Chapter 18

77 4 0
                                    


Ilang linggo na kaming nagd-date ni Drew
masaya ako at mukha namang nag-eenjoy din sya. sana nga ganito na lang palagi

kaya lang nitong mga nakaraang araw naging busy ako sa trabaho at ganun din naman sya dahil sa nalalapit nilang graduation. Bihira na kaming magkita minsan text na lang o tawag pero nagiging madalang na din dahil kapag umuuwi ako sa bahay paakyat palang ako ng hagdan papunta sa kwarto ko, nakapikit na ako sa sobrang antok.

Kakatapos lang ng meeting ng staff ngayon dahil sa nalalapit na photoshoot namin sa ibang bansa weeks from now. Pinag-usapan kung saang mga city ang kukunan, yung theme ng photoshoot at kung ano yung mga susuotin ko at marami pang iba. kanina habang pinag-uusapan yun hindi pa namin ginagawa pero ramdam ko ng mapapagod ako ng sobra.

"Jessica uwi ka na?" nilingon ko si Ethan at ngumiti sakanya

"baka dumaan muna ako sa coffee shop. " sabi ko

tumango sya at nagpaalam na sa ibang staff

"sabay na tayo dun din punta ko eh. Libre na kita" aniya sabay ngisi at nauna ng maglakad saakin

Hindi naman ganun kalayo yung coffee shop kaya nakarating kami agad medyo madaming tao kasi 11:00 na ng gabi

"So, what do you think? okay lang ba yung theme ng photoshoot?" tanong niya. Isa si Ethan sa photographer, dalawa kasi sila.

"Yeah. actually first time kong magpunta sa singapore for work napunta lang ako pag nagbabakasyon eh hahaha"

tumawa din siya pero biglang tumikhim

"Kamusta naman kayo ni Drew?"

medyo natagalan bago ako sumagot. kamusta na nga ba kami?

hilaw akong ngumiti

"We're fine. I guess" Tumango siya, hindi na rin kami nagtagal sa coffee shop sumakay na ako sa kotse na dala niya, akala ko uuwi na kami pero nagulat ako na hindi papunta sa bahay ang daan na tinatahak namin

inihinto niya ang kotse sa isang tahimik pero maliwanag na street
bumaba kaming dalawa

"anong ginagawa natin dito?" tanong ko

umalis siya saglit at pagbalik ay may hawak ng ice cream para sa aming dalawa

umupo kami sa upuan sa gilid

"Is it okay if i borrow a little more time with you?" Ethan

hindi ko na alam kung anong oras na magaalas dose na rin siguro. lowbat ang cellphone ko at naiwan sa loob ng sasakyan hindi naman siguro masama kung manatili kami dito ng konting oras

ilang minutong katahimikan

tahimik akong kumakain ng ice cream habang nahahalata ko namang nakatitig siya saakin

"Jessica..."

"yeah?" angat ko ng tingin sabay subo sa huling subo ng cone ng aking ice cream

"Do you...really love drew?" nakatitig siya ng diretso saakin hindi ko alam pero i can see sadness in his eyes

"Yes. Alam mo naman yon diba? siya lang noon pa."

Bumuntong hininga si Ethan at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang jacket

"I guess its really too late. mukhang nagkakamabutihan na din naman kayo, I didn't know that i will give up this easily" naiiling na sabi niya

"Come on Ethan, You serious? You do really have feelings for me?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Oo Jessica but as i say wala akong balak makipagkumpitensya, kung masaya naman kayo parehas sino ba naman ako para sumingit sainyong dalawa? haha hindi pa ako lumalaban pero alam kong talo na ako. But..."

Take A Chance On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon