"How did the talk go?"
I shrugged kahit di niya naman nakikita. "Intense."
"Intense? Gaano ka intense?"
"Intense to the point I cried in front of them."
"Oh shit," she uttered.
"Oh shit talaga," I sighed. "I kind of yelled din. I blame it on my hormones. Alam mo namang emotional wreck ako pag malapit na ang period ko."
"I know! Pero yung umiyak ka sa harap nila? That's superb. Anyway, anong react nila?"
"Ayun, umalis sila kahapon. Walang paalam, walang pasabi kung ano ng mangyayari sa katawang lupa ko," nahiga ako sa kama. "Para bang ipinasok lang nila sa isang tenga yung sinabi ko tapos inilabas sa kabila."
"Just give them time. Baka naman iniisip na nila kung paano magpaka-magulang, ano."
"Yeah, maybe," nagpagulong-gulong ako sa kama. "Kapag ikaw maging nanay, wag kang gagaya kay Mommy, ha, Achi? Pag naging ganun ka, itatapon kita palabas ng Milky Way Galaxy."
She laughed. "OA neto."
"So, buntis ka na ba?" tanong ko.
"Shobe! Ano ka ba, masyado pang maaga para mabuntis."
"E araw-arawin niyo kasi para magka-pamangkin na ako agad. Ibababa ko na at para makapagstart na kayo ni Jay."
"Liezel!"
Tapos in-end ko na ang call. Tawang-tawa ako sa reaksyon ng kapatid ko. Mehehe. E pa-virgin din yan e. Tsk tsk.
Umayos ako ng upo sa kama at inayos ang sarili ko. Pumasok ako sa walk-in closet ko at kumuha ng black skinny jeans saka longsleeves t-shirt. Nung nakapag-usap kami ni Achi pagkatapos nung 'drug issue', sinabi ko sa kanya na isend niya sa akin yung video na napanuod nila. Ayaw pa nga niya nung una dahil baka kung ano lang daw yung mangyari kaya nung prinomise ko na papanuorin ko yun kasama ng barkada, wala sa loob na pumayag siya.
At nandiri ako sa napanuod ko. Nandiri ako sa sarili ko. Sa angle ng video, obvious na nagtatago yung kung sino mang kumukuha. Feeling ko nga, propesyunal yung gumawa nun e. Kasi makikita mo ako pero si Silver hindi. Kitang-kita mo yung mukha ko pero si Silver likod lang ang kita.
And bitch. Kung makikita ko lang ulet yung Silver na yan, baka machop-chop ko yung pinagmamalaki niya. His hands were over my body! In my boobs, my ass, in places he shouldn't even touch! My hands are closed the entire time, I even tried to pry off his hand but he was persistent, and considering my state, wala na akong nagawa. Fuck.
He whispered something in ny ear that made me giggle. Yuck. Giggle? That word isn't even in my vocab! Gosh. He then kissed my ear, then my cheeks then my lips. And I was making out in the dance floor with some guy I just met! Shet.
I can see some of the guests looking at our direction na para ba gang concerned sila. Tapos nakita kong may lumapit kay Silver at binigyan siya ng isang glass ng drink. Nag-usap sila ng konti tapos umalis din yung lalake. At talagang di kita ang mukha nung kausap niya dahil naka-glasses siya at natatakpan ng mahaba niyang buhok ang mukha niya. Weird.
Tapos the next that happened is Silver holding my hand and leading me somewhere. Nagblack yung screen and the next thing I saw is myself lying on the bed, unconscious. Then a hand started roaming around my body and slowly removing my shirt. Nung napunta na sa part na skirt ko na yung sumunod, in-off na namin yung laptop and they were hugging me. HIndi ko na pala namalayan na umiiyak na naman ako.
Kaya simula nung napanood ko yun, hindi na ako nagsusuot ng mga damit na feeling ko e kita na kaluluwa ko. I kind of feel dirty.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako at kinuha yung susi ng kotse ko. Ihahatid ko na si Nanay Merryl pauwi sa kanila bago ako pumunta ng Seis. Doon kami laging pumupunta ni Enzo kapagka gusto kong ilabas ng galit ko sa mundo. Pero ngayon, di ako pupunta doon para maglasing. Pupunta ako doon para kausapin si Marcus Ruis, yung co-owner ng bar at ang nirereto ng nanay ko sa akin.