Drew's POV
naglalakad ako sa pathway nang may lumipad na libro at tinamaan ako. gago yun ah! paglingon ko si Cherry pala.
"Hayy, ang hirap mong habulin ah" Cherry
"bakit ba?"
"date"
"ha?"
"i-date mo ko" Cherry
napapano ang babaeng to? nilagpasan ko siya
"sige nanaman! kailangan lang talaga oh!"
"ano namang mapapala ko dyan?"
"Madaming chix sa pupuntahan natin"
"tapos?"
"anong tapos? hindi ba lalaki ka rin?diba gusto nyo yung madaming magagandang babae? katulad ni Rey" may lungkot na bakas sa pagkakasabi niya
"hayy syempre kapag may mahal na yung lalaki hindi na niya yun gagawin"
"eh bakit ayaw mo? mahal mo pa din ba si Andrea? o may iba ka ng mahal?"
napabuntong hininga ako. she got me there
"chismosa. oo na, kailan ba yan?"
"talaga?! bukas!"
"bukas?! nakngteteng anong oras?"
"6:00 ng gabi"
"may klase ako" sabi ko at nilagpasan ulit siya pero hinabol niya lang ulit ako
"eh? sayang naman. nandun si Anne Curtis, Erich Gonzales, Ryza Cenon tsaka Ellen Adarna"
napalingon ako sakanya
"seryoso ka?"
"yup"
"tss sige na nga"
"hahahaha! i knew it! paano yung klase mo?"
"magdi-ditch ako"
"wow. mamaya niyan di ka maka-graduate haha"
"eh di kasalanan mo" ngumuso siya
"sige una na ko. text ko na lang sayo yung address salamat ah" sabi niya at tumakbo na
**
tumingin ako sa relo ko 6:00 na
nakaupo na ako at nagtuturo na yung prof namin pano ko kaya to lulusutan?
"aaaaackkk" hutangina, sana naman gumana ang acting skills ko dito
"may problema ba Mr. Villamor?"
"meron!"
napatingin silang lahat saakin
"ano kasi.. masakit po yung tiyan ko"
"talaga? eh bakit sa ulo ka nakahawak?"
ay anak ng teteng
"connected po yung nerves ko sa ulo"
"pinaglololoko mo ba ako Mr. Villamor?"
"Hindi po!"
hindi niya na ako pinansin at tumalikod na
nako naman oh!
"stop fooling around"
naku naman. umenglish pa
"Naje-jebs na po ako sir"
pagpapaawa ko
natawa yung iba kong classmate tss! mamaya lang makikita nyo
may picture na ako kasama nila Anne Curtis, Erich Gonzales, Ryza Cenon at Ellen Adarna mahlabs
"ughh sige na umalis ka na baka dito ka pa magkalat"
napatalon ako, yahoooo
"YESSSS!"
tinaasan ako ng kilay ng prof namin
"WOOH! YES!! MAKAKAPAGBAWAS NA AKO!"
At tumakbo na ako palabas
umuwi na ako at nag-ayos tapos nagpunta na ako sa Venue. hayst, nasuot ko tuloy yung bagong bago at hindi luma kong suit.
mukhang party ng mayayaman. tama nga si Cherry, madami ngang magagandang babae. eh ano naman?
nasan na kaya yun?
biglang may humawak sa balikat ko
"ay aswang ka!"
"tangina naman. todo ako sa pag-aayos tapos sasabihan mo ako ng aswang? respeto naman"
si Cherry pala
tinignan ko sya mula ulo hanggang paa
yeah right. manganda nga siya. sexy pa
bagay sakanya
"Tara na?" tumango ako at ikinawit niya ang braso nya sa braso ko
may table doon at umupo kami si Rey yung ka-table namin, maganda rin ang date nya pero to be honest mas maganda si Cherry
"Rey! pare" bati ko
"Drew!"
saglit siyang tumingin sa katabi kong si Cherry pero umirap lang ito. bakit ba ang hilig mang-rap ng mga babae?
"Ikaw pala ang date ni Cherry" Rey
"yeah. matanong ko lang anong meron dito?" tanong ko
"hmm launching event"
"ahh"
nagstart na yung event. tahimik lang ako dito sa table namin kasi si Rey at Cherry walang tigil ang bunganga
nagkakatinginan na lang kami nung date ni Rey eh
hays teka nga pala. kinalabit ko si Cherry
"nasan na sila Anne Curtis?"
"tss. hindi sila pupunta"
"hala bakit?"
"duhh? its just a bait , para sumama ka" at inilabas niya ang dila nya
pang-asar naman oh! alam nya bang umakting-acting pa ako kanina sa klase ko kanina?!
tumayo ako at naglakad-lakad muna
may nadali akong babae at muntik na syang ma-out of balance. buti na lang nahawakan ko sya sa balikat
"Sorry miss"
"ayos lang" napatingin akong maigi sa nakayukong babaeng ito
si Jessica. sht ang bango nya
"Drew!" napalingon ako kay Cherry
"sayaw tayo?" aya nito saakin
hindi naman ako makasagot
"Uy Jessica ikaw pala!" Cherry
"Date mo sya Drew?" Jessica
tumango ako. napayuko sya ulit pero biglang dumating yung Ethan at hinigit sya. kaya ayun nawala na sa paningin ko
"sige na, sayaw tayo?"
"yayain mo si Rey. ayun oh. nakatingin sayo" i said at iniwan ko na sya
naglakad-lakad na lang ako ulit at nang makakita ng upuan ay umupo ako doon
BINABASA MO ANG
Take A Chance On Me
Fiksi Remaja[Completed] May mga tao talagang hindi marunong tumingin sa paligid niya, sa taong mahal siya. hindi niya mapansin kasi umaasa pa din siya sa taong hindi naman sya ang pinili. Jessica and Drew's story (LYIAJ'S SEQUEL) con-amore- 2015