CHAPTER 17

18.1K 544 7
                                    


   Paglabas ko sa banyo ay nakita ko si travis nakaupo sa sofa nakaharap sa laptop nya habang umiinom ng beer in can.

Hindi ko sya kinausap, mukha kasing mainit pa rin ang ulo nya.

" mahal mo pa ba sya...?" tanong ni traviz pero hindi naman ito sa akin nakatingin kundi sa laptop.

" ako ba ang kausap mo.?" tanong ko.

" bakit may iba pa ba tayong kasama rito.?"

" meron yang laptop mo."

" Princess seryoso ako... mahal mo pa ba sya... makikipagbalikan ka sa kanya.?"

" para ano para muli kaming magbreak dahil sayo."

" Bakit ako...?"

" akala ko ba alam mo lahat ng nagyayari sa akin, so dapat alam mo kung bakit hindi natuloy yung kasal namin at kung bakit kami nag break."

Hindi na nagsalita pa si travis, inis straight nya yung laman ng lata ng beer na iniinom nya.

" look travis walter.... wala kang dapat ipagselos kay Jayson... magkaibigan na lang kami... alam nya na wala syang laban sayo... na hindi ka nya kayang palitan sa puso ko... mula noon hanggang ngayon alam nya na ikaw lang ang laman nito at yun ang dahilan kung bakit pinili nyang wag ituloy ang kasal at tapusin na ang realasyon namin dahil alam nya maangkin nya man ang katawan ko pero hindi ang puso ko... dahil sayo lang to Travis sayong sayong tanggapin mo man to o hindi."

Lumapit ako sa kama nya, kinuha ko ang baril nya.

" Pahiram nito." sabi ko at inilagay ko yun sa bag ko.

Pagkabas ko ng silid namin ay nakita ko ang ilan sa mga tauhan nya tila inaabangan nila ang paglabas ko.

Pagdating sa baba ay sinalubong ako ni Jayson sa tapat ng elevator at tinungo namin ang ipina reserve nyang table para sa amin.


TRAVIS WALTER POV


Matagal ng nakaalis si Princess Thalia pero nakatulala pa rin ako that was the second time na nagconfess sya sa akin ng damdamin nya and for the second time din wala akong nasabi napatulala lang ako, tulad din kung papanong napatulala lang syang ng aminin ko sa kanya ang totoong damdamin ko para sa kanya... nabalot ng takot ang puso ko... wala akong maipapangako sa kanya ngayon may napakalaking pagkakamali akong nagwa sa buhay ko 5 years ago pagkakamaling ayaw kong pagsisihan dahil pagkakamali man iyung matatawag ay may napakaganda namang naging kapalit... pero hindi ko alam kung matatanggap ba niya ang pagkakamali kong iyun, Sana oo sana hindi magbago ang damdamin nya sa akin oras na malaman nya ang nakaraan ko.


Naubos ko na ang anim na lata ng beer na ipinadeliver ko pero hindi pa rin bumabalik si princess ayun sa mga tauhan kong nagbabantay sa kanya ay hindi pa raw tapos magusap ang dalawa, naramdaman kong nahihilo na ako mukhang tinamaan na ako, ayaw kong abotan ako ni Princess ng lasing kaya pumasok ako sa banyo at nagbabad sa ilalim ng shower ng maramdaman kong medyo bumaba na ang tama ko ay nagbihis na ako at lumabas ng banyo dumeritso ako sa kama ko at nahiga, nakatulog na ako ng maramdaman kong may nahiga sa tabi ko...hindi ko alam kung panaginip ba yun o totoo alam kong si Princess Thalia ang nasa tabi ko dahil nanoot sa ilong ko ang pabango nya ikinilos ko ang mga bisig ko para yakapin sya at ng sumiksik sya sa dibdib ko ay pinilit ko ang sarili ko na bumalik sa pagtulog baka kasi kapag tuluyang nagising ang diwa ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at mawawa ang self control na pinagptibay ko sa loob ng mahabang panahon.

Nagising ako dahil sa marahang pagtapik sa pisngi ko.

" walt gising na... tatanghaliin na naman tayo."

" alam mo bang mas masarap panggising ang halik kaysa sa tapik " paungol na sabi ko pero hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko, naramdan kong lumubog ang bahagi ng kama sa bandang harapan ko at dumampi sa pisngi ko ang malambot niyang labi.

" gising na po."

Pagdilat ko ay nakita kong ang lapit lapit ng mukha nya sa akin, ng maalala kong uminom pala ako kagabi ay bigla akong bumangon at dumistansya sa kanya.

" sorry napadami ang inom ko kagabi, hindi na kita nahintay."

" pasensya ka na rin napasarap ang kwentohan namin kagabi... ipinakilala ko pa kasi kay jay si gwen crush kasi ng babaing yun si jayson."

" sorry sa inasal ko kagabi."

" okey lang... siguro kailangan ko ng kasanayan yang pagiging bipolar mo." nakangiting sabi nya.

" sabi ko naman sayo hindi ako bi polar."

" okey fine eh di yang pagiging seloso mo na lang."

" thats better."

At pumasok na ako sa banyo para maligo.

Paglabas ko ng banyo ay may nakahanda ng kape at almusal, may aspirin na rin para sa sakit ng ulo ko.

Pagkatapos naming magalmusal ay pumunta na kami sa bayan na pagdadausan ng medical mission, medyo delikado na ang mga lugar na naka schedule na puntahan namin kaya nagdagdag na ako ng tauhan, nagpadagdag na rin ako ng military scort.


Ang huling linggo ng medical mission ay mas stressfull kaysa sa unA halos inaabot kami ng gabi, kaya pagdating sa hotel ay halos hindi na makagulapay sa sobrang pagod si princess naaawa na nga ako sa kanya pero alam kong masaya sya sa ginagawa nya... Friday night huling gabi namin sa hotel dahil kinabukasan ay kailangan na naming bumalik sa maynila, naghanda ng salo salo sa hotel ang governador bilang pasasalamat sa amin nandun ang mga mayor, vice mayor at ilang mga councilor ng mga bayang pinuntahan namin, at personal nilang ipinaabot sa amin ang kanilang pasasalamat may mga nagbihay din ng regalo at mga token.


Ng matapos ang salosalo ay umakyat na kami sa silid namin, masaya ako dahil matatapos na rin ang trabaho ko at makakabalik na rin kami sa maynila, pero ang isang bahagi ng puso ko ay nalulungkot dahil matatapos na ang trabaho ko kay princess.... maghihiwalay na kami.


Marami ang nangyari sa loob ng dalawang linggo, nagkaroon kami ni princess thalia ng second chance na muling ipadama sa isat isa ang aming pagmamahal... kahit wala kaming sinasabi sa isat isa ay nagkakaunawaan naman ang aming mga puso, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin sa pagbalik namin sa maynila pero isa lang ang gusto kong gawin sa ngayon ang ayosin ang buhay ko upang tuluyan ko ng mapalaya at maipaglaban ang damdamin ko para sa kanya.

Tumabi sa akin sa sofa si princess yumakap ito sa akin, niyakap ko rin sya.

" Bukas babalik na tayo ng maynila... magkikita pa ba tayo pagdating doon o ibabalik natin yung dingding sa pagitan natin.?" tanong niya.

" Naunahan mo lang akong magtanong nyan... ikaw ano bang gusto mo.?" tanong ko.

" ang bumalik sa dati kong buhay....." tumingala sya sa akin at muling yumuko.

" na kasama ka... sana... pero alam kong imposible yun... " hinalikan ko sya sa ulo, ramdam ko yung bigat sa dibdib nya.

" ako rin naman yun din ang gusto ko.....sana ganun lang kadali ang lahat.... kasalanan ko to... kung sana hndi ako naging duwag nun..."

" may kasalanan din ako... kung hindi lang siguro ako naging mapusok noon."

Iniaangat ko ang ulo nya para bigyan sya ng halik na malugod naman nyang tinanggap, at tinugunan sa ngayon kailangan kona lang muna sigurong makuntento sa halik at yakap, saka na ako maghahangad ng higit dun kapag kaya ko na syang panindigan sa harap ng mga tao, ng magulang nya, ng pamilya nya at higit sa lahat ng Diyos.




HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon