Chapter 14

105 4 2
                                    

Jessica's POV

"Pose. yung nakangiti Jessica" Ethan

yeah, sya ulit ang photographer ngayon. inirapan ko sya at ang ugok tumawa lang

biglang bumukas ang pinto ng studio ni Ethan 

"Oh. nandyan na pala yung isang model"

"Drew?"

ngumiti sya saakin, nilapitan nya ako at nilagpasan nya lang ang nakalahad na kamay na si Ethan 

"Uy! hahaha" Drew

tumawa din ako sakanya, lumapit samin si Ethan

"Ethan pare" at inilahad nya muli ang kamay nya kay Drew

titig na titig si Drew kay Ethan

*facepalm* nakwento ko nga pala si Ethan kay Drew

"Drew" simple nyang sinabi at tinanggap ang kamay ni Ethan 

sabay silang dalawa na napatingin sakin kaya napalunok ako

O-okay?

"Start na tayo" Ethan

nagsimula ng ayusan si Drew. lumapit sya saakin pagkatapos at nagsimula na ang photoshoot

pose lang ng pose at kuha lang ng kuha si Ethan 

"Lapit ka ng konti Drew" Ethan

umisod si Drew papalapit saakin

"okay na?"

umiling si Ethan 

"Lapit ka Jessica kay Drew" lumakas ang tibok ng puso ko, nagkatinginan kami ni Drew at sabay nag-iwas ng tingin may ilalapit pa ba dito? eh halos maka-face to face ko na yung dibdib ni Drew eh 

"Hey, couple kay dito. kung gusto nyong matapos tayo agad gawin nyo na"

masyado talaga syang seryoso sa trabaho nya . lumapit pa ako at dahil naka-gown ako at maliit na lang ang espasyo. naapakan ko ang gown ko at natumba kaming dalawa ni Drew

Ghad. anong ginawa ko?

hinawakan ako sa balikat ni Drew

"okay ka lang?"

"y-yeah"

*click*

napatayo ako ng marinig kong kinunan kami ni Ethan

tumingin sya saakin ng seryoso pero sya na din ang umiwas 

"shoot is done. fix your things guys" sabi nya sa mga staff 

sa huli natapos din. hayy nakakaloka. Nagpunta ako sa dressing room para magpalit

paglabas ko

"pusang kinalbo!"ughh.. ang hilig talagang manggulat ni Etahn at ni...Drew?! anong ginagawa nila dito?

"Hatid na kita" sabay na sabi nilang dalawa

"huh?"

"Gusto sana kitang ihatid ulit" Ethan 

"Uhh, pupuntahan ko si jhay-arr kaya naisip ko na sabay na tayo" Drew

napataas ang kilay ko sakanilang dalawa

"I'll go with Drew, tutal pupuntahan nya pala si Jhay-arr, sabay na kami" I said

nagkatinginan si Ethan at Drew

"alright. text me na lang kapag nakauwi ka na" Ethan, ngumiti ako sakanya

naglakad kami papunta sa kotse ko. Dala din naman nya ang kanya kaya lang yung babalikan nya na lang daw yun

"Yun ba yung Ethan na sinasabi mo?" 

"yup. gwapo diba? hahahaha"

ngumiwi lang siya haha problema nito?

"gusto mong dumaan sa coffee shop?"

"libre mo?" biro ko

"yeah" 

nagpunta kami dun. hindi naman ako natanggi sa libre haha

umupo kami at umorder. habang naghihintay...

"Mas gwapo ako dun sa Ethan" at ngumuso siya 

"gutom lang yan, gusto mong cheescake?"

"Tss" hahahaha hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. napansin kong namumula ito. aba rosy cheeks

pinisil ko iyon

"Araaayy!"

"Hahahahaha"

"psh, ang daya mo kapag pinayagan mo ang Ethan na manligaw hindi malabo na maging kayo. paano naman ako?"

nagitla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata

"so gusto mo din?"

"yep. gusto ko din ng babaeng pwedeng idate" at nanghalumbaba siya

*sighs*yayain mo lang ako kahit isang beses, papayag ako.


may dumaang babae at nasagi niya si Drew kaya natapon yung kape. mabilis kong inabutan at pinunasan ng tissue si Drew

"okay ka lang?"

tumango siya

"sorry kuya" sabi nung babae

"ayos lang" sagot naman nito sabay ngiti

tuloy pa din ang punas ko sakanya

"okay lang" sabi naman saakin ni Drew

"Tsk"

"tama na Jessica" nabasa tuloy si Drew, mainit pa naman yung kape

"okay na nga"

yung babae kasi-- hinawakan ni Drew ang kamay ko

"tama na, ayos lang ako"

"sorry" napayuko ako

bumalik na din kami sa kotse at nagdrive na siya

"Thanks "

"Welcome" at ngumiti ito saakin

"Teka diba sabi mo pupuntahan mo si Jhay-arr? andun ata siya sa loob puntahan natin?"

napakamot siya sa batok

" ahh hehe, dinahilan ko lang yun para sakin ka sumabay. sige ah, una na ako"

at tumakbo na siya. hindi naman mapigilan ang pagngiti ko

kinuha ko ang cellphone ko nang magvibrate ito

Ethan: nasa inyo ka na?

Me: yes

Ethan: eat your dinner okay?

Me: okay.

 papasok na sana ako ng bahay ng nakatanggap ako ng isa pang text

Drew: Goodnight

Me: tutulog ka na?

Drew: nope. nasa biyahe pa ako

Me: ingat

Drew: opo

"yep. gusto ko din ng babaeng pwedeng idate" hayy Jessica sa tingin mo yayayain ka nun?


Take A Chance On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon