CHAPTER 27

17.5K 547 8
                                    


Pagkatapos kong mabihis ay sumakay kami ni travis sa ATV at umakyat sa pinaka mataas na bahagi ng property, nakayakap ako ng mahigpit sa beywang nya, ang sarap ng hangin na tumatama sa mukha ko, tumigil kami sa isang tila light hause, may mga taong naka pila doon, nabasa ko ang nakasulat. ZipLine...

napaurong ako.

" no way... " sabi ko.

Bigla akong hinawakan ni Travis sa kamay para hindi ako makalayo.

" saan ka pupunta.?"

" uuwi na...?"

" hindi pwede...."

" walter hinding hindi ako sasakay dyan..."

" sweetheart please..."

" love please.... iba na lang ipagawa mo sa akin wag lang yan parang awa mo na ayaw ko pang mamatay... gusto ko pang makasama ka... " sabi ko.

" kaya nga... kung gusto mong makasama ako ng habang buhay kailangan nating sumakay dyan..."

" at anong konek ng pagsakay ko dyan sa pagsasama natin habang buhay...'

" Basta....kaya sigi na please."

" Travis Walter Ledesma.... no..."

" Princess Thalia Suarez please."

" ayaw ko nga sabi... natatakot akong sumakay dyan."

" nandito naman ako hindi kita pababayaam... you just have to trust me.... walang mangyayaring masama sayo dahil kasama mo ako... pangako yan."

Nakatawag na kami ng atensyon dahil sa pagkukulitan namin.

" ayaw ko talaga Walt...maawa ka sa akin."

" sweetheart... i want you to trust me in this... this means a lot to me... gusto kong malaman kung hanggang saan ba ang tiwala mo sa akin.... kung kaya mo bang ipagkatiwala sa akin ang buhay mo kahit hindi mo alam kung ano ang pweding mangyari along that line.." kakaiba ang ekspresyon ng mukha nito... iba rin ang tono nito para talaga itong nagmamakaawa na hindi mo maintindihan.

" hey ano ka ba wag ka ngang ganyan bakit ba gustong gusto mo akong isama pagsakay dyan.?"

" trust sweetheart.... this all about trust..."

Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Napa buntong hininga ako... tiningnan ko sa mata si Travis nakita kong seryoso nga ito...

" okey fine."

" yes..!" hiyaw nito, at bigla akong niyakap, tapos tumingala ito at nag thumbs up sa mga staff ng resort na nagooperate ng zipline

Dahil sa marami ng nauna sa amin kaya nagjhintay pa kami ng turn namin... kaya nagkaroon pa ako ng pagkaataon na ihanda ang ssrili ko para sa buwis buhay na gagawin ko para lang patunayan sa lalaking mahal ko na may tiwala ako sa kanya... napansin kong may mga tinatawagan sya sa telepono bago pa man kami umakyat sa zipline,... paakyat pa lang kami sa platform ay kinakabaha na ako hindi na matapostapos ang panalangin ko, mahigpit rin ang hawak ko sa braso ni Travis.

" relax sweetheart" sabi nya habang kinakabitan ako ng harnis.

" walter.... mahal na mahal kita kaya kong gumawa ng mga nakakahiyang bagay para lang patunayan sayo kung gaano kita kamahal..... pumayag akong maging tayo kahit alam kong walang katiyakan ang relasyon natin, nakahanda akong ibigay sayo ang lahat kahit...."

Punutol niya ng mainit na halik ang mga sinasabi ko.

Pakiramdam ko ay umikot ang paligid, nagpalakpakan ang mga tao, niyakap nya ako ng mahigpit.

" mahal din kita.... mahal na mahal kaya nga kailangan kong gawin to.... maniwala ka evrything will be alright."

" naniniwala ako sayo...." sabi ko, pero ni hindi ko nga magawang tingnan ang paligid, kay travis lang ako nakatingin.

" okey then.... ready..."

" no...." sagot ko.

pumwesto sya sa likuran ko, niyakap nya ako, napapikit ako.

" at the count of three..." kumapit ako sa kamay nya na nakayakap sa beywang ko, nakapikit pa rin ako.

" one..." sabi nya.

" no please..." naiiyak na ako.

" two..."

" no...sweetheart ayaw kong mamatay ng virgin...." malakas na sabi ko... narinig kong nagtawanan ang mga tao sa paligid ko... pati si travis ay alam kong natawa, kaya siniko ko ito, hinigpitan nya ang yakap sa akin.

" i like to have a virgin bride..." bulong niya sa akin.

" three." sabi nya... sabay talon,.. napatili ako ng malakas ng mardaman ko ang pagangat ng paa ko at paglutang ko sa ire kasabay ng mabilis na pagbulosok namin patungo sa hindi ko alam kong saan..mahigpit ang hawak sa akin ni Travis ng maramdaman kong unti unting bumagal ang takbo namin.

" tapos na ba..." nakahinga ako ng tuluyan na kaming tumigil pero naka angat pa rin kami sa lupa...dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, para lang napatili nasa kalagitnaan kamu ng zipline nakabitin.

" calm down sweet heart... calmdown."

" sweetheart...anong nangyari nag failure ba..?" hindi ko mapigilang manginig.

" hindi... princess sweetheart... i want you to open your eyes."

" no..."

" please... may gusto akong ipakita sayo."

" ayaw ko."

" hon please... napakaimpottante nito sa akin kailangang makita mo to." ramdam ko ang pagsusumamo sa tinig ni Travis, kaya dahan dahan akong dumilat.

" tumingin ka sa ibaba. .." unti unti naman akong tumingin sa ibaba...noong una ay hindi malinaw sa akin kung ano ang nakikita ko..

puno ng ibat ibang kulay ang ibaba ng zipline.

" ano yan ?..."

Unti unting umaangat ang mga kulay, at untiunting naging malinaw sa paningin ko kung ano ang mga iyun... napakaraming baloon... at habang unti unting tumataas ang mga baloon ay unti unti ring umaangat ang isang napakalaking tarpaulin na nakasabit doon, kung kanina ay takot na takot ako, ngayon naman ay kakaibang kaba ang nararamdaman ko, untiunting lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni travis, pero wala doon ang atensiyon ko kundi sa mga litrang nakasulat sa tarpauline...habang nasa ibaba pa iyun ay hindi pa malinaw sa akin kung ano ang nakasulat doon pero ng tumapat at tumigil sa mismong harapan namin ang higanteng tarpaulin, ay napanganga ako sabay pigil sa hininga ko....

MY PRINCESS....

WILL YOU MARRY ME.....

At isang baloon na hugis puso ang tumigil sa tapat namin may nakataling isang maliit na kahon doon... kinuha iyun ni travis at ipinihit ako paharap sa kanya...binuksan nya ang maliit na kahon at tumambad sa harapan ko ang isang diamond studed na engagement ring...

" princess thalia suarez.... will you marry me.?"



HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon