Chapter 16

83 5 3
                                    

Umupo ako dun, mula dito sa kinauupuan ko tanaw ko si Jessica at yung Ethan na nagtatawanan

kumuha ako ng alak na nakapatong sa tray ng waiter na dumaan

tss ano naman kayang pinagtatawanan nila? Nang tumingin sa direksyon ko si Jessica ay umalis ako sa kinauupuan ko. gusto ko ng umuwi,


Naglalakad na ako palabas ng venue pero may humawak sa braso ko


"Drew...."

"Let go." I said, I don't know why but I'm so pissed right now. She's going to attend this party and yet Cherry's the one who invited me to be her date and meanwhile si Jessica nandito din at ano? Si Ethan ang niyaya nya? Or kung si Ethan ang nagyaya sakanya kailangan nya ba talagang pumayag? Shit. Ano bang nangyayari saakin?

"Drew galit ka ba?" kusang gumalaw ang bagang ko

"No. Just let go." mariin na sabi ko

dahan-dahan nya akong binitawan at nagulat ako. bakit nya ako binitawan? hindi ba sya mag-eexplain manlang? DAMN! ano ba tong iniisip ko? bakit naman nya kailangan mag-explain?! What the hell am i crazy or what?

umupo sya sa upuan na nasa gilid ng halaman at tumungo

"Hindi pa nga kita gaanong nahahawakan pero gusto mo na agad kumawala. Lumalayo ka kaagad, lagi. palagi. " Inangat nya ang tingin saakin at nakita ko ang luha sa mga mata nya na sabay-sabay pumatak

"Why Drew? Am i really not good enough for you?" naguguluhan ko siyang tinignan. Anong sinasabi nya?


"W-What?"


"I..." Tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit saakin na umiiyak. I want to wipe that freaking tears but i literally can't move.

"I love you Drew. Gusto kita. Mahal kita."

hindi ko alam kung anong irereact ko sa narinig. Sinubukan nyang hawakan ang mukha ko pero tinabig ko ang kanyang kamay. She looks so hurt nang gawin ko iyon

"I-I'm sorry" aniya at yumuko ulit.


"I'm sorry too Jessica. My heart still belongs to Andrea, It will always be her."

pagkasabi ko nun ay umalis na ako but before i open the goddamn door nakita kong napaupo na lamang muli si Jessica habang nakatakip sa mukha ang dalawa nyang kamay

The fuck did i say?! Alam ko naman na hindi totoo ang sinabi ko, I love Andrea but I already moved on from her. Masyado akong nagulat sa confession ni Jessica and I obviously don't like the fact that she's going out with that Ethan that's why i said it! pero ang tanga ko! Nasaktan ko sya sa sinabi ko but its too late to take it back. Niluwagan ko ang suot kong necktie at sumakay sa kotse ko paalis ng lugar na yun


**

Nagising ako sa lintik na sakit ng ulo. Tinignan ko ang orasan at ala-una na ng hapon

bwisit na hangover! kinuha ko ang cellphone ko at umasang nagtext doon si ano pero wala naman. Nagtext lang yung isang photographer na kakilala ko na kailangan nya daw ng model kaya pumunta daw ako sa studio nya ng 1:30
tutal wala akong plano tumunganga maghapon, Naligo na ako at uminom ng kape kahit na bangag pa ang buong sistema ko, minabuti kong ifocus ang sarili ko sa trabaho kaysa alalahanin ang nangyari kagabi



"Mahal ka talaga ng camera Drew!" Aniya habang tinitignan ang shots nya sa laptop kung saan doon lumalabas ang kinunan nyang mga litrato sakin kanina

"Hindi lang camera ang nagmamahal sakin Tol," biro ko


"I love you Drew. Gusto kita. Mahal kita."
umiling-iling ako dahil sa naalala ko ang mga salitang sinabi saakin ni Jessica


"Una na ko" paalam ko. tinanguan nya naman ako

"Ge, thank you ah. sa account mo na lang idederetso yung bayad"

"sige" sabi ko at nagpaalam na din sa buong staff nya


umalis ako ng studio at nagpalamig muna sa mall saglit.
Nabusog naman ako sa free taste hahaha muli kong tinignan ang cellphone ko at halos tumalon ako nang makita ang pangalan ni Jessica


Jessica: I'm here infront of your house. Let's talk.


Mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas ng mall na yun at umuwi, nasa malayo palang ako ay kita ko na agad ang pulang kotse nya na nakaparada at kahit nakatalikod sya saakin kitang-kita ko ang curves ng katawan nya at ang average length na buhok nito


Bumaba ako ng kotse at dire-diretso sa gate ng bahay ko nang hindi siya pinapansin

"Drew.." mahinang sabi nya at naramdaman ko agad na lumalapit na sya saakin. Hinubad nya ang suot nyang sunglass


"Aren't we going to talk?" taas kilay nyang sabi

"We are? I'm not informed" pagsisinungaling ko

"Tinext kita."

"Lowbat ako" dahilan ko naman, Binalik nya ang sunglass nya at lumakad pabalik sa kotse nya. Oh teka aren't we going to talk? bakit sya umaalis?


"teka lang!" pigil ko but she's not stopping


humarang ako sa daraanan nya


"Fine. We are going to talk." Sumilay ang ngiti nya at pumasok na nga kami sa bahay ko


"May gusto ka bang inumin? Tea? juice? coffee?" Umiling sya

"I'm okay, hindi rin naman ako magtatagal"

umupo na ako sa couch  magkaharap kami ngayon at nagtitigan na lang, hindi ko masasabing awkward cause hindi naman ako naiilang na tumingin sakanya at ganun din naman sya saakin. She sighs

"About sa sinabi ko kagabi. I'm not here to take it back may gusto lang akong idugtong doon na dapat ay sasabihin ko din kagabi but you drop the bomb and left me" ngumiwi sya. Hindi naman ako nagsalita


"It was true. Mahal kita, since we're a child. But i know its Andrea in your heart kaya nanahimik ako pero ngayon ayoko ng manahimik na lang. " huminga sya ng malalim at binasa ang labi nya diretso nya akong tinignan


"Take A Chance On Me" Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig


anong ibig nyang sabihin?

"I know it sounds desperate but hell i care. Hindi naman kita pinipilit nagsa-suggest lang ako" aniya at iniwas ang tingin

hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil halata namang hiyang-hiya sya sa sinabi nya

hindi pa din ako nagsalita. tumingin lang ako sakanya. of course pinag-iisipan ko pa. If it will not work out sya lang din naman ang masasaktan but on the second thought i think we need this both, Maybe its my turn to find the love that's for me.


Tumayo ako sa kinauupuan ko


"Wag mong sabihin na aalis ka nanaman?"

"Ihahatid na kita palabas. Umuwi ka na" Sabi ko at hinigit sya patayo. pansin kong yumuko sya at pilit na ngumisi

hinawakan ko ang chin nya at inangat yun, nagtama ang paningin naming dalawa


"Umuwi ka na kasi maaga tayo bukas." sabi ko


"H-Ha?"


"I'm taking you  on a date tomorrow Ms. Jimenez" I said at hindi ko napigilan ang ngumiti


"Omg! You're saying yes?" Hindi makapaniwalang tanong nya na para bang siya ang nanligaw at ako ang sumagot sakanya

tumango ako and she hugged me tight

"Thank you Drew!!"


"If this won't work  we'll stop okay?" paglilinaw ko mabilis naman syang tumango


hanggang sa nakasakay na sya sa kotse nya at hindi pa din matanggal ang ngiti sa labi nya. Ganun din naman ako


She waves her hand bago sya tuluyang umalis. nilagay ko sa bulsa ng pants ko ang kamay ko

Kailangan ko bang bumili ng bagong tshirt para sa date namin bukas? Alang-alang sa lovelife ng poging si Drew kailangan super pogi ako bukas! Hahahaha

Take A Chance On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon