ko kaya di ko mapigilan ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

"Na baka," lumapit pa siya lalo and I could feel his lips hovering near mine.

"Pinapaselos lang kita?"

At bigla niya akong hinalikan.

--------------------

Okay.

Alam kong sobrang iksi.

Sorry naman! Hahaha ngayon lang ulit gumawa ng one shot after how many months of hiatus.

But still, sana nagustuhan niyo pa rin.

Thank you Mary sa request!

Sa mga gusto din ng One-shot with B1A4 just message me *winks*

Ciao! :)







B1A4 One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon