Chapter Six

4.9K 50 11
                                    

CHAPTER SIX

Kitang-kita ang pagkabigla sa mukha ni James ng makitang nakapamewang ako sa likod ng babae niya.  Makikita mo rin ang sayang nararamdaman nya kanina ay biglang napalitan ng kaba. At ebidensiya dito ang pagkamutla ng kanyang mukha. Tila ba nakakita sya ng multo sa harapan nya. Bakit James? Anong kinakatakot mo? Natatakot ka ba dahil nakita mo ako?

"What James? Bakit natulala ka?" tanong ng babae sa harap nya.

Hindi naman agad nakasagot si James at nakatingin pa rin sya sa aki. "A-ah..a-ano" nauutal nyang sabi.

Tinignan ko sya ng diretso. Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya. Kahit na nasasaktan ako ay tinatagan ko ring wag umiyak ngayon. Ang hirap. Pero di ako makapaniwala na kinaya ko. Dahil siguro hindi lang sakit ang nararamdaman ko. Galit. Pagkamuhi.

"May problema ba?" nagtatakang tanong ng babae. At parang napansin naman nya ang pagkatulala ni James sa pwesto ko kaya unti-unti rin syang humarap.

"Oh" nabigla rin sya. Pero agad ding bumalik ang normal nyang ekspresyon.

Hindi maipagkakaila ang kagandahan nya. Mapang-akit ang mga mata, matangos ang ilong at pulang pula rin ang kanyang labi dahil sa makapal na lipstick. Sopistikada ang ganda nya. Nakakaintimidate rin ang kanyang presenya. Nakakapangliit.

"Nandito ka pala. The girl who is working- Oh wait, who worked in Zedblue right? By the way I'm Cindy Colleney" iniabot nya ang kanyang kamay para sana makipagkamay pero hindi ko ito pinansin.

Nagawa pa talagang magpakilala ha! Kumukulo na talaga ang dugo ko. Lahat na yata ng klase ng pagtitimpi ay ginagawa ko na ngayon para di magkagulo. Ayaw kong mag eskandalo dito. May pinag-aralan akong tao.

Tumayo na si James sa kinauupuan nya. "Ah kase Cindy-"

"What brought you here?" putol ni Cindy kay James. "Don't tell me hanggang ngayon ay naghahabol ka pa rin at nagmamakaawa?" dugtong nya at pagkatapos ay tumawa sya na puno ng panlalait. Nakuha nya naman ang atensyon ng mga ibang tao dito at nagsimula na silang magbulong bulungan. "I pity you girl. Naghahabol pa rin hanggang ngayon na parang aso. Kung ako sa 'yo ay umuwi ka na at itigil mo na ang kahibangang ito dahil-"

*PAK*

Kahit na nanghihina ako ay kinuha ko ang natitira kong lakas para sampalin sya. Hindi na ako makakapayag pati ang pagkatao ko ay husgahan nya lang ng basta-basta. Hindi nya ako kilala kaya wala syang karapatang apakan ang pagkatao ko.

Dahil sa ginawa ko ay mas lalong dumami ang nakikiusyoso. Ngayon ay pinagtitinginanna kami dahil sa ginawa kong pagsampal na nakagawa ng napakalutong na tunog mula sa mukha nya. Nabigla si James, pero mas nabigla si Cindy sa ginawa kong pagsampal sa kanya. At for the third time, dumapo ang palad ko sa kanya.

"HOW DARE YOU!" akma na sana syang susugod ng pumagitna si James sa aming dalawa. Kitang-kita sa mga mata nya ang pag-aapoy ngmga ito. Galit na gallt sya. At parang handa syang makipagpatayan ngayon.

"Tama na Shanna at Cindy. Nag-eeskandalo na kayo rito" sumbat ni James.

*PAK*

Sinampal ko sya. "Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito ngayon James. Niloloko mo ako! Bakit James? Kaya mo ba ako tinanggal sa trabaho dahil sa babaeng yan!? Kaya ba mas kinampihan mo sya!?" sigaw ko sa kanya.

"Shanna let me explain" Explain? Para saan pa?

"NO JAMES! You don't need to explain. Dahil kitang kita ng dalawa kong mata na niloloko mo ako! Sht ka! Cool off lang hiningi ko! Sana sinabi mo na ayaw mo na para diretsong nakipaghiwalay na ako sa "yo!"

"YOU BITCH! ESKANDELOSA!" sigaw ni Cindy mula sa likod ni James. Ahh! Eskandelosa pala ah. Pwes papatunayan ko 'yang sinasabi mo!

Kahit na nakapagitna si James ay hinila ko ang buhok nya. Hinigpitan ko at hinila ko talaga ito ng malakas. Kakalbuhin talaga kita!

"Shanna stop!" pinipigilan naman ni James ang kamay ko mula sa pagkahawak sa buhok ni Cindy pero lalo lang itong nasasaktan.

"OUCH! BITCH BITAWAN MO ANG BUHOK KO!" pagsusumigaw nya. Hindi sya makalaban dahil nakapagitna si James at malakas ang pagkakahila ko sa buhok nya.

"Shanna stop this!" hindi na alam ni James ang gagawin nya. Walang nagtangkang makialam. Walang gusting madamay sa gulo. Nanunuod lang sila at ang iba'y parang natutuwa pa.

Kinuha ko ang natitira kong lakas para hilahin ang lakas para hilahin ang buhok ni Cindy kaya napaupo sya sa sahig. Tsaka naman dumating ang guard kaya binitawan ko na sya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng guard. Kahit kalian talaga ay nahuhuli sa kwento ang mga guards. Pero mabuti na rin iyon dahil kung hindi pa sya dumating ay baka kung ano na ang nangyari kay Cindy.

Hingal na hingal ako. Tinignan naman ng guard ang kamay ko na punong-puno ng mga nalagas na buhok ni Cindy. Umiiyak naman sya habang inaalalayan sya ni James para makatayo. Ang arte talaga nya! May paiyak-iyak pa syang nalalaman. If I know ay nag-iinarte lang sya para kaawaan sya, para ako ang magmukhang kontrabida rito. Makikita na gulong-gulo ang buhok nya. Kahit papaano ay nabawasan  ang bigat sa aking dibdib.

"Kailangan nyong pumunta sa office" sabi ng guard.

Umiling ako. Hindi ko kayang makita si James. Kaya tumakbo na ako palabas sa restaurant. Pipigilan sana ako ng guard pero narinig kong pinigilan sya ni James.

Tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Huminto muna ako sandali. Pagod na pagod na ako. Nagsimula na naming mag-unahang tumulo ang mga luha ko. Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Ganito ba ako kasama para mangyari sa akin ito? Bakit wala nang nangyari sa buhay ko ngayon kundi puro kamalasan? Sht! Napaupo  na lang ako dahil sa pag-iisp hanggang napagdesisyunan kong umalis na.

Sinalubong ako ng maingay na tugtog. Sinasabayan naman ng mga tao ang maingay at maindak na tugtugin. Nagsasayawan sila sa gitna na parang walang bukas. Pumasok lang ako sa loob at dimiretso sa upuan ng bar stool.

"Bloody Mary please" sabi ko sa bartender sa harapan ko. Binigyan naman ako ng bartender at nagpatuloy lang ako sapag-inom hangga't di ko namalayan na nakarami na pala ako. Gusto ko munang makalimot kahit ngayon lang sa mga lahat ng nangyayari sa akin ngayon.

"Hi miss! Do you mind a company?" tanong lalake sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nya dahil sa nahihilo na rin ako at dahil sa mga paikot-ikot na makukulay na ilaw na tumatama sa kanyang mukha.

"Yeah sure" sagot ko. Linagok ko ulit ang isa pang baso na kakabigay lang ng bartender. "Ahh!" napailing na rin ako dahil nahihilo na talaga ako pero ngumiti pa rin dito sa lalake sa harap ko.

"By the way I'm Iver" sabi ng lalake.

"Huh?" tanong ko.

"Iver. I-V-E-R"

"Ha? Di ko marinig eh" ngumiti lang ako ng nakakaloko sa kanya at nagkunwaring di ko talaga narinig ang sinabi nya.

Ngumiti din sya ng nakakaloko sa akin at tila alam nya na nililoko ko sya. "I have a better idea" sabi nya ng may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Unti unti syang lumapit sa kinauupuan ko at hindi pa rin naalis ang nakakalokong ngiti nya. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko at dahil doon ay naaninag ko ang mukha nya. Gwapo sya..pero...parang pamilyar ang mukha nya. Pero bago pa ako makapag-isip kung saan ko sya nakita ay naramdaman ko na lang ang bibig nya sa may tenga ko. Hindi ko alam pero tila napapikit na lang ako sa naramdaman ko.

"Michael Iver del Prado"

Dating the Porn StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon