Lassy's POV :
Nandito kami ngayon sa Covered Gym .
Hindi kami nagpapansinan ni Seb , first time nga ito eh parang ang awkward tuloy magsalita .
" Ok Seniors .. Ang activity natin ngayon second day ay about sa Love .. By pair at dapat babae at lalaki ang magkapartner ! Ok ang tawag sa activity natin ngayon ay " love aMAZE " . Papasok kayo ng partner mo sa isang room na may maze ! May mga tanong at commands dun na kailangan niyong sagutin at sundin para makakuha ng clues kung saan ang daan kapag mali ang sagot niyo o ang ginawa niyo maaaring mali ang ibigay sa inyong clues kung saan pwede kayong ma-trap, Meron tayong 3 rooms na may maze para sa inyong lahat . Did you get it ? * Yes Maam * ok Good choose your partner . "
Wow Mukang maganda ang activity na to ah . Makahanap na nga ng partner .
" Lester may partner ka na ? "
" Ou si rechelle , ikaw ba ? "
" wala pa eh "
" Eloisa tayo nalang , pwede naman yun diba kung wala ng boys sa grupo mo ? "
" Oo , kaso partner na kami ni Cass " Huh ? eh bakit hndi sila mag-partner ni seb ?
Napayuko nalang ako .
" Kayo ang mag-partner ni seb ! " huh ? alam ba nilang hindi kami nagpapansinan ?
" aa . hin-- " Pinutol na ni Euna ang sasabihin ko .
" Mag-bestfriend naman kayo ah ? Is There something wrong between you guys ? "
" Ah Nothing . We're okay naman " Ngumiti nalang ako ng pilit .
Ok nga ba sakin ?
So ang ending ..
Group 2 :
Euna-Marvin
Rechelle-Lester
Eloisa-Cass
Seb-Lassy
Pumila na kami dun sa may second room ng love aMAZE .
Wala pa din kaming pansinin ni seb . Ewan ko ba kung bakit .
SEB'S POV :
Nahihiya ako magsalita , ewan ko ba pero kapag nagkakalakas na ako ng loob na kausapin siya , makikita mo naman bigla sa aura niya na naiirita siya , kaya nanahimik lang ako .
After an Hour , kami na ang next .
Pagpasok ko palang ng Entrance may humila na samin .
" Aaaraay " sigaw ni Lassy .
" Bitawan niyo nga siya " Ayokong nasasaktan ang mahal ko . Ewan ko ba bakit ko sinabi yun napatingin nalang siya sa akin .
" Pasensya na po sir , kailangan niyo lang po kasi suotin ang mga ito " sabay turo ng Damit na parang Pamprinsipe at Pang Prinsesa .
" Kailangan pa ba talaga yan ? " Tanong ni Lassy .
" Opo Maam , hindi po kayo papapasukin sa loob kapag hindi niyo suot yan "
So No choice .
Pinatong nalang namin yung mga costume sa damit namin para hindi mahirap alisin .
Pagkatapos namin magbihis ay pinapasok na kami sa isang Kulay pulang kurtina . Sinundan lang namin yung mga arrow . Hindi pa din kami nag-uusap parang may boundaries na naghihiwalay samin.
Binasag ko na ang katahimikan .
" Lassy ? "
" Mahal na Prinsipe at prinsesa , matagal na po namin kayong hinihintay " Istorbo
" Nagtatanong po ang reyna . Ano ba ang Pag-ibig ? "
" Ang p-- " Hindi ko na natuloy dahil si Lassy ang sumagot .
" Love is felt by the heart . Pero walang kwenta kasi sinasaktan lang kaming mga babae " Anu bang sinasabi niya ? Hindi niya ba alam na maze ito baka maling clue ang ibigay samin .
" Masarap magmahal , masarap maranasan ang pag-ibig . 6 letra pero mahirap idefine . Pero hindi importante kung anu ang ibig sabihin nito . The important is To love and to be loved " Muka naman na satisfy yung kawal kuno at may inabot na Blue card "
Binuksan ko .
FOLLOW THE YELLOW LINE AND MEET THE KING OF HEARTS .
- QUEEN OF HEARTS
Sinundan namin yung dilaw na linya .
" Prince and Princess , I've waited you so long . The Question is ....
What will you choose Friendship or Love ?
Mahirap ito . Sumagot si Lassy .
" Of course I'll Choose Friendship . Ang pagkaibigan di mawawala iyan pero ang minamahal pwede ka niyang iwan . " Yun ang pinaniniwalaan mo Lassy .
Ganyan din ako dati pero ng nagkaroon ako ng lakas ng loob ....
" I'll choose Love , oo maaaring pwede kang iwanan ng taong mahal mo , pero ang mga kaibigan mo nandiyan . Ang mga taong nang-iiwan ay di karapat-dapat , pero hindi naman dapat pinangungunahan ang tao , hindi lahat kaya kang iwan , kung talagang mahal ka ng lalaking pinili mo , kaya ka niyang ipaglaban . Kahit Me Against the world ipaglalaban ko ang taong mahal ko dahil hindi naman porket pinili mo ang love over the friendship ay tanga ka na . You just choose Love with friendship "
Nakatingin lang sakin si Lassy . Nginitian ko siya pero bigla naman siyang umiwas .
" You satisfy me . Here's the card "
I Flipped it ..
FOLLOW THE BLUE LINE AND MEET THE KING OF CUPIDS .
- KING OF HEARTS
LASSY'S POV :
Nakita na namin yung KING OF CUPIDS .
" Prinsipe at Prinsesa , Nakapasa kayo sa Hari at Reyna ! Kayo naman ang aking susubukin . Kung gusto niyong kayo'y palayain " wow taray . Makata ang Hari ng mga kupido !
" Ito ang inyong Katanungan , bigyan ng kasagutan . "
Naghihintay lang kami kung ano ang itatanong .
" Mahal na Prinsipe at Prinsesa , Kung mahal na Reyna ay nagtanong kung ano ang pag-ibig , Sino naman ang inyong iniibig ? "
" Gust-- " Sasabihin na sana ni Seb . Bakit Ganun ? Natatakot ako ? Natatakot ako na sabihin niyang sila na ni Cass .
Nagiging Possesive na ba ako ?
Bestfriend lang naman kami ah pero kahit na posible din na mabalewala na ako sa kanya .
Ayoko nang isipin .
" Gusto ni Seb si Yuri , oo siya yung nasa Midnight Stalker ,Fan niya kami . Ako , Sasabihin ko kung sino ang iniibig ko .... Si ...... si
* Gulp *
Si Mickey Mouse Favorite ko yun eh . I really love it "
Nakahinga ako ng maluwag . Mas okay na yung may sagot kesa wala . Ang tanong pasado ba ?
Inabutan kami ng hari ng Red Card . I opened then .
CONGRATULATIONS , YOU MADE IT . FOLLOW THE RED LINE AND MEET THE MIRROR OF JUSTICE .
- KING OF CUPIDS .
Halos nagtatatalon ako sa tuwa . Makaka-alis na rin .
Kaso bakit Mirror of Justice diba dapat Guard of Exit ? Ah baka Clue na naman .
BINABASA MO ANG
What Is Love ? by Wattynella
Teen FictionI fell inlove with my bestfriend who doesn't know anything about love. Ayokong sabihin sa kanya na mahal ko siya dahil baka masira lang ang pagkakaibigan namin. But someone came to encourage me to open her heart at a right place and at a right time...