Lassy's POV :
Napasarap ang tulog ko mabuti nalang at ginising ako ni Eloisa . Nandito kami sa may Lawn para sa first activity . Katabi ko si Seb ka-grupo ko siya kasi Dinivide sa 10 groups ang 2 section at 8 members per group .
Group 2 kami - ako,Seb,Eloisa,Cassandra,Rechelle,Lester, Marvin at Euna .
" Ok ang first activity natin ngayon ay ang TELL-ME-ABOUT-SOMETHING, ang Topic natin ngayon ay about sa Family . Ang bawat isa sa grupo ay magkkwento.tungkol sa kung anong Pamilya ang meron sila . Did You get it ? "
SS: Yes We did !
" Ok Good , You may start "
" Ok Group 2 , Sino unang magsisimula " Tanong ko , Tumaas ng kamay si Euna .
" Simpleng buhay lang ang mayroon ako . May nanay,may tatay at may dalawa akong kapatid na babae at isang lalaki , Pangalawa ako sa panganay ! Kinuha ako ng Tita ko para pag-aralin pumayag na rin ako kasi may kaya sila sa buhay at para mapagaan na rin ang gastusin nila nanay at tatay kung mababawasan yung pinapaaral nila . Masaya ako dun sa tita ko , tumutulong paminsan minsan , nabibili ko lahat ng gusto ko in short wala na akong mahihiling na materyal na bagay pero ang ayaw ko lang doon ay wala akong kalayaan , hindi ako pwede sumama ng camping every friday , bawal lumabas at bawal pumunta kahit project pa ang gagawin mo . Naisip ko bakit ganoon ? oo halos nakukuha ko lahat ng materyal na bagay na gusto ko pero hindi pa rin ako masaya . Narealize ko na okay lang na hindi ko nakukuha yung mga bagay na gusto ko basta mahalaga kasama ko ang pamilya ko . Kasi kapag may problema ako pwede ko i-share , kapag kailangan ko sila nandiyan lang sila lagi sa tabi ko at higit sa lahat malaya ako . Kaya Tinapos ko lang ang second year ko dun at lumipat na ako . Wala ng ibang mas mahalaga sa pagmamahal ng magulang Presence Is a better gift more than a Presents, hindi nito kaya tumbasan ang kahit anong materyal na bagay . Kaya kahit mahirap ang buhay minsan, masaya ako kasi kasama ko ang pamilya ko . " Naiiyak na si Euna , grabe ang ganda ng retreat na ito talagang makakapag-open ka at the same time , may values kang matututunan .
Sumunod naman si Rechelle .
" Ako naman ! Broken Family ! Pero may asawa na ang mommy ko , at yung real father ko naman , hindi ko na alam kung nasaan siya .Mabait naman yung Step father ko kaya nga lang strikto . Minsan kapag nag-aaway kami ng Mommy ko , naiisip ko kung kasama ko pa rin kaya ang real dad ko ay ipagtatanggol niya ako sa mommy ko ? o kaya kapag may assignment tuturuan niya ako at naisip ko din minsan na kapag nandiyan siguro ang daddy ko ay magiging Daddy's Girl ako . Minsan namimiss ko siya kahit hindi ko siya nakikita , kahit hindi ko siya kasama . "
Sumunod naman ay si Marvin ,
" Mama's Boy ako , hindi ako pinapabayaan , todo alaga siya sa akin , mahal na mahal ko ang Mama ko . Ang Papa ko naman lagi wala sa bahay . Isang araw nalaman ko aalis na pala kinabukasan ang mama ko papuntang Saudi , Nagalit ako pero wala akong nagawa . Unti-unting nagbago ako , nasanay kasi ako na lagi nandiyan sa tabi ko ang mama ko . Pinapadalhan kami ng Mama ko , kadalasan naman wala papa ko kaya mag-isa lang ako sa bahay . Malungkot kasi parang mag-isa lang ako at hindi ko kasama ang pinakamahalagang babae sa buhay ko . Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang pagbabalik niya . Masaya na rin naman ako ngayon kasi may bagong babaeng dumating na nagpakulay ng buhay ko , pero hinding hindi pa rin naman mawawala sa puso ko ang mama ko " Tumingin siya kay euna , kita naman na nagbblush ito at napayuko nalang . Tilian kami , Nabanggit ko na ba na si Euna at Marvin na ? 6 Mos. na sila .
At oops ako na pala ang next .
" Ako katulad lang din ako ni Rechelle , broken family din , may asawa na ang mommy ko , ang pinagkaiba lang nakikita ko pa din ang Daddy ko na may sarili na ring pamilya , may communication pa din naman kami at sinusuportahan din Financially . Malungkot minsan katulad ni Rechelle namimiss ko din siya at .... Mahal ko ang daddy ko siguro hindi ko din kasi alam . Hindi ko kasi alam kung ano ang definition ng Love eh . Isa na rin sigurong dahilan yun na hindi ko sigurado kung mahal ko nga talaga ang daddy ko kasi hindi ko din talaga alam kung ano ang Love . Yun lang " Ngumiti na lang ako , ngiti na may halong lungkot . Feel ko na meron pang kulang pieces ang pagkatao ko .
Seb's POV :
" Oh ikaw na Seb "
" ako ? May ina , may ama , may dalawang kapatid na babae at ako ang panganay . Masaya naman ang buhay kasama ang babaero kong ama "
" Yun lang ? " tanong ni Lassy
" Oo , Pamilya naman yun ah ? kailangan ba talambuhay ? "
" Ou nga seb , ikwento daw hindi idescribe " sumabat pa ito si Euna
" Ok Fine ! So ganun nga , babaero ang tatay ko kaya galit ako sa kanya ! Kasi ayokong nakikita at naririnig na umiiyak ang Mommy ko sa mga pinaggagawa ng hukluban na yun . Babaero siya , yun ang bagay na hinding hindi ko magagawa sa Taong mahal ko " sabay tingin ko kay Lassy . Hinding hindi ko kayang gawin sa kanya yun
" Ikaw ah seb , sino yang mahal mo ? Hindi ka nagsasabi , ang daya mo ! bestfriend mo pa naman ako " bulong niya sa akin . Mahal ko ? ikaw , hindng hindi ko gagawin sayo yun .
Sumunod na nagkwento si Eloisa , joyce at Lester . Masaya naman ang pamilya nila , yung iba sa mga mgulang nila namaalam at yung iba naman may asawa na din .
Natapos ang Tell-Me-About-Something sakto para sa dinner .
* * * *
BINABASA MO ANG
What Is Love ? by Wattynella
Novela JuvenilI fell inlove with my bestfriend who doesn't know anything about love. Ayokong sabihin sa kanya na mahal ko siya dahil baka masira lang ang pagkakaibigan namin. But someone came to encourage me to open her heart at a right place and at a right time...
