CHAPTER 26

18K 484 3
                                    

Working with Travis is fun... napakagaling nya kasing mentor , nakalimutan nga naming kumain ng tanghalian naalala lang namin nung magaalastres na ng hapon pareho kasi kaming nakaramdam na ng gutom.

" gutom na ako kain na muna tayo." sabi ni Travis.

" mauna ka na tatapusin ko lang to,"

" kung ikaw kaya kainin ko gusto mo.?"

Napatingin ako kay Travis.

" okey fine... kakain na po." tumayo na ako kinuha ko ang celfone ko at wallet, hindi ko namalayan na nakahawak pala ako sa braso ni travis ng lumabas kami ng upesina, dahan dahan kong inalis iyun, pero pinigilan nya iyun sa pamamagitan ng pagipit nya sa kamay ko sa tagiliran nya.

" Walter ano ba..?" bulong ko sa kanya.

Nginitian nya lang ako, tumigil sya sa tapat ni Jane.

" Jane labas lang muna kami para kumain."

" yes sir."

Pagkatapos kumain ay bumalik din kami agad sa upesina para tapusin ang maiwan naming trabaho, past 8 na ng gabi ng makauwi kami ni Travis.

The next day ay sinundo ako ni Travis ng 8am nag almusal muna kami bago tumuloy sa upesina pinagbilinan na nin si Jane na magpa deliver na lang ng lunch para sa amin para hindi namin makaligtaan ang kumain, dakung hapon na ng may matanggap na tawag si Travis... hindi ko alam kung sino ang tumawag pero napansin kong biglang ngiba ang mood nito naging mas masigla ito at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nya, Kapag tinatanong ko naman sya kung bakit ay sasabihin nya wala...

Panay din ang i love you nya sa sa akin... nakaapanibago man pero masaya ako sa nangyayari.

The next 3 days ay ganun ang naging routine ng buhay namin... susunduin nya ako sa bahay para pumasok sa upesina at magta trabaho, sabay kaming mag aalmusal, tanghalian meryenda at hapunan tapos ihahatid nya ako sa bahay.

Saturday morning walang trabaho pero maaga akong gumising, opening ng villa Thalia, at maaga akong susunduin ni Travis, nakapagpaalam ma ako kina mommy at daddy na mag oovernight ako sa resort pumayag naman sila dahil kasama ko si Travis, imbitado nga sana sila sa opening ng resort pero pareho silang busy... as always...

5am pa lang ay dumating na si Travis nag helekopter na lang kami papunta sa resort dahil kailangan daw ako roon ng maaga dahil 6 am ang simula ng programa at ako ang mag ka cut ng ribbon at magwewelcome sa mga guest. Ang mama at papa ni Travis sy nauna na sa resort kagabi pa kasama si Angela.

5:30 pa lang ay nasa resort na kami isa isa na ring nagsisi datingan ang mga bisita.

Nasa kwarto ako at nagaayos ng pumasok si Travis naka hawaian polo ito at printed shorts.

Bigla ako nitong niyakap at siniil ng halik, nabigla man ako ay nagawa ko pa ring agad tugunan ang mga halik nito mahigpit ang yakap nya sa akin kaya napakapit ako sa batok nya, aaminin ko na namiss ko ang mga halik nito... dahil sa pagiging busy namin ng nakaraang linggo ay nakuntento na lamang kami sa damping halik sa labi bilang welcome and goodbye kiss.

" i miss this sweetheart..." sabi nya.

" ako rin..." nahihiyang sabi ko.

Then we kiss again.

Isang katok mula sa nakabukas na pinto ang pumutol sa halikan namin... at bigla ay parang gusto kong magtago dahil sa hiya si Tita Becca kasi iyun at alam kong nakita nya kami ni Travis. Bigla akong bumitaw kay Travis pero hindi nito inalis ang pagkakayap sa akin.

" Ma bakit...?" tanong nito.

" Marami ng tao sa labas at magsisimula na ang programa kaya tama na muna yan at bumababa na kayo." sabi ni Tita Becca.

" yes ma." nakangiting sabi nito.

" Travis Walter..." si tita becca.

" oo nga po.... susunod na kami promise."

At tumalikod na si tita Becca.

Hahalikan nya sana akong muli pero umiwas ako.

"Tama na... kailangan na nating bumababa nakakahiya kay tita becca."

" gusto kong sanayin mo na ang sarili mong tawagin syang mama."

" nakakahiya...."

" nahiya ka pa... eh nakita na nga nya tayong naghahalikan."

" ikaw kasi..."

" anong ako... tayo kamu..."

" oo na.... tayo na bumababa na tayo."

Maiksi lang ang naging programa kami ni travis ang nag cut ng ribbon at nag welcome sa mga guest,

Napuno ng guest ang resort , palibhasa summer vacation at weekend pa kaya maraming tao ang pumunta, si Angela ay tuwang tuwang nakikipaglaro sa mga kapwa nya bata, samantalang si tita Becca ay abalang abala sa kusina sa pagluluto ng pagkain namin... nagpresenta akong tumulong sa kanya kahit taga gayat lang yun lang naman kasi ang kaya ko.

" Hay naku iha... wag ka na nga rito kami na ni Cora ang bahala rito." si tita.

" okey lang ho tita..."

" anong okey... hindi ka bagay sa kusina... samahan mo na lang si Travis sa labas."

" nakikipagkwentohan ho sya sa mga kaibigan nyang guest... hindi ko naman ho kilala ang mga yun ma o op lang ako dun."

" kung sabagay... ako rin naman ayaw kong nakikipaghalubilo sa mga kaibgan ng Daddy Wally mo na a out of place din kasi ako."

Napatingin ako kay tita Becca sinabi nya kasing daddy Wally ko.

" ah iha paabot nga nyang ginayat mong kamatis please."

Agad kong kinuha ang kamatis at iniaabot kay tita.

" heto na po tita..." sabi ko.

" mama..." sabi ni tita.

" po.?" ako.

" tawagin mo ako ng mama... kayo na ni Travis hindi ba.?"

Hindi ko alam kung anong isasagot kay tita.

" sinabi nya na sa akin.... at natutuwa ako para sa inyo... alam mo kahit suntok sa buwan ikaw talaga ang gusto kong makatuluyan ng bunso ko.... alam ko kasi kung gaano ka nya kamahal." sabi ni tita na hindi sa akin nakatingin kundi sa kawaling nakasalang at hinahalo nya ang laman.

" hey... nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." biglang sumulpot si Travis sa likuran ko at niyakap ako.

" nagpresintang taga hiwa... pinagtiyagaan ko na kahit hindi masyadong maganda ang mga hiniwa nya." nakangiting sabi ni tita Becca este mama pala.

" ma pagpasensyahan nyo na karayom at heringilya lang ang kaya nyang gamitin ng tama."

" Grabe ka naman..." sabi ko.

" hay naku ilabas mo na nga yan at mangangamoy ulam na yan."

" ganun... paamoy nga..." at hinalikan ako nito sa pisngi, siniko ko naman ito nahihiya kasi ako kay mama at ate Cora.

" hey doon na nga kayo nyan sa labas baka mainggit sa inyo itong si cora , maisipan nyang magasawa ng di oras, mawawalan ako ng magaling na katulong sa kusina."

" okey ma... lets go sweetheart." at hinila na ako ni travis palabas sa kusina,

" magpalit ka ng damit..." sabi nya sa akin.

Tiningnan ko ang damit na suot ko, naka floral mini dress ako na spagheti strap at 2 inches above the knee.

" why... whats wrong with my dress."

" Basta may pupuntahan tayo... mag shorts ka lang or cycling o kaya pants kahit ano basta wag dress or skirts."

" okey..."



HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon