CHAPTER SEVEN
Nagising ako kinaumagahan pero agad din akong napapikit dahil sa sakit ng ulo.
"Sht!" Napamura pa ako habang hinahawakan ko ang ulo ko. May hang over pa ako. Naalala ko naparami pala ang ininom ko kagabi.
Kinuha ko ang unan sa tabi ko at tinakpan ang mata ko dahil nasisilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana.
"Oh gising ka na pala. Mag almusal kana" sabi ng boses lalake. Nakatakip pa ng unan ang mukha ko kaya di ko pa sya makita. Argh! Sakit talaga ng ulo ko. Kaya parang ayaw ko pang imulat mga mata ko.
"May gamot dyan. Uminom ka para maalis sakit ng ulo mo" dugtong ng lalake.
"Mamaya na" sagot ko sa walang ganang tono.
Pero teka! Sino ba itong lalakeng ito? Hindi naman ito boses ni Papa o nung kapatid kong si Raphael.
Unti unti kong inalala ang nangyari kagabi. Kagabi..nakita ko si James at yung babae nyang si Cindy...tapos pumunta ako sa bar...tapos nakilala ko yung lalake...uminom ako ng marami...at...
*FLASHBACK*
"Michael Iver Del Prado" bulong sa akin ng lalake.
Tumawa naman ako at linagok pa ulit ang isang baso ng alak at pagkatapos ay inilahad ang kamay ko sa kanya.
"Shanna" sabi ko sabay kindat sa kanya.
Hindi nya kinuha ang kamay kong nakalahad sa kanya. "Hindi ko marinig" wari ay ginagaya naman nya ang ginawa ko kanina. Ngumiti din sya at kinindatan ako.
Tumawa naman ako at tumayo. Muntik pa nga akong ma-out of balance pero buti na lang ay napahawak ako sa upuan. Lumapit naman ako sa kanya. Unti unti kong nilapit ang bibig ko sa tenga nya pero bago ko pa tuluyang mailapit ay bahagya niya akong itinulak at siya'y ngumiti.
"I knew it, Shanna" humalakhak naman siya at tuluyang tumayo mula sa kinauupuan at samantalang ako ay napangiti na lang.
"Let's dance" ani niya. Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako papunta sa dance floor na kung saan nandoon ang mga maraming mga wild na nagsasayaw.
Pagewang-gewang at pa-ekis na ang paghakbang ko dahil sa sobrang pagkaramdam ng hilo.
"Oopps" napapahagikgik na lang ako at kapag na a-out of balance ako pero buti na lang ay inaalalayan ako nitong si Iver.
"Dahan dahan kase" reklamo nya habang umiiling at nakangiti.
Nang makarating kami sa gitna ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil sa nararamdaman ko. Pinilit ko pa ring sumayaw at sumabay sa maingay at mabilis na tugtog. Tinaas ko pa ang mga kamay ko na naging dahilan para matumba ako pero agad akong nasalo ni Iver. Nagkalapit kami kaya naman napatingin ako sa mukha niya. Hindi ko alam pero bigla kong naalala ang mga nangyari kanina. Naalala ko si James. At hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mga mata ko. Ganoon lang ang posisyon namin at buti na lang ay naging slow ang kanta. Hinaplos nya ang mata ko at pinunasan ang luha sa mata ko.
"James.." ang tanging nasambit ko.
At kasunod nun ay unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya..napapikit ako hanggang maglapat ang mga labi namin.
"James.." bulong ko.
*END OF FLASHBACK*
Bigla namang napamulat ang mga mata ko sa ilalim ng unan ng maisip ko kung ano yung nangyari at kung sino ito. At ng naisip ko kung bakit ako ngayon nandito ay agad akong napaupo mula sa pagkakahiga at bigla kong naibato ang unan na pinagtatakip ko sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Dating the Porn Star
RomanceOnce upon a time, there was a simple living girl who thought life is simple and easy. Until she met this guy who made her life hard and complicated. It is really possible? For a simple girl... dating the porn star.