Chapter Three

8.8K 79 10
                                    

Chapter Three

"It's time to explain Shanna" bungad sa akin ni Mama. Pagkatapos nyang bayaran si Manong taxi driver ay sinundan nya ako dito sa kwarto.

"Ma, pwede bang magpahinga muna ako. Pagod kase ako." pagpoprotesta ko.

"Bakit ganyan ba ang itsura mo? Para kang ginahasa ng sampung bakla" seryosong sabi nya.

"Ma naman! Mamaya paggising ko i-kekwento ko. Ngayon pwede bang iwanan mo muna ako para makapagpahinga ako." inis na sabi ko.

"At bakit wala kang pera? Wag mong sabihing--"

"MA! Ang kulit mo!" napakamot ako sa ulo ko at tumayo ako mula sa pagkakahiga. Bahagya kong tinulak tulak si Mama palabas ng pintuan. "Mamaya na lang ako mag-e'exlain"

"Aba itong batang ito--"

Pagkalabas nya ay tuluyan kong sinara ang pinto. Haayy. Minsan naisip ko kung parusa ba saming mga anak ni Mama ang pagiging sobrang makulit nya. Para kaseng bata eh.

"Kanina pa pala tumatawag si James sa telepono! Hinahanap ka!" sigaw ni Mama mula sa labas.

I rolled my eyes, kahit na alam kong hindi naman nya ako nakikita.

Tumatawag? Bakit pa! Eh wala naman syang pakialam sa nararamdaman ko. At hinahanap nya ako? Talaga lang ah! Eh hindi man nya ako sinundan kanina. Tsk! Naiinis pa rin ako. Sa ngayon ay ayaw ko muna syang makausap at makaharap.

"Sabihin mo pag tumawag ulit ayaw ko syang makausap!" sigaw ko.

"Siguro at nag away 'yung mga batang ito" sabi ni Mama sa labas pero rinig ko naman.

Napailing iling na lang ako. Nag away? Siguro

Nagbihis muna ako at nahiga ulit. Iniisiip lahat ng mga nangyari ngayong araw na ito. Itong araw na ito.. ang magpapabago sa takbo ng buhay ko. Dahil na rin siguro sa dami ng mga nangyari at pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

"ATE MAY BISITA KA! LUMABAS KA NA DAW DYAN SABI NI MAMA!"

Nagising at napabalikwas naman ako sa pagkakahiga dahil sa malakas na sigaw sa pintuan ko. At nake note, hindi lang sigaw dahil may kasamang malalakas na hampas pa.

"ANO BA RAPHAEL! MAY BALAK KA BANG GIBAIN ANG PINTUAN!" sigaw ko kay Raphael, ang 16 years old na kapatid ko.

Sino bang hindi maiinis sa ginagawa nya? Nakuuu! Kung makasigaw at makahampas sa pintuan ay parang walang bukas at daig pa ang nasusunugan! Sabi nga nila, inisin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising.

Tinignan ko naman ang relo sa side table ko, 7:30 na pala. Sino naman kaya ang bibisatahin ako ng ganitong oras?

"ATE LABAS NA! NAGHIHINTAY SI KUYA JAMES SA LABAS!" sigaw ulit ni Raphael

"RALPH PWEDE BANG HUWAG KA NANG SUMIGAW!" sigaw ko. Naiinis na kase ako sa pagsigaw nya. "At sabihin mo dyan sa bisita ko ay umalis na dahil ayaw ko syang makaharap"

Ayaw ko syang makita. Ayaw ko syang makausap. Ayaw ko syang makaharap. Para saan pa? Para ipamukha nya sa akin ulit ang nangyari kanina?

"Ang arte mo Ate. Para kang bata. May pa tampo tampo ka pang nalalaman." sabi nya at sa palagay ko ay umalis na pagkatapos nyang sinabi iyon.

Pero ilang sandali lang ay hindi na ako nagtaka ng biglang pumasok si Mama dala ang duplicate key ng kwarto ko.

"Anak kanina pa si James sa labas hinihintay ka. Lumabas ka na at kausapin mo na" pakiusap ni Mama.

Dating the Porn StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon