"First, you think the worst is a broken heart
What's gonna kill you is the second part
And the third is when your world splits down the middle
And fourth, you're gonna think that you fixed yourself
Fifth, you see them out with someone else
And the sixth is when you admit you may have fucked up a little""LAWRENCE OLIVER!" naiirita kong saway sa kanya. "Kita mo na ngang sinusubukan kong magconcentrate, nang-iistorbo ka pa!"
Tinignan lang ako ni Enzo sabay taas ng kilay. "Yung totoo, mare? Naiirita ka kasi maingay ako o naiirita ka sa choice of song ko?"
Turn ko naman para magtaas ng kilay. "At bakit mo naman nasabi na naiirita ako sa choice of song mo?"
"Simple," sabi niya sabay halukipkip. "Kasi ganun na ganun ang nararamdaman mo."
Napailing na lang ako at di na pinansin si Enzo. "I'm tryna study here. Wag kang magulo. Kung gusto mong makipagkulitan, dun ka sa mga kaibigan mong lalaki, Enz."
I heard him sigh and felt him shifted. "Aba, tignan mo yun oh."
Napaangat ang ulo ko at sinundan ang tingin ni Enzo... at tignan ko nga talaga. Carlos and Pia. Nag-uusap sila at base sa facial expression nilang dalawa, hindi naman seryoso. Nung nakarating sila sa cafeteria, Carlos opened the door for Pia before walking in.
Another thing he never did when we were still together.
"Tignan mo si Carl, mare," panimula ni Enzo. "Mukhang masaya na. Nakamove-on na. E ikaw?"
I clenched my teeth. Hindi ko alam kung kailan naging ganito si Enzo e, hindi naman siya nanghihimasok noon. Ano bang iniisip ng taong to?
"Andito ka pa rin. Hindi maka-move on. Ikaw tong nakipagbreak, pero ikaw din tong di maka-move on. Ano ba talaga, Liz?" Nung di ako sumagot, nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I don't want to be harsh--"
"But you are," I said, trying to regain my composure. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at humalumbaba sa mesa.
Hinalamos niya ang palad niya sa mukha niya. "Look, what I'm trying to say is try to be happy. Alam kong mahal mo pa si Carlos pero di ko maintindihan kung bakit nakipaghiwalay ka pero kung ayaw mong pag-usapan, ayos lang. Ang akin lang, sawa na ako makitang lagi ka na lang umiiyak. Ikaw ba, di nagsasawa?"
"Wala ka sa posisyon ko." madiin kong sabi.
"Yun na nga e. Wala ako sa posisyon mo pero nasasaktan ako. Ano na lang ikaw? Seeing you getting drunk, wasted, and then hearing and watching you bawl your eyes out. Tingin mo ano ikaw lang nasasaktan, Liz? Andito lang ako, ang barkada, wag mo naman kaming ipagtabuyan."
Pinahid ko ang luha sa gilid ng mata ko bago pa man ito tumulo. "I'm not pushing you guys away. Sa tingin mo ba madali lang maging kabarkada mo yung ex mo? Na tuwing nakikita mo siya masaya siya habang ikaw miserable?"
"That's the point, Leizel! Magpakasaya ka. Bakit ba ayaw mong magmove on?"
"Tingin mo ganun kadali yun?"
"Hindi. Pero at least try. Paano ka makaka-move on kung ayaw mong magmove forward?"
Hindi ko na sinagot si Enzo. Nagpatuloy sa pagkanta ang The Scipt habang tahimik kami ni Enzo. He was my wall when Carl and I broke up. Siya yung kasa-kasama ko nung nagpapakalasing ako, naglalabas ng sama ng loob. Siya yung bodyguard ko sa tuwing sumosobra na yung kasayaw ko sa mga paghawak sa akin. Siya yung nakinig sa mga hinaing ko sa buhay. Siya yung naging sandigan ko. Siya yung umunawa.
I sighed. "Okay. I'll try."
Enzo grinned at me and sighed with relief. "Gah, akala ko di ka na sasagot. The tension was killing me. You know how I hate dramas, ayt?" He reached for me and gave me a side hug.