Carlos' POV
"Ang tanga mo, alam mo yun?" Hindi ko siya sinagot. "Eto na nga't nakikipagbalikan na yung tao sayo, ikaw pa tong umaayaw. Akala ko ba mahal mo? Bakit di mo tinanggap?"
Hindi pa rin ako sumagot.
"Ewan ko rin ba naman kasi sa inyo. Sa totoo lang, alam ko na noon pa na hindi to magwo-work."
Tinignan ko siya ng masama. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Gavin."
Pero parang wala siyang narinig, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "Sabihin na nating mahal niyo nga ang isa't isa, pero hindi niyo naman masabi yun, hindi niyo maamin. At yung simula ng relasyon niyo, ano yun? Joke ba yun? Niligawan ka niya, sinagot mo siya, katuwaan lang na naging katotohanan? Ang hirap niyong intindihin."
Tinungga ko na lang yung beer na nasa baso ko at di siya sinagot.
"At ikaw pa tong may ganang magalit!"
I clenched my teeth. "At ano gusto mong gawin ko? Magpa-party?"
Bumuntong hininga siya. "Ang ibig ko lang namang sabihin, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang malinis. Tsk. Bakit ikaw ba sa relasyon niyo, may sinabi ka? Wala naman e. Sunod ng sunod ka rin lang kay Liezel. Pareho kayong takot magsalita. Alam mo kung bakit?"
Tahimik lang ako.
"Dahil ayos na kayo sa kung ano kayo. Kumportable na kayo na alam niyong 'kayo'. Kaso nagka-bounderies. Kayo nga, pero di gaya ng ibang in a relationship e open sa isa't isa, kayo, mas pinipili niyong wag magvoice out. Basta magkasama kayo, sige lang. Kaya ayan, yan ang nangyari sa inyo."
Tinignan ko yung kapatid ko. "Nagkagusto ka ba kay Liz noon?"
"Honestly?" Tumango ako. "Oo. Ano naman ang di kagusto-gusto kay Liz, diba? She's cute before, now she's grown into a beautiful woman. Mayaman, sexy, matalino, hindi man siya gaano kabait at masyado siyang mataray, pero yun yung nakakatuwa sa personality niya. She doesn't take bullshit from anybody."
I narrowed my eyes at him. "Kung makapagsalita ka parang hanggang ngayon meron ka pang gusto sa kanya, ah."
He let out a chuckle. "Malay mo, diba?"
Aba gagong to.
"Easy. Eto naman, di mabiro," he patted my back. "Oo, gusto ko si Liz noon pero sa apat na taon na naging kayo, tinuring ko na lang siyang younger sister. At kung sakali mang iisipin ko na magkagusto sa kanya, nandidiri ako sa gwapo kong katawan dahil parang incest ang labas."
Napabuntong hininga ako.
"Ang tanong ko ngayon sayo, Carl, ano na ang gagawin mo?"
Nag-isip ako. "Mahal ko pa rin siya. Pero tingin ko hindi pa ako handang pumunta doon."
"What do you want her to do then?"
"To wait for me. Hintayin niya hanggang sa kaya ko na ulit."
He sighed. "Bilisan mo, 'tol. Madami kayang nagkakagusto dun."
Tinignan ko siya. "Isa ka ba doon?"
Tumawa lang siya saka tumayo. "Wag kang pabagal-bagal, ah! Nami-miss ko na rin yung si Liezel."
Sana nga. Sana lang.
***
Enzo's POV
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Kaloy sa amin. Nagulat pa nga kami nung nagyayang mag-inuman dahil may sasabihin daw siya. E siya pa naman yung tipo na kakain na lang ng maraming matatamis, wag lang uminom.Kaya nung sinabi niya yun, alam na namin na si Liezel ang pinoproblema nun. Haaay.
Naglakad-lakad ako sa may tree park kung saan madalas tambayan ni Liezel tuwing vacant niya o kung nagpaka-Dean's lister nanaman siya at napasa niya na lahat ng quizzes kaya exempted siya sa pagiging college student.