Chapter 12

98 7 1
                                    

its not that iniiwasan ko sya kaya lang, baka nga wala na talaga akong pag-asa 


"hey spacing out?" napapitlag ako dahil kay Ethan 

"stay here, bibili lang ako ng token" sabi nya, tumango ako. 

maya-maya lang ay bumalik na sya, inilagay namin ang token at nagstart na ako pero bago yun nginitian ko siya.

"Watch me okay? nag-imporve na ko" sabi ko at medyo ngumuso 

tumawa siya

"haha alright then" sabi nya. nagsimula ng tumugtog ang kantang everytime we touch by cascada

sa una mabagal lang pero bumibilis na yung beat ganun din yung mga arrows kaya ganun din ang mga paa ko

humawak ako sa hawakan sa likod. napansin kong nadami na din ang mga taong nanonood, i smirked. nag-imporve talaga ako haha hinanap ng mata ko si Ethan pero hindi ko siya makita.


"Andito ako sa likod" napangiti ako nang narinig ko sya. natapos na yung kanta. nilapitan ko si Ethan at hawak nya ang cellphone nya 

"hey? vinivideo mo ba ako?"

"yeah" sabi nya at ngumiti. napaawang ang bibig ko ng konti. ang gwapo nya

inabutan nya ako ng tubig

hayy nakakapawis talaga yun haha pero masaya.

"Ang galing mo talaga haha. Tara na? or may gusto ka pang puntahan?"

"Anong tara na? ikaw naman!" at tinulak ko sya, napansin kong lalong dumami ang tao especially the girls. hakot din ang isang to eh 

"Okay" sabi nya at kumindat sakin 

wait? gagawin nya talaga? marunong siya?

pinili nya yung ring ding dong ng shinee tapos nag professional pa sya na mode. hanggang hard nga lang ako eh 

nagsimula ang kanta at sumulyap muna sya saakin. Narinig ko ang mga pigil na tili at bulungan ng mga babaeng katabi ko. 

kinuha ko ang cellphone ko at vinideo din sya, kung sakali man ay pamblack mail sana haha joke. may ipapang-asar sana ako kaya lang


ang galing nya. wala yata syang miss

pinagmamasdan ko sya at ang pogi nya talaga.  pagkatapos ay lumapit sya saakin

nakita ko ang inggit sa mga manonood nang ako ang lapitan nito

"Wanna play together?" tumango ako since pwede naman ang two players atsaka bihira lang tong mangyari kaya lulubusin ko na hahaha

yung kanta ay hot issue by 4minute nagprofessional din ako gusto ko ding itry kaya lang hindi ko mahabol ang dami kong miss tapo sya ang dali lang para sakanya natatawa tuloy ako. hindi ko na mahabol ang score nya hahaha at the end it was very fun. 

naglibot din muna kami sa supermarket, bookstores, pati mga free taste ay hindi namin pinalagpas.


nagulat na lang ako nang mapdpad kami sa jollibee para maupo muna

"seriously? Jollibee? hahaha" sabi ko 

"bakit? wala namang age limit dito ah hahaha" siya

kinuha nya ang cellphone nya at lumapit sakin, iniharap at itinaas nya ng bahagya ng cellphone nya at lumapit ng konti saakin 

"say keso!" sabi nya, napatawa ako

"Keso!" sabay naming sabi sabay pindot nya sa cp nya. tinignan ko yung picture

"ang gwapo ko talaga hahaha" Ethan

tumingin ako sakanya. Gwapo nga, mabait pa.

ilang saglit pa at umuwi na din kami, hinatid nya ako pauwi para daw safe hmm

"Sige. pasok na ako. salamat ah ingat ka pag-uwi" nakangiti kong sabi sakanya nang makapunta na kami sa bahay

"Walang anuman" nakangiti nyang sagot 

naglakad na ako papunta sa gate 

"Jessica" napalingon ulit ako

"hmm?"

"I'm serious."

"Ha? san?"

"you know.. if we can date" mahina nyang sabi sabay iwas ng tingin

hindi naman ako nakasagot agad. ngumiti na lang sya at sumakay na sa kotse nya paalis.

so it's true? hindi naman ito ang first time na may nagkagusto saakin pero isang tao lang naman ang naiisip ko kapag nagkakaroon ng sitwasyon na ganito


si Drew...


aish jessica! anong drew? eh wala naman syang pake sayo. ipinilig ko ang ulo ko at pabuntong hiningang pumasok sa bahay


Take A Chance On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon