Chapter 17

1.9K 49 4
                                    

Ikatlong araw na namin dito sa Laguna at ito na rin ang ikahuli. Dahil nga bisperas ngayon ng Bagong Taon, nagdecide ang barkada na magswimming sa pool. Parang nung kailan lang kami nagbeach tapos ngayon, pool nanaman? Hindi ba to nakakakita ng tubig ang mga taong to at atat sa sodium chloride at chlorine?

Kahapon naman, naglibot-libot kami. Nakisama lang ako pero nung nagdecide sila na magpaka-turista kahapon, umuwi na lang ako at nagpahinga dahil na-dehydrate ako nung nilabas ng tyan ko lahat pati ata ang byle na pinoproduce ng liver ko, nilabas niya na.

So, all in all, habang sila e nagsasaya, ako naman e nagtatago at nagpanggap na pagod para lang di ko makausap si Kaloy.

"Hoy, Liezel, hindi ka ba lulusong?" tanong ni Enzo.

Umiling lang ako. "Ayoko ngang mangitim. Dyan na kayo at mag-iikot-ikot muna ako."

Nagpaalam na ako kina Ria at nagsimula ng naglibot-libot. Sa totoo lang, simula nung sinabi ni Anna yun, medyo na-weirduhan na ako. Alam ko na gusto ni Kaloy na kalimutan ko na lang yung sinabi ni Anna dahil alam niyang magkakalamat nanaman ulet pagpinag-isipan ko pa. Ngayon pa lang nga iniiwasan ko na siya, ano pa kung bumalik kami sa Manila?

Nadaanan ko yung isang establishment kung saan may mga nagvi-videoke. Kung kailan naman kailangan ko ng kawalanghiyaan, ngayon pa ako inatake ng hiya. E sana kumakanta na ako dyan ngayon, hindi itong para akong tanga palakad-lakad.

Nung nakarating ako sa sort of restaurant nila dito, umupo na lang ako sa pinakadulong bahagi at um-order lang ng pineapple juice at waffles. Pagkatapos e inilabas ko ang phone ko at in-on ang cell data ko. Sigurado naman akong on line si Lohan ngayon.

Kainis naman kasi yang si Enzo. Kung hindi lang siya nag-iinarte edi sana siya pinagsasabihan ko ng frustrations ko kay Kaloy at hindi si Lohan. Hindi ko naman pwedeng kausapin sina Chloe dahil wala naman silang alam sa naging relasyon namin ni Kaloy. Ang hirap naman kung hindi ka friendly!

Maloloka na ako. I need your help.

Nagreply agad siya kung ano raw ang problema ko. Kaya ayun, sabi ko sa kanya tawagan niya ako dahil ang hirap kayang magtype ano. Masakit sa thumb. At nung dumating na yung order ko, saka naman tumawag si Lohan.

"Ang tagal mo namang tumawag," pagrereklamo ko.

"Pasensya naman, nagpa-load pa ako."

"Hindi ka naka-line?" gulat kong tanong.

He snorted. "Grabe ka. Hindi lahat ng tao mayaman."

Hindi ko na siya pinansin at sinimulan ang kwento ko habang kumakain. In fairness ang sarap ha. Or masarap lang ata talaga siya kasi gutom ako.

"Oh, e ano naman ang problema doon?" tanong niya.

I sighed. "It makes me wonder kung tama ba yung naging desisyon ko noon."

"E ikaw lang naman makakapagsabi niyan. Sa tingin mo ba, tama?"

Natahimik naman ako saglit. "Hindi ko alam. Pero nung mga panahong nagdesisyon ako, feeling ko tama yun. Na it's going to be the best decision I'll ever make. Pero ngayon, ewan ko na."

"What made you say that?"

Ininom ko muna yung pineapple juice ko bago ko sinagot si Lohan. "Diba nasabi ko na nagkita kami nung high school friend namin at yung natanong niya kung kailan kami nagkabalikan?"

"Uh huh."

"Sabi niya pa, akala nila temporary break up lang ang mangyayari sa amin ni Carlos dahil...we were so in love with each other na akala nila spur of the moment decision lang."

What Happens After the Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon