Chapter Five

6.1K 50 4
                                    

Chapter Five

"Ate anong gagawin natin?" tanong ni Ralph. Kanina pa sya nagmamaktol dito at halata sa mukha nya ang kaba.

"Wag ka ngang magulo dyan. Ayaw mo 'nun, bago ang cellphone mo" Nginitian ko lang sya na may halong pang-iinis. Ano bang meron sa cellphone nya na 'yun? Bukod sa luma na ay di naman ganoong kagandahan. Dapat nga matuwa pa sya. Ang ganda kaya ng kapalit ng cellphone nya! Hmp!

"Ate naman! Wag kang ganyan. Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang gumaganyan. Tsaka kahit pa luma na yun. Importante pa rin sa akin yun"

Ang sarap nya talagang asarin kahit kailan. Parang bata lang. Pero sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako. Sa loob loob ka ay di ko alam ang gagawin ko. Paano ko mababawi yung cellphone sa lalaking gwapong 'yun? Wait! Sa lalaking yun na lang! Erase the gwapo. Makikipagkita ako? Makikipagpalit? Pero paano pag napahamak ulit ako?!

"Ano ate? Tutunganga ka na lang dyan? Mag-isip ka na at kumilos ka na! Gawa ka na ng paraan. Hays!"

"Tinawag mo pa akong Ate! Oo na may naisip na akong paraan. Pasalamat ka mabait ako"

"Tss.. Mabait daw" bulong nya.

Oo, may naisip na akong paraan. Sana mag work. Haay. Bakit sa liit lang na bagay ay nakakagawa ng malaking problema. Ganito na ba ako kamalas ngayon?

***

*RING* *RING* *RING*

"Ano? May sumagot na ba? Anong sabi?" tanong ni Ralph na ngayon ay nasa tabi ko.

Sinusubukan naming tawagan ang numero nya. Makikipagkita ako at makikipagpalit ng cellphone. Buti na lang ay nag ri-ring ito at buti na lang may load ito.

"Wait lang nag ri-ring pa"

*RING *RING* *RING*

"Tagal naman!" reklamo ni Ralph. Tignan mo 'tong lalakeng to! Sarap pektusan. Hindi talaga gusto ang naghihintay.

"Maghintay ka-"

"Hello?"

Napahinto akosa boses na narinig ko. Ang boses na ito ang kahapon. Tama nga. Nagkapalit nga kami ng cellphone.

"Hello. Sino 'to?"

Hindi ako nakasagot agad. Kakaiba ang boses nya. Ang manly masyado. Ganito ba talaga sya makipag usap sa phone? Ang sexy. I mean, ang husky. Ah! Basta! Parang nang-aakit. O ilusyon ko lang 'yun?

Napatingin ako kay Ralph at nakatingin siya sa akin na parang na we-weirduhan. Kaya parang natauhan ako. Umiling iling na lang ako. Ano bang nangyayare sa akin.

"Ah..ano kase.."

Hinintay ko syang magsalita pero parang hinihintay nya din akong ituloy ang sinasabi ko. Tanging naririnig ko lang ay ang paghinga nya.

"A-ako yung.. Y-yung.."

"Babae kahapon? Na nabangga ko at ngayo'y nagkapalit tayo ng cellphone?"

Nanlaki ang mata ko. Paano nya nalaman?

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko. "oo ako nga"

"Hahaha. Miss may sakit ka ba?" tsaka sya tumawa. "Paanong di ko alam eh numero ko ang pinang-tatawag mo?"

Di ako ulit makasagot. Hindi dahil napahiya ako. Kundi dahil..dahil..ang sexy nya paring tumawa. Bakit ganito sya? Para akong na hi-hypnotize sa bawat mga salitang lumalabas sa bibig nya. Para akong inaakit ng pagtawa nya"

Umiling iling na lang ako. At kinalma ang sarili ko. Nakalimutan ko na k pa rin pala sya.

"A-ah oo p-pala" tsaka ako napakamot sa ulo ko. Bakit ba ako nauutal at nahihiya? Ano ba talagang problema ko?

Dating the Porn StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon