2*

38 0 0
                                    

CHAPTER 2

~PAST~

"Hmmmmnnn" dinilat ko ang aking mga mata. Mukhang napasarap ata tulog ko aa.

Medyo blurry pa ang paningin ko. Nag aadjust siguro sa ilaw.

Nagbago ba nang pinta ang kwarto ko? Pagkakaalala ko ocean blue ang wall ko and sky blue ang ceiling nang kwarto ko.

"Princess? Bro! ChiiChii is awake." Boses ni Yukino yun aa. Ang alam mo nasa japan yun ngayon. Wag mong sabihin bumyahe ako nang tulog??

Oh eeem! Pinuslit ba nila ako? Kasi alam nilang ayaw ko pa bumalik nang japan?

"Are you okay?" Naaninag ko ang mukha ni Yukino. Na agad hinawi ni Yuan upang lumapit sa akin.

"Princess pinag alala mo ako! Ano bang nangyari sayo?" Pansin sa boses niya ang pag aalala.

Hah? Pinag alala? Bakit ano bang ginawa ko? Last thing remember is pauwi na kami nun nang mga coparmates ko galing murok.. Tapos... Tapos...

"A-aray" biglang sumakit ang ulo ko. Hala! Nakabenda? Pinakiramdaman ko ang aking ulo. Hala. Di nga joke. Nakabenda nga. "A-aanong nangyari?" confused kong tanong,

"Wag mo nang piliting makaalala princess, ang mahalaga maayos ka na. Buti nga hindi malala ang injury mo. Dapat talaga hindi ka na sumama sa lakad na yun" sermon ni Yuan

"Onii naman eh. Minsan na nga lang..."

"Oo nga minsan na nga lang eh napapahamak ka pa. You know that we can't afford losing our only girl right? Ingat naman princess" di ko alam kung iiyak ba ako dahil pinapagalitan ako o dahil sa natatats ako sa sinasabi ni Jethro

"Buti na lang andun si Kei para alalayan ka." Dagdag pa niya. Agad naman akong napatingin sa bumukas na pinto. At iniluwa nito si EJ.

"Cheebo! Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Nag alala ako alam mo ba yun?" Aaaww nag alala daw siya.

Ay putakte! Ba't tuwang tuwa ako kay ngayon nag alala siya? Halaaaaa! "O-okay lang naman ako EJ."

"Ano ba kasing nangyari bigla ka na lang nagre...." Hindi na natuloy ni EJ yung sinasabi niya. Pinutol kasi ni Kei "Blanche. Kinakamusta ka nang barkada. Magtatagal ka ba daw dito sa hospital? Kasi bibisitahin ka daw nila." Hah? Ano daw hospital?

"Hah? Hospital? Ano-ng... Nasa hospital pala ako?" Kaya pala puti yung buong paligid."Slow lang?" Natatawang panunukso niJethro. Sinapok naman siya ni Yuan he mouthed 'Ano?' tumawa lang ako sa ginawa nila.

"Sorry naman. Akala ko kasi kwarto ni Ak.." Napatigil ako sa pagsasalita nang kumirot na naman ang sugat ko.

"Wag na nga kayong masyadong makulit. Baka mapano pa tong si Princess eh. Lagot tayo" saway ni Yuan

"Tama. Princess do you like apples?" Tanong ni Yukino. Nagnod lang ako.

"About dun sa stay mo dito. Oobserbahan ka pa raw. If okay ka na. Baka sakaling monday pwede ka na ulit pumasok. Okay na rin yun dito ka, weekends naman eh" kumento ni Yuan

"Hala weekends na pala? Parang kanina friday pa eh." Haba pala nang tulog ko. Pero kung ganon. Paanong andito si EJ?

"EJ? Paanon... Bakit ka pala nandito?" tanong ko habang umaayos ng pagkakaupo.

"Bakit? Ayaw mo bang andito ako?" naupo naman sa upuan sa tabi ng bed.

"Hindi naman sa ga...." naging harsh ba ang pagkasabi ko? Di naman siguro.

Nakalimutan na po ata kita ft. Bangtan Boys(BTS) and EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon