Chapter Two

9.9K 78 7
                                    

Chapter Two

"What happened Shan? Did you cried?" tanong ni Claire.

Nilapitan nya ako at tinignan na parang nag-usisa. Iniwasan ko ang mga tingin nya. Alam ko na halata na sa mga mata ko ang pamumula dahil sa pag-iyak ko.

"Uh- Wala ito Claire. Wag mo akong pansinin" palusot ko.

"Anong wala? Bakit ganyan kapula ang mga mata mo? Shan.. I knew that something happened"

Tinitigan nya ako sa mata pero pilit ko paring iniiwasan ang mga malalim nyang tingin. Baka kase maiyak ako.

Niyakap nya ako bigla. Kaya hindi ko na naman tuloy napigilan sa pagtulo ang mga luha ko. Kainis! Pati ba naman sa harap ni Claire ang hina hina ko! I am so fragile.

"Kahit sa maiksing panahon lang tayo nagkasama Shan, kilala na kita. Kahit wala kang sabihin alam ko may problema" sabi at hinaplos nya ang buhok ko.

Niyakap ko din sya. Kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Hinayaan nya lang akong umiyak at magsalita. Pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat ay gumaan ang pakiramdam ko kahit paano.

"Nandito lang ako Shan. Anytime na kailangan mo ng tulong"

Masaya ako kahit papaano ay may kaibigan pa rin akong pwedeng masabihan at masandalan.

"Salamat Claire"

====

Naglalakad ako ngayon dito sa kalsada. Malayo ang iniisip at nakatapakan. Nasira kase ang sapatos na suot ko. Buti na lang ay konti lang ang mga dumadaan. Sa itsura ko kase ay para akong wala sa sarili. Baka mapagkamalan pa nila akong baliw.

Pagkatapos kong kinuha ang gamit ko kanina ay umalis na ako. Hindi na ako nagpaalam kay James. Galit ako sa kanya. Naiinis ako dahil hindi nya man lang ako sinundan. Alam ko at alam nya na sobrang nasaktan ako sa nangyari pero sana naman sinundan nya pa rin ako. Sana naman hindi nya ako pinabayaang umalis.

*RINGING*

May tumatawag. Huminto saglit ako sa paglalakad. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag.

'INCOMING CALL FROM JAMES'

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit ng makita ko ang pangalan nya sa screen. Naiinis ako kaya gusto kong ibato ang cellphone ko. Pero naisip ko bigla, paano kung nagbago na ang isip nya at pinapabalik na nya ako? Natuwa ako kahit papaano ay may kakaunting pag-asa ang sumibol sa puso ko.

Sasagutin ko na sana ng may bigla akong tinutukan sa tagiliran ng patilim.

"Holdap ito! Bigay mo ang cellphone at bag mo sa akin"

Na estatwa naman ako. Naka-cup at jacket sya. Medyo wala ding dumadaan kaya walang nakakakita ang panghoholdap nya sa akin. Napamura na lang ako sa isip ko.

*RINGING*

Patuloy pa rin sa pagring ang cellphone. Sagutin ko kaya?

Diniinan nya pa ang patalim sa tagiliran ko kaya mas natakot ako.

"Please po. Wag naman po" pagmamakaawa ko.

"Ibigay mo na sa akin yan kung ayaw mong masaktan"

Lalo pa nyang diniinan ang patalin sa tagiliran ko kaya binigay ko na ang cellphone ko at bag.

Pagkatapos ay tumakbo na sya. At napaupo na lang ako dahil sa panghihina. Wala na akong lakas para sumigaw upang makahingi ng tulong at lalong wala na akong lakas para habulin yung walang hiyang holdaper na 'yun. Nanginginig pa rin ako dahil sa takot.

Dating the Porn StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon