Dedicated ko 'to kay Ariadne (@Weird_random_girl) for supporting MAC
Hope you'll like it :)
----------------------
CALCULUS GEEK
by: iamNashix22
----------------------
Kina-iinisan ni Arian ang math class niya kahit na magaling siya dito. Talagang hindi lang niya kayang maging interesado sa subject na'to.
Maliban nalang sa kanyang calculus class. Hindi ang topic ang nakakuha ng kanyang interest pero, dahil pabor sa kanya ang swerte, naassigned siya na umupo sa tabi ng crush niyang si Sandeul.
Oh Sandeul, Sandeul, Sandeul - laging sigaw ng isip niya habang ang puso niya ay lumulukso sa tuwing nakikita niya ito sa reflection ng kanyang salamin na nakikita niya sa reflection ng salamin ng kanyang crush. Ang kanyang malambot na buhok ang nagpapasiklab ng kanyang damdamin, burning with the passion of a bonfire of calculus books. Samantala ang kanyang clashing clothing ay hindi mapantayan ng mga gagambang naglalaro sa kanyang tiyan, mas excited pa sila kaysa sa mga paru-parong nagpipyesta kanina.
And so, dahil nasanay na si Arian of acting stupid, paminsan-minsan niyang tinatanong si Sandeul (iniiwasan niya itong maging palagian dahil ayaw niyang mairita ito sa kanya) tungkol sa Chain and Power habang siya ay pasulyap sulyap na tinititigan siya at maglaway sa kanya, samantalang si Sandeul ay abalang magpaliwanag sa kanya.
"Um... so, bakit nga ulit powerful ang rule na 'to?"
Nagbuntong hininga si Sandeul in exasperation. Kinilig naman si Arian pero hindi siya nagpahalata. Sa palagay niya kasi, ang cute tingnan ni Sandeul kapag naiirita siya. "No. Hindi naman siya gaanong powerful. It's referring to the mathematical..."
At ang mga sumunod na sinabi niya ay hindi na niya maintindihan. Para lang itong ihip ng hangin sa kanyang pandinig.
Nagsimula na naman ang klase nila nung Friday. Panahon para dumiskarte na naman si Arian.
"Um... so, sino nga ulit si L'Hopitals?" Nagbuntong hininga si Sandeul na tila naiirita na naman, pero bago pa siya nakasagot may tumapik sa balikat ni Arian. "Oh, sorry Sandeul. Sandali lang muna ah" tumango naman siya and slightly relieved.
"Arian! Hindi ko maintindihan 'tong L'Hopital's rule. Paki-explain naman oh, please!" kinagat-kagat ni Vanessa ang kanyang lapis in frustration.
Nairapan niya ito ng di sinasadya. Kinuha niya ang papel niya at sumulat ng mga marka dito. Huminga siya ng malalim bago nagsalita, "Vanessa, tingnan mo ang first problem. Hinahanap niya ang limit of the quantity of ecks squared plus two ecks plus one all over the quantity of ecks plus one when ecks approaches negative one. Parang kulang if you substitute negative one dahil ang equation ay magiging zero over zero, so instead, you can simply find the derivative of the numerator and denominator tulad nito, at magkakaron ka ng quantity of two ecks plus one all over one. Ngayon, i-substitute ulit natin negative one, and this time makakakuha ka ng zero, and so the function approaches zero as ecks approaches one."
"Ah. Parang naiintindihan ko na...Salamat!" mas lalo kinagat ni Vanessa ang lapis niya.
Nang lumingon pabalik si Arian, nakita niya na gulat na gulat si Sandeul. Saka niya narealize ang ginawa niya. Naputol ang awkard silence nila nung kinuha ni Sandeul ang calculus book ng dilag.
"100, 97, 100..." Isa-isa niyang binasa ang grades niya sa mga quizzes nila at hindi siya makapaniwala. "So alam mo pala talaga ang lahat at pinagmukha mo lang pala akong tanga all this time?"
Namula si Arian dahil sa kahihiyan, "No, Sandeul, ang tot-"
Biglang nag-ring ang bell. Napaungol si Arian dahil alam niyang wala na siyang oras para magpaliwanag. Kinuha na ni Sandeul ang mga gamit niya at galit na lumabas sa pinto.
"Sandeul! Sorry! Ang totoo kasi.." huminga ng malalim si Arian. "Gusto kita!"
Hindi narinig ni Sandeul ang sinabi niya dahil sa mga taong nagsasalita sa paligid nila kaya patuloy siyang naglakad.
Weekend na ngunit hinintay ni Arian na dumating na ang Monday. Susubukan sana niyang tanungin muli si Sandeul tungkol sa lecture pero nawalan siya ng lakas na loob para kausapin siya. Bagong concept ang tinuturo sa class nila ngayon, palihim niyang nilingon si Sandeul. Sa di inaasahan, lumingon pabalik sa kanya ang binata at dahil dito, di niya matiis ang mamula.
"Naiintindihan mo nga talaga lahat ng tinuturo sa atin sa class na'to huh?" Arian nodded guiltily. "Baka gusto mo akong tulungan sa problemang 'to?"
Sumilip siya sa papel niya at pabulong na binasa ang tanong. "Find the limit of eck squared plus five ecks plus two over ecks minus three as Sandeul approaches Arian... Teka, ano 'tong –". Nung tumingala siya dahil sa pagkalito, bigla siyang hinalikan ni Sandeul.
"I like you too."
"T-Talaga?"
"Oo."
"So parang ako naman ata ang naloko ah..now I'm the one being fooled..." napatawa si Arian sa pangyayari.
"Hindi. Talagang hindi ko alam kung pano sagutin 'tong tanong. Patulong naman oh...please"
Napangiti sa kanya si Arian at nagsimulang sumulat ng mga marka sa papel.
*The End*
----------------------
Para rin ito sa mga Sandeul biased dyan.
Sana nagustuhan niyo.
Ciao!
BINABASA MO ANG
B1A4 One Shots
Teen FictionDo you know B1A4? Yes? Great! Then please take time to read this sweet one shots :) Let your self imagine and be with the boys ^_^ Enjoy!