CHAPTER 25

17.3K 483 2
                                    


Ng matapos ang board meeting ay nakipagkamay sa akin ang mga member ng board at isa isa na silang lumabas ng board room, hanggang sa kami na lang tatlo ang naiwan si justin, travis at ako.

Tatayo na rin sana ako para mauna ng lumabas ng bigkang....

" Tayo namang tatlo ang mag meeting." sabi ni justin.

" about what...?" tanong ko.

" sa inyong dalawa."

Nagkatinginan kami ni travis.

" kayo na ba talaga...?" si justin.

" yes...." walang paligoy ligoy na sagot ni travis.

" wow... i should have expect that...

talagang ginawan nyo ng continuation ang love story nyo... so what now... anong plano nyo."

" gusto kong pakasalan si cess..."

bigla na namang kumabog ang dibdib ko.

" at papano mo gagawin yun...?"

" makikipagdivorce ako kay farah sa ayaw at sa gusto nya, kung kinakailangang umabot kami sa korte so be it... makuha ko lang ang gusto ko..."

" good.... dahil ayaw kong maipit sa inyong dalawa... may sarili rin akong problema... pero ito lang sana ang ipapakiusap ko sa inyo,... hanggat hindi mo naayos yang problema mo kay farah, ilihim nyo na muna ang relasyon nyo... kahit sabihin pang kami lang ni tita cora ang nakakaalam ng tungkol sa kasal nyo, hindi pa rin tayo nakakatiyak na wala ngang maglileak na balita tungkol doon... tol ayaw kong makaladkad sa hindi magandang posisyon ang pangalan ng kapatid ko at ng pamilya ko... kilala mo naman si dad alam mo kung gaano kahalaga sa kanya ang dignidad at karangalan."

" i understand." si travis.

" princess i can't imagine you.. being ang mistress.... pero matanda ka na alam mo na kung anong ginagawa mo.... sana nga alam mo na talaga..."

" dont worry kuya... naiintindihan ko ang sinasabi mo."

" good.... and one more thing... kailangan kong pumunta ng US ngayon, nasa hospital si trixie, masilan daw ang pagbubutis kaya kailangang iconfine sa hospital... tol.. ikaw na munang bahalang tumulong kay cess dito please..."

Nagkatinginan kami ni travis.

" okey..." sabi ni travis at may sumilay na kakaibang ngiti sa labi nito, kinabahan ako bigla.

" thanks... pano mauuna na ako sa inyo kailangan ko pang mag empake... at syanga pala pahiram ng bahay mo sa cali (california) doon ako tutuloy habang nasa US ako."

" sure... tatawagan ko si Farah para ibigay sayo ang susi..."

Tila may kumurot sa puso ko ng marinig ang pangalan ng asawa ni Travis.

" and the password...?" si Justin.

" hindi ko alam kung pinalitan nya, sya kasi ang nagaasikaso dun, tatawagan ko sya."

" ngayon na pare please, then call me para alam ko kung magpapabook pa ako sa hotel or deretso na ako sa bahay mo."

Kinuha ni Travis ang celfone nya.

" una na ako tawagan mo na lang ako kung anong sabi ni Farah...."

Tumango lang si Travis busy kasi ito sa phone nya.

" bye.. sis."

" bye.. give my regards to Trixie.." at halik ako sa pisngi nya.

" ingat..." sabi ko.

" thanx.... bye bro...." at lumabas na ito ng board room.

Pagkaalis ni Justin ay inayos ko na rin ang mga gamit ko,... si Travis ay tumingin sa akin habang nakalagay aa tainga nya ang celfone nya.... ngumiti ito at tumayo sa kinauupuan nya at lumapit sa akin... umupo ito sa mesa sa harap ko.

" wala ba akong kiss man lang dyan..?" at pinatulis nito ang nguso.

" Mr Ledesma behave... nasa upesina tayo..." sabi ko.

" and so... wala naman sa ating makakakita dito..."

Hinawakan ako nito sa baba at itiningala ang ulo ko, at dinampian ako ng halik sa labi sa una ay dampi lang pero tila nabitin ito kaya kaya inulit niya iyun at sa pagkakayaong iyun ay inangkin nya na ang mga labi ko... tumigil lang sya ng may salita sa kabilang linya ng celfone nya.

' hello... Farah...." natigilan ako, ang galing lang no. hes kissing me while hes talking to his wife on the phone... wala isa na nga akong dakilang kabit.

 "gagamitin ni Justin ang bahay sa cali......"

Ipinagpatuloy ko ang pagaayos ng gamit ko, tumayo naman si Travis at bahagyang lumayo sa akin.

" 1pm Philipine time ang flight nya,... gagamitin nya yung vios kaya ibigay mo rin sa kanya yung susi... okey..... shes fine.... nasa upesina ako ngayon kay mama ka na lang tumawag kung gusto mo syang makausap....bye the way tinawagan ka na ba ng lawyer ko..... " tumingin sa akin si Travis, nagiwas ako ng tingin.

" Pupuntahan ka nya may paguusapan kayo... kayo na lang ang magusap.... no...I'm tired of talking to you Farah.... kaya ang abogado ko na ang makikipagusap sayo.... last offer ko na to sayo.... kung hindi mo pa rin tatanggapin sa korte na tayo magusap." at ini end na niya ang tawag.

Tumayo na ako at binitbit ang mga gamit ko.

" tutulungan na kita." at kinuha nya ang laptop ko at ang bag nya.

Magkasabay kaming lumabas ng board room, sinalubong ako ng secretary ni kuya na si Jane at kinuha nya ang bag ko at ang iba ko pang gamit. Dumiretso kami sa upesina ni kuya na upesina ko na ngayun...

Pagkalabas ng secretary ni kuya ay naupo na ako sa upuan ko, at tiningnan ang mga files na nasa ibabaw ng mesa ko.

" kailangan mo ng tulong dyan.?" tanong sa akin ni travis.

" ikaw ha bakit hindi mo sinabi sa akin na stock holder ka pala sa Suarez."

" akala ko kasi alam mo na."

" hindi ako nakikialam sa pagpapatakbo ng Suarez, kaya nga wala akong kaalam alam kung ano ang gagawin ko dito."

" tutulongan kita... let me see that." sabi nito, at umupo ito sa upuan sa harap ng mesa ko.

" Baka may mga kailangan ka ring gawin, may sarili ka ring mga negosyo di ba.?"

" i can work anywere as long as may computer pwede akong magupesina kahit saan."

" sigurado ka.?"

" oo naman... at mas maganda nga rito magtrabaho kasi kasama kita." nakangiting sabi nito.

" hmm Mr Ledesma baka nakakalimutan mo yung sinabi ni justin."

" dont worry... hindi ko po nakakalimutan...." iniikot ni Travis ang tingin sa kabuuan ng upesina ni Justin.

" hindi man lang naisipan ni Justin na gawing private tong upesina nya.. kailangan talaga clear glass ang dingding."

" mas maganda nga di ba... para kita mo ang mga tao sa labas at kita ka naman ng mga nasa labas... para alam mo kung nagtatrabaho ba ang mga empleyado mo."

" at kita rin nila kung may kahalikan ba ang boss nila."

Tiningnan ko si Travis.

" Wala ka naman sigurong planong gawin yun di ba ?"

" i cant promise you that..."

" Travis Walter Ledesma!!."

" biro lang po..... wala bang kape rito.?"

Pinindot ko ang number ng table ni Jane sa intercom.

" yes madam." sabi nito.

" magdala ka nga ng kape dito... dalawang black please no sugar."

" yes madam."


HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon