Note: Ito na ang last chapter at ito na din ang Epilogue. Salamat sa nagbasa kung meron man hahaha
5 years later....
hinubad ko ang tsinelas ko habang lumulubog ang paa ko sa puting buhangin
nakapikit kong dinama ang hangin na dumaan at pinakinggan ang tubig na humahampas sa mga bato
May kung ano akong naramdaman nanaman sa tyan ko, medyo masakit pero napangiti ako.
"Sumisipa ka nanaman baby. gusto mo na siguro lumabas? hahaha" Sabi ko sabay himas tyan kong malaki na.
Natanaw ko na si Drew sa malayo habang hawak nya ang maliit na kamay ni Vanessa
"babe, antok na ang prinsesa" aniya sabay buhat sa 2 years old na si Vanessangumiti ako. gabi na din kasi
"Okay. Let's go na sa resthouse"
magtatatlong taon na kaming kasal ni Drew, grabe nga parang dati pinapangarap ko lang sya. tapos ngayon, asawa ko na at tatay ng mga anak ko. No words can describe how thankful i am
inihiga na nya si Vanessa sa kama. Nagbihis na din naman ako ng pantulog
tumingin lang ako saglit sa veranda para pagmasdan ang buwan at dagat.
I can't imagine na ipinangako ni Drew na dadalhin nya ang magiging asawa at future kids nya dito sa beach na to. And I'm here. We're here as a familyNaramdaman kong may brasong yumakap sakin mula sa likod at ang kamay nito ay pumunta sa aking tyan
"Aren't we going to sleep? hindi ka pwede magpuyat." Sabi nya
"Alam ko, naisip ko lang na ang bilis lumipas ng panahon. Pangalawang anak na natin to samantalang dati, baliw na baliw pa ko sayo haha!"
He also laughed.
"Yeah. I'm also crazy to you. Hanggang ngayon, sa susunod pang maging taon. Kahit na matanda ka na at parehas na tayong hindi makalakad ng maayos. Ikaw pa rin "
He looked at me. Hindi pa rin nagbabago, lumalakas pa din ang tibok ng puso ko sa bawat titig nya
"Babe..." tawag nya
"Hmm?"
"If 45 years from now, yayayain ulit kitang magpasakal. Golden years na yun 50 years na tayo. Would you still walk the aisle again for me?" aniya
humarap ako sakanya at isinandal ang ulo ko sakanyang balikat
"Kahit saang altar pa tayo makarating. Ikaw lang Drew, nag-iisa ka." Sabi ko
ngumiti sya at hinalikan ako sa labi. Gumanti ako sa mga halik nya
"I love you." Drew
"I love you too." Sabi ko naman
hinalikan nya ang tyan ko at hinimas yun
"I love you three baby"
ngumiti ako sa ginawa nya.
"M-ma... P-pa.." Tumingin kami sa may pinto at nandun si Vanessa habang kinukusot ang kanyang mata
binuhat sya ni Drew at hinalikan sa noo
"syempre. I love you din my baby girl!" Drew
"I love you baby" sabi ko kay Vanessa. Ngumiti sya at lumapit sakin and she kissed me on the lips
Bigla syang pumalakpak at tinuro ang langit. Tumingin kami ni Drew at merong fireworks
nagkatinginan kaming dalawa
"let's stay inlove forever. " bulong ni Drew sakin at hinawakan ang kamay ko habang ang isang kamay nya ay buhat si Vanessa
Pinagmasdan naming apat kasama ang soon to be son naming dalawa ni Drew ang fireworks sa langit. the people whom i love the most is with me. Beside me. how could i ask for more?
I remember years ago, pangarap ko lang to. Pangarap ko lang ang magkaron ng pamilya kasama si Drew and now its happening. hindi ako makapaniwala, That's the thing i've learned. Lahat ng bagay ay nakalaan sa tamang oras at panahon. Kung hindi pa para sayo hindi pa para sayo.
we don't know what the future brings. We just need to keep the faith and don't give up on love. Sabi nga ni Celine Dion, Love comes to those who believe it. Kung nasaktan man o kung pagod na. O kaya kung ayaw na, pahinga lang. There's someone for your soul. For you. Someone that God prepared for you. All you have to do is wait. God's timing is always perfect ❤
Andrew Villamor and Jessica Jimenez Villamor is now signing off..
-end-
BINABASA MO ANG
Take A Chance On Me
Novela Juvenil[Completed] May mga tao talagang hindi marunong tumingin sa paligid niya, sa taong mahal siya. hindi niya mapansin kasi umaasa pa din siya sa taong hindi naman sya ang pinili. Jessica and Drew's story (LYIAJ'S SEQUEL) con-amore- 2015