[14] Matinong Usapan
Inaalay ko sa mga: taong matinong kausap. :D
Kapag tinatanong kita ng "Kumain ka na ba,"
"Busog pa ako," ang sagot na lagi kong nakukuha.
Kapag naman tinatanong ko sa 'yo ang oras,
"Maaga pa," ang sagot mo at hindi ang minutong lumipas.
"Saan ka pupunta?" ang tinanong ko sa 'yo.
"Diyan lang," ang sagot na isinisigaw mo.
Tanong ko'y, "Paano mo ginawa 'yan?"
Sagot mo nama'y, "Madali lang."
Pati sa paaralan ay laganap din ito,
"Get one-fourth," ang sabi ng guro.
Ilang minuto pa ang lilipas saka muling magsasabi:
"Ma'am, one-fourth po?" na para bang mga nabingi.
Nakikita na nga pero itatanong pang "Ano 'yan?"
na sasagutin naman ng isa hanggang sa sila'y magbarahan.
"Masakit ang ngipin ko," daing ng isa.
"Masakit ang ngipin mo?" uulitin pa ng isa.
Ngayon, tara nga at tayo'y mag-usap,
na siyang ikatatawa ko hanggang sa ulap.
Alam kong alam mo na ang patakaran,
kaya simulan na natin ang matinong usapan...
November 13, 2015
Ako'y Tutula by Darloine
BINABASA MO ANG
Ako'y Tutula
PoetryKoleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy ko rito sa mundo. Ako'y tutula... -D. Cover by: "Kai" (ang babaeng neutral sa mu...