Chapter 7 - Open Her Heart at a right place and at a right time

15 0 0
                                    

Seb's POV :

Natapos na din ang after-dinner activity . Skills Test lang yun , para sa lahat at hindi groupings .

9 na ngayon 10 pa ang curfew , naglakad lakad muna ako mag-isa para magpahangin .

Pumunta ako sa mini Forest at nakakita ng bench . Nakatingin lang ako sa buwan humiga at ang ulo ko ay nakapatong sa dalawa kong kamay .

Ang Peaceful dito .

Pumikit ako ..

" Ang ganda ng buwan no ? "Napadilat ako at napaupo .

" aish , Cassandra ginugulat mo naman ako " napahawak ako sa dibdib ko

" hehe pasensya na " napakamot na lang siya sa ulo niya .

" bakit ka nga pala nandito ? "

" Gusto ko magpahangin at gusto ko rin na may matulungang tao "

" ah ! eh bakit dito ? Nandito ba yung tutulungan mo ? "

" actually oo , kaharap ko nga siya eh "

" Huh ? kaharap mo ?ako ? "

" hahaha oo , gwapo ka sana kaso ang slow mo "ok na sana yung gwapo kaso yung slow ? Tss .

Tumawa siya na parang baliw . Bigla naman siyang naubo .

" Karma "

at nagtawanan pa kami .

Lassy's POV :

Nasan na ba si Seb ? Kanina ko pa hinahanap yun .

Dinala ako ng paa ko sa Mini Forest . Nakita ko naman si Seb na may katawanan .

" Teka .... Si Cassandra yun ah " Siguro yun yung sinasabi ni Seb kanina .

" Sila na kaya ? " bakit hindi nagsasabi sa akin si Seb ? ang daya niya talaga .

Makaalis na nga Moment ng Bestfriend ko yun eh .

Seb's POV :

" So , bakit mo nga pala ako tutulungan ? Family ?.wala ka ng magagawa likas na babaero na talaga ang daddy ko ."

" Hindi sa family seb , sa Love ? " huh ?

" Huh ? hehe ? wala naman ako problema sa Love eh " hanggat maaari gusto kong itago lang ito sa sarili ko .

" wag ka ng magkaila seb , alam kong may gusto ka kay Lassy , Mahal mo siya diba ? " O.O

" P-Pa P-paano mo nalaman ? "

" Hindi na mahalaga kung paano seb . Mahal mo siya diba ? pero ayaw mo sabihin dahil baka masira ang pagkakaibigan niyo ? "

" b-bakit mo alam ? "

" sabihin nalang natin na nangyari na rin yan sa akin . Ayokong may pagsisihan ka katulad ko seb . Kung tutuusin nga mas may pagkakataon ka pa , dahil hindi alam ni Lassy kung ano ang pag-ibig , in short maaaring wala ka pang makaagaw dahil ayaw niya pa magpaligaw . Seb Wag mong hintayin na matutong magmahal si Lassy , at hindi ikaw ang taong iyon "

" A-anung gagawin ko , paano kapag nasira ang pagkakaibigan namin ? Ako mahal ko siya , pero siya kaya niya ba akong mahalin kung hindi niya alam ang salitang pag-ibig ? "

" Seb , Be optimistic ! Wag kang matakot magtake ng Risk kung alam mong may chance . Madali lang yan seb yun nga ang advantage eh , hindi niya pa alam ang love , edi iparamdam mo sa kanya . Walang taong hindi marunong magmahal , ang kailangan lang para matutunan ito ay .........

Buksan ang puso " Unti-unti nagkakaroon ako ng lakas ng loob .

" Seb wag mo akong tularan . It's my biggest mistake , Not to tell something at a right person at a right place and at a right time "

" Buksan mo ang puso niya seb , huwag kang matakot masaktan , tandaan mo hindi ka matutong umibig kundi ka marunong masaktan . Masaktan ka man seb , may chance man o wala , ang mahalaga , nasabi kung ano ang nararamdaman mo kaysa naman hindi mo sabihin at habang buhay mong pagsisihan ang pagiging torpe mo . " Tama ! Tama siya . Napayakap na lang ako sa kanya !

" Tama , tama ka Cass salamat ah ? oo gagawin ko "

" Wag ka mag-alala seb tutulungan kita "

" Salamat talaga . Thank you so much cass , I'll open her heart , I promise "

" Good , Open the heart of a right person at a right place and a right time . Go Seb "

* * * *

What Is Love ? by WattynellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon