Jessica's POV
Goodmornig sunshine!! Ang sabi ni Drew dadaanan nya ako dito ng 9AM Sakto naman at 7 palang
muli kong nilingat ang orasan at what the??!!! 8:50 na? bumalikwas ako ng bangon sa kama sabay kuha ng towel at dumiretso sa banyo naku naman! Nakakahiya naman kung magpapahintay pa ako pagdating nya kasi di pa ko ready diba? Wala akong karapatang maginarte sa set up namin ngayon!
Naligo ako ng mabilis at nagsuot ng ripped jeans at white plain tshirt. Narinig ko ang doorbell, Bumilis ang tibok ng puso ko. Nandito na sya
Dahil tulog mantika pa ang pinsan kong si Jhay-arr ako na ang nagbukas ng pintuan
"Goodmorning." Bati nya atsaka hinead to foot ako. Hindi pa kasi ako naka sapatos
"Pasok ka muna" Niluwangan ko ang bukas ng pinto
"Sa kotse na lang ako maghihintay." Tinignan ko lang sya at hindi nagsalita
Ang pogi nya.
"Uhh try to wear shorts or something na mape-preskuhan ka"
"H-ha bakit naman?" Actually balak ko talagang magshorts kaya lang baka ayaw ni Drew ng ganoong pananamit lalo pa at first ever real date namin to
"Basta. "
nag-aalinlangan akong tumingin sakanya. Hindi ba dapat pagbawalan nya nga akong magshorts kasi diba ganun kapag protective sayo ang lalaki? Ngumuso ako.
"Nalaman ko kasi na uhh comfortable talaga sa mga babae ang magshorts lalo na ngayon at mainit ang panahon. ayoko namang magsuot ka ng damit na hindi mo gusto para lang sakin at para sa date na to. Isa pa I'm letting you to wear shorts because you're with me."
lumapit sya saakin
"pero kung hindi ako ang kasama mo. You can't wear revealing clothes" aaminin kong kinilig ako doon kaya hindi ko mapigilan ang ngumiti
"Why are you smiling? seryoso ako"
"Hahaha okay okay. I'll change" Mabilis akong nagpalit pagkatapos nun lumabas na ako ng bahay ako na din ang nagsara dahil tulog pa ang magaling kong pinsan
Sumakay na kaming dalawa sa kotse
Nagngitian kaming dalawa bago nya pinaandar ang sasakyan
akala ko magm-mall kami o kung ano mang common na gawain pero nang tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse patagal ng patagal ay pakonti ng pakonting bahay na lang ang nadadaanan namin. Hanggang sa puro puno na lamang at tahimik na lugar
Binalingan ko ng tingin si Drew na masayang nakikinig sa paborito nyang banda. Ang The Beatles
"Where are we going?" tumingin sya saakin saglit tapos bumalik sa pagkanta ng let it be na patugtog nya habang nagmamaneho
"Alam mo kinakabahan ako sa mga paganto-gantong lugar, eto yung mga napapanood ko sa movies eh! nako drew ha! Kung aakyat tayo ng bundok dapat sinabi mo saakin! wala manlang tayong dalang tubig o pagkain"
"Sinong nagsabing aakyat tayo ng bundok?" Natatawang tanong nya
"ay hindi ba?"
umiling sya habang nakangiti.
"Baka naman plano mong mag ghost hunting sa abandonadong bahay?" Kinakabahang tanong ko dahil duwag akong tao kahit hilig kong takutin ang sarili ko sa panonood ng horror movies
sumeryoso ang mukha nya at hindi na sumagot. Silence means yes
Omg!!!
"So yun nga ang plano mo?" Tumango sya nang hindi tumitingin saakin
BINABASA MO ANG
Take A Chance On Me
Teen Fiction[Completed] May mga tao talagang hindi marunong tumingin sa paligid niya, sa taong mahal siya. hindi niya mapansin kasi umaasa pa din siya sa taong hindi naman sya ang pinili. Jessica and Drew's story (LYIAJ'S SEQUEL) con-amore- 2015