[20] Isang pasasalamat...
Inaalay ko sa mga: kaibigan kong sila "Per" at "Wan". :)
Naaalala ko pa ang una nating pagkikita.
Iyon ang araw na nagdulot sa akin ng kakaibang tuwa.
Kung nagkataong nagawa ko nga ang isang maling desisyon,
siguro ang kuwento natin ay hindi magkakaroon ng introduksiyon.
Halos araw-araw ako ay dumudulog sa inyo para makipag-usap
tungkol sa aking mga saloobin at gustong maabot na pangarap.
Alam n'yo na ang ilan sa aking mga kuwento at sikreto
na alam kong hinding-hindi n'yo ipagkakalat sa ibang tao.
Sa inyo lang ako hindi nakatikim ng panghuhusga
bukod sa aking minamahal na pamilya.
Pagkuwestiyon sa aking kakayahan ay hindi rin ako nakatanggap
dahil sabi n'yo nga'y maaabot ko rin ang aking pangarap.
Napakasuwerte ko dahil kayo ay aking mga kaibigan
kaya maraming-maraming salamat "Per" at "Wan".
Sayang lang dahil minsan na lang tayo magkita-kita
ngunit alam naman nating pagkakaibiga'y 'di pa rin nawawala.
Sa tuwing binabasa ko ang ating mga sulat
ay hindi ko maitatangging palagi akong namumulat.
Kaya naman, lubos ang pagpapasalamat ko sa inyong dalawa
dahil kung wala kayo'y 'di ko na alam kung saan nga ba ako papunta.
November 19, 2015
Ako'y Tutula by Darloine
BINABASA MO ANG
Ako'y Tutula
PoetryKoleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy ko rito sa mundo. Ako'y tutula... -D. Cover by: "Kai" (ang babaeng neutral sa mu...