Chapter 16
I saw your pic on instagram. Hot.
That was Lohan's text early in the morning. At dahil naguluhan ako sa sinabi niya, tinanong ko siya kung anong mini-mean niya. Hindi ko naman siya follower at lalong hindi ko alam na may IG account pala siya. Nakakapagtaka lang kase yung account ko sa IG hindi naka-sync sa twitter or sa facebook account ko at hindi ko rin tunay na pangalan ang ginagamit ko sa IG.
I'm mysterious that way.
Then, another message came. This time, picture na ang pinadala. Screenshot nung black dress na ginamit ko five days ago nung nagpaka-Taylor Swift ako.
At shet. Paano niya nakuha yan?!
I immediately dialled his number at wala pang dalawang ring, sinagot niya na. "Saan mo nakuha yan?" agad-agad kong tanong.
"Good morning to you, too, Liezel," sabi niya parang amuse na amuse sa outburst ko.
"Lohan," I said impatiently.
"Okay, okay. Yung kapatid ko, follower mo pala sa IG. Pinakita niya yung photo sa akin dahil sabi niya, yun na lang daw iregalo ko sa kanya. And well, I was astonished when I saw your face, modelling that sexy dress, wearing a matching stilettos, with make up, and using a dark red lipstick. Congratulations for transforming."
Natatawa siya sa kabilang linya habang ako naiinis na sa kanya. "Ano namang masama kung mino-model ko yung mga damit na binebenta ko aber?"
"Relax, Shin. Wala naman akong sinasabing may masama. Sabi ko nga, hot," was his reply.
I sighed and zipped my suitcase. "Oh e anong sinabi mo sa kapatid mo? Oorderin mo ba? Maraming um-oorder. At pinagtatalunan na ng mga followers ko yun. Umabot ba naman sa 7,000 ang nire-raise nila?"
"What? Ang mahal naman ata!"
"Ano ka, it's a Valetino original. Akala mo sa akin ngabebenta ng fake? Woist, designer clothes lahat ng binebenta ko. Buti nga mura na yung price ng mga binebenta ko noh," sagot ko while grunting. Hinila ko yung maleta ko pababa ng hagdan dahil tinatamad akong kargahin yun.
"Ugh. Bakit ba sa akin hinihingi ng kapatid ko yun? I don't even have a job yet," he mumbled.
"Bilhin mo na, Lohan. Ibibigay ko yun sayo sa original price na binenta ko. 5k. Ano?" alok kosa kanya. Hayaan na, kaibigan ko naman siya e.
"Talaga?" he asked excitedly. "Pero... what's the catch?"
Hindi ko muna siya sinagot at iniwan ang maleta ko sa connecting door ng living room at hallway. "I-delete mo lang ang picture ko na sinend ng pakshet kong kaibigan na itago natin sa pangalang Jerrome."
Tangene kasi talaga yang si Jerrome. Akala ko talaga nagjo-joke lang siya nung sinabi niya na ipi-print niya yung photos ko na naka-bikini at ipapadala daw kay Lohan since yun ang hiningi niyang pasalubong. Ang hindi ko alam, naglog in pala si J sa facebook through Jam's phone saka sinend ang mga nakuhanan ni Jam sa messenger ni Lohan. Ang kapal ng mukha!
Ang matindi lang, nung bisperas ko lang nalaman. Habang nagla-lunch kami sa restobar nina Carlos, biglang tumunog yung phone ko at nakita kong may pinadalang picture si Lohan sa akin sa messenger. Sa curiousity ko, tinignan ko. At nabulunan ako nung nakita ko kung ano yung sinend niyang picture! Napakawalangya! At hindi lang isa, ha! Halos lahat ata ng kinuhanan ni Jam e sinend ni J kay Lohan.
Natigil ako sa pag-iisip nung narinig kong tumatawa si Lohan sa kabilang linya. "Nah. Bibilhan ko na lang ng damit ang kapatid ko sa forme kesa i-delete yung mga letrato mo. Best Christmas present. Thank you, Shin!" may halong pang-aasar na sabi niya.