CHAPTER 21

18.9K 475 7
                                    

Paglabas namin ng upesina nya ay malinaw na sa akin ang lahat, wala mang katiyakan ang relasyon namin, alam ko naman na mahal nya rin ako , at sapat na yun para sa akin... hindi ako maghahangad ng higit pa sa kaya nyang ibigay.

Dumating na si tito wally ang papa ni travis mula sa upesina nito kaya sabay sabay na kaming kumain si angel ang nanguna sa kwentohan lahat kami ay tuwang tuwa sa kakulitan nito.

" Tita cess.. pupunta kami bukas sa villa thalia... sama ka please.." sabi ni angela.

Napatingin ako kay travis.

" oo nga iha... galing ako dun ngayon itseneck ko kung kumusta ang preparation ng resort para sa opening sa saturday, marami pang kailangang ayusin, pero kunti na lang." si tito wally.

" hay naku baka gusto munang mgpahinga ni princess bukas alam nyo naman kagagaling lang nya sa dalawang linggong medical mission tiyak pagod pa sya." sabi ni tita becca.

" hindi okey lang po.... kung okey lang kay walter." sabi ko.

" daddy...sigi na please isama na natin si tita cess bukas... please."

" sure.. " naka ngiting sabi ni travis.

" yes.... tita cess dont forget to bring your swim suite, mag siswiming tayo sa napakalaking swimming pool doon mag susurfing din po tayo then mag islide, zip line Atv...."

" hep..hep..hep awat na po, baka matakot ng sumama sa atin nyan ang tita cess mo sa dami ba naman ng gusto mong ipagawa sa kanya." putol ni travis sa mga sinasabi ni angela.

" okey kahit mag swimming na lang po tayo."

" okey..." naka ngiting sabi ko.

Matapos ang hapunan ay nakipaglaro ako ng candy crush kay angel sa tablet nito, ng makita naming inaantok na ito ay sinamahan na ito ni tita becca sa silid nito, nagpaalam na rin ako sa kanila para umuwi, inihatid ako ni travis at habang nasa sasakyan kami ay si angela pa rin ang pinaguusapan namin, panay ang kwento nya ng mga kabibohan ni angela, hes a real proud father.

Bago kami makarating sa bahay ay huminto si travis sa tabi ng kalsada.

" bakit... anong nangyari.?" tanong ko sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko.

" cess... are you sure of this..?"

" sure of what...?"

" this kind of relationship..?"

" no... but i wanna give it a try..."

" maraming pweding mangyari... maraming mga problema ang pwede nating harapin... may mga tututol sa relasyon natin, may mga hahadlang, nakahanda ka bang harapin ang mga yun.?"

" Basta kasama kita kakayanin ko."

Niyakap nya ako ng mahigpit,

" kaya natin to." sabi nya.

" oo naman."

" i love you." sabi nya sabay haplos sa pisngi ko.

" l love you too."

Then he kiss me on my lips bago nya muling pinaandar ang sasakyan.

TRAVIS POV

Maaga akong nagising kinabukasan para sunduin si princess, kakaiba ang pakiramdam ko ng araw na yun, i feel so alive, para akong nasa cloud nine.

" travis..." tawag sa akin ni mama bago pa ako makalabas ng bahay.

" yes ma...?"

" saan ka pupunta..?"

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon