Chapter Four
Nagising ako dahil sa hindi pamilyar na boses ng isang lalake. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nasilaw ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto.
"Sige po.." ani ng isang lalaki na ngayon ay nakatalikod sa akin habang may kausap sa kanyang telepono.
Wait, nasaan ba ako? Kinidnap ba ako? Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at nakakasigurado akong nasa ospital ako ngayon.
"Opo.." Patuloy pa rin sa pakikipag usap ang lalaki at hindi pa nya alam na gising na ako.
Bakit ba ako nandito sa ospital? Inalala ko ang mga nangyari kanina.. Tumatakbo ako paalis sa building na iyon.. May humahabol na gwapong lalaki sa akin.. Tumawid ako sa kalsada.. At.. at...
Nanlaki ang mga mata. May papalapit na kotse sa akin at NASAGASAAN AKO! Huwaah!
"Oh gising ka na pala" sabi sa akin ng lalake.
Tinignan ko naman ang katawan ko. Pero wala akong pilay, sugat, o galos man lang. Wala din akong maramdaman na kahit anong sakit sa katawan ko. Pero.. Paano.. Di ba nasagasaan ako?
"Don't worry. Walang nangyari sa iyo. Nawalan ka lang ng malay"
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Tinignan ko sya. Parang pamilyar ang mukha nya.. Saan ko ba sya nakita? Pamilyar sya eh.
"Nahimatay ka sa kalsada habang tumatakbo ka. Kala ko napano ka. At oo, ako ang nagdala sayo dito" nakangiting sabi nya.
"Salamat" sagot ko. Paano nya nalaman ang nasa isip ko? Nakakabasa kaya ng isip ito? Manghuhula kaya sya?
Tumawa sya. "Hindi ako nakakabasa ng isip"
Huh? "Paanong..."
"Halata lang kase sa ekspresyon ng mukha mo kaya madali kang basahin"
BINABASA MO ANG
Dating the Porn Star
RomansaOnce upon a time, there was a simple living girl who thought life is simple and easy. Until she met this guy who made her life hard and complicated. It is really possible? For a simple girl... dating the porn star.