BOOKMARK
by: iamnashix22
-------------------------------------------
Another Jinyoung one-shot na siguradong magpapakilig sa inyo :)
Dedicated ko 'to kay @Mrs_Ben_Ben
I hope you'll like this.
At sana yung ibang mga readers din magustuhan 'to..
Enjoy reading!
VOTE.COMMENT.SHARE
-------------------------------------------
"Bookworm"..
Yan ang lagi nilang tawag sa akin dahil sa laging kong dalang MGA libro.
Mahilig kasing akong magbasa at mag-aral. Palibhasa, isa ako sa mga nabiyayaan ng scholarships.
Kung pwede nga sana....sa love din.
NBSB din kasi ako. Maliban sa dahilang lagi akong nakatugon sa pag-aaral, wala din kasing nanliligaw sa akin.
Ang saklap noh? Di naman ako ganun kapangit ah? Wala naman akong suot na makakapal na eyeglasses, no braces, in otherwords, i'm not that nerdy type.
Pero kahit na siguro may manligaw sa akin, hindi pa rin ako papayag.
Except na lang kung siya si Jinyoung. Ang ultimate crush ko since elementary.
Pasalamat nga ako dahil nakilala ako bilang "bookworm". Dahil dun napapansin niya ako. Matalino din kasi siya gaya ko. At ubod ng gwapo pa. Kaya nga maraming may gusto kay Jinyoung eh.
Pero lamang pa rin ako kaysa sa ibang mga babae dyan.
Bakit?
Dahil ako lang naman ang may picture niya. Hahaha.
Paano ko nakuha?
Simple.
Kinuha ko lang naman sa bulletin board ng Math club na walang paalam. Hahaha. Crazy, right?! Well, inlove ako eh. Besides, iniingitan ko naman yun ng higit sa buhay ko. Lagi kong tinititigan yun bago ako matulog at pagka gising sa umaga.
Ginawa ko pa ngang bookmark eh para mas lalo akong mainspire sa pag-aaral.
Nalaman ko na nagtake din pala siya ng entrance exam sa WM University tulad ko. At kinabukasan, lumabas na ang result ng exam.
Halos di ko na maipinta ang mukha ko sa sobrang tuwa ko.
Pareho kaming nakapasa! Same course. Same block. Makakasama ko siya for the first year of my college life!! Excited na tuloy akong pumasok ng kolehiyo.
Isang araw, pagpasok ko sa school, nakita ko siyang nakatingin sa akin.
Kinabahan ako pero at di same time kinilig.
Bumilis yung tibok ng puso ko nung napansin kong unti-unti siyang papalapit sa akin. At inabot sa akin paboritong kong libro. Naiwan ko ata 'to sa school kahapon.
Ramdam kong namula at uminit ang buong katawan ko nung naalala ko na dun ko nga pala inipit yung picture niya.
Nag-iwas tuloy ako ng tingin sa kanya.
Siguro nalaman na niya na may gusto ako sa kanya.
Pero ngumiti siya.
Yung ngiti na maaring ikahimatay ng maraming kababaihan.
Mas lalo tuloy bumilis yung tibok ng puso ko. Pakiramdam ko anytime pwede na 'tong sumabog.
Habang nakangiti siya, pinakita niya sa akin ang dala niyang libro na siyang ikinagulat ko.
Nakita kong nakaipit dun ang picture ko. :))
Pinikit ko ang mga mata ko sa sobrang tuwa. Pero pag mulat ko...
Nagbago ang lahat.
Nandito pa rin ako sa desk ko. Nakahalera ang mga librong binabasa ko.
"Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko totoo na" bulong ko sa sarili ko with disappointment.
Sayang at nagising pa ako...
Namulat din ako sa katotohanan na hindi pala ako pumasa sa WM University.
Hindi ko na siya makikita pa.
~End~
-------------------------------------------
Hahaha. Oo alam ko!
Okay na sana yung ending kung hindi lang panaginip.
Hehehe. Sorry naman po!
Bagong gising lang kasi ako nung ginawa ko 'to. Hahaha.
Anyway, sana nagustuhan niyo pa rin ^________^
VOTE.COMMENT.SHARE
Thank you!!!!
Ciao!
BINABASA MO ANG
B1A4 One Shots
Teen FictionDo you know B1A4? Yes? Great! Then please take time to read this sweet one shots :) Let your self imagine and be with the boys ^_^ Enjoy!