Chapter 22

2.1K 40 0
                                    


Pia's POV

Eto na ba talagang sinasabi ko eh.

"Uhh. Anyare?" tanong ni Hannah. "Bakit ako nakakaamoy ng bitterness sa hangin?"

Ria narrowed her eyes at Carlos. "Did something happen, Carl?"

"Hindi nasabi ni Liezel sa inyo?" Luke asked, surprise etched on his face.

"Hindi. Hindi na nga yun pala-labas e hindi na yun pala-kwento. Tsaka kung hindi lang siya inasar ni Drei e hindi pa namin malalaman na... may feelings pa siya sayo," Rein explained.

Binatukan ko si Carl. "You are so dumb! I already told you to tell her the truth but what did you do? You actually use me to make her jealous. And now she's with someone else, we can smell your jealousy. Sinong may kasalanan?"

Carl pouted tapos humalumbaba sa mesa. "Sabi niya naman mahal niya ako, e. Sinabi ko rin naman sa kanya na ayoko doon kay Lohan James, tapos ngayon, sasama-sama pa siya doon," pagmamaktol niya.

"E bopols ka talaga. Hindi mo nga tinanggap na gusto niyang makipagbalikan sayo tapos magagalit-galit ka ngayon? Ang tanga lang mo lang e noh," sabi ko ulit.

"E sa hindi pa nga ako ready!" inis na sagot niya sa akin.

"Magpaka-ready ka! Duh, you see how that guy looked at her? Jeez, kuya, he looks so into her!"

Natahimik siya saglit tapos napatingin sa mga mukha ng mga kaibigan namin. "Totoo ba?"

They all nodded. See?

"Hindi... hindi pa rin naman siya nililigawan ni Lohan James ano?"

Aries eyed him. "Hindi pa. But I heard yung Mommy niya e sine-set up siya sa mga anak ng mga amiga niya. Tsaka... hindi ba Carvajal yang si Lohan?" tanong ni Aries kay Ria. Ria nodded. "Well, ang alam ko kasi na magkakaibigan ang mga Carvajal at Yu. E kung nalaman ni Tita na yang si Liz e kaibigan ng isang Carvajal, expect mo na na iseset-up nanaman siya."

Ugh. Ang tanga talaga netong kapatid ko.

"I just don't get you, Carl. If you still had feelings for her, bakit hindi ka kumontra when she asked for a break up?" Ria asked.

"Bakit ba natin pinag-uusapan to?" tanong ni Carl.

Ria squinted her eyes at him. "I just want to know. Alam mo kase, girls have this tendency na magpakipot. Sometimes we say things we don't really mean just to know what guys are thinking. Malay mo naman, Liz just asked you for a break up para malaman na... you know, if you really care about her."

"Hindi naman gagawin ni Liz yun," Luke explained. "Siguro ayaw niya na talaga dahil etong kaibigan natin, ang torpe."

"Anong torpe? Hindi ako torpe," Carl defended.

"Kung di torpe, ma-pride, bro," komento ni Allen. "Kasi naman. Sabi naman kasi namin sayo noon na kailangan ng reassurance ng mga babae. Hindi ka nakikinig kasi inisip mo, iba si Liz."

Napailing na lang. "Yeah. And how could you not say the three little words to her in all the four years you guys spent together? And how could you act like some jerk when it comes to her?"

"Jerk? Ang sakit mo na talagang magsalita, Pia!" he whined.

"Ang galing nga, e! She can talk to you like that! Sige pa, Pia, throw him more insults!" Ria said excitedly. We just shook our heads at her.

"E kasi naman. Kung bakit naman kasi inaasar mo yun tapos minsan pa tatawagin mong matakaw, amazona, mataray, and all but did you once complimented her?" hindi siya sumagot. "See? Tapos kapag naman may ibang babae, mas nagpapaka-gentleman ka sa kanila kesa sa kanya, tanga ka ba? Saan mo pa natututunan magiging masaya si Liz sa ganun? Tanga." I said irritatedly. "At saka, you told me once about this guy her mom used to set her up with? Yung Marcus? Kung nagseselos ka, kuya, sabihin mo. Hindi sa akin, hindi sa mga kaibigan mo, kundi kay Liz mismo. Ipakita mo rin na nagseselos ka. Tapos magvoice out ka. Wag ka puro oo o hindi sa kanya. Sabihin mo yung gusto mong sabihin."

What Happens After the Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon