Merry Christmas!
Pero syempre, excited lang ako. Bisperas pa lang ng Pasko. And since I'm a giddy gal every Christmas, maaga akong nagising. Mga tipong 3:30 ng madaling araw para magsimba. Alam ko ang sama ko dahil huling Misa de Gallo lang ako uma-attend.
Anyway, pagkatapos ng misa, tumambay muna ako sa labas ng simbahan at kumain ako ng sandamakmak na kakanin. Sarap na sarap ako sa suman at sa kutsinta na binili ko na bumili pa ako ng pang-bring home. Nasabi ko na bang medyo masiba ako?
So, eto ako ngayon, sina-sign yung package na pinadala sa akin ni Mommy. I gave back the paper and pen to the LBC guy saka ako pumasok ng bahay. Kanina dumating na rin yung package galing kay Daddy pero di ko pa binubuksan. Hinintay ko pang dumating tong kay Mommy.
Sigurista rin kasi tong mga magulang ko. Alam nilang di na maasahan kapag package lang ang ipapadala nila dito. Sa dami ba naman ng nawawalang gamit sa balikbayan box, hindi na sila nagtitiwala sa gobyerno. So ang ginagawa nila, pinapadala nila yung package sa mga galamay nila doon sa ibang bansa saka naman iuuwi dito sa Pinas. Pagkarating sa Pinas, ipapa-LBC na lang ng mga galamay yun tapos babalik na sila sa kani-kaniyang amo nila. Mission done.
Inilapag ko yung package na galing kay Mommy sa coffee table sa gilid ng kay Daddy. Tapos tinanggal ko yung nakabalot na tape at sabay na binuksan iyon at yung kay Dad.
And voila, my hunch is correct.
Mom sent me more clothes, shoes, make ups, chocolates, and other things. Yung usual niyang binibigay tuwing Pasko. Magaganda naman yung pinapadala niya pero nakakasawa ng tumanggap ng parehong regalo taon-taon.
Same with Dad. Niregaluhan niya ako ng bagong labas na iPhone and some gift certificates from my favorite online music store. At gaya nga ng sabi ko, nakakasawa ng tumanggap ng ganito. Sana next time, trip to Disney World na lang iregalo niya. I'll be happy to be in Florida.
Sighing, I rummage through the box of Mom hoping to find something else. Then, I saw the usual envelope na laging kasama ng package. Nung binuksan ko to at inalis ang laman, mas nainis lang ako sa nanay ko.
Taon-taon -- minsan kahit hindi naman talaga dapat -- she'll send me pictures of her and her perfect family. Ngayon naman, they were all wearing formal attires, smiling at the camera. Tinignan ko ang mukha ng nanay ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero yung ngiti niya, mukhang ngiting nagtagumpay. Hah. Sabagay. I mean, she found a guy who's head over heels in love with her and a daughter who's so beautiful and perfect that'll make her proud. Bwisit. Kulang na lang maglagay siya ng banner o kaya magsulat ng letter at sabihin na nahanap niya na ang matagal niya ng hinahanap. A perfect husband and a perfect daughter.
Tinapon ko sa couch yung pictures nila. Bakit kailangan niya pang magpadala ng ganyang pictures? Nang-iinis ba siya na heto siya, papunta-punta lang sa galas, sa parties, kasama ng bago niyang pamilya at masaya, at ako andito sa Pinas, nagse-celebrate ng Pasko mag-isa?
I sighed. I sounded bitter. Tsk.
Tinignan ko yung package ni Daddy kung may nilagay din ba siyang letter doon. And as usual, meron nga. Kaso, Christmas greetings lang naman. Huh. Way to go Dad. Pero at least, hindi siya nagpapadala ng pictures niya at ng ka-live in niya. Buti na lang. Dahil kung ganoon ang mangyayari, ewan ko na lang, ibebenta ko na tong bahay.
Okay. So tama na ang drama at kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Binuhat ko yung mga boxes at iaakyat to papunta sa kwarto ko. Nung nakarating ako doon, nilagay ko sa kama ko yung boxes tapos isi-net aside ko yung kay Daddy. Kahit naman na sabihing ayoko na laging gadget ang binibigay niya, syempre hindi ako tumatanggi. Hello, I'm a certified Apple user here. Hindi ko ipagkakait ang sarili ko sa luho ko.