[85] Ako'y Tulala

286 6 0
                                    

[85] Ako’y Tulala

Inaalay ko sa: mga araw na lagi akong tulala. Hahahaha. Dapat ko na bang palitan ang title nitong koleksyon? Medyo katunog naman. Hay. (.__.)

Parang kailan lang noong sinalubong ko ang bagong taon.
Mabagal ba ako o sadyang mabilis lang talaga ang panahon?
Sisikat at lulubog ang araw; mag-uumpisa ang bagong buwan.
Gigising ako at matutulog; huling linggo na pala kinabukasan.

Katulad lang yata ng pagbuklat ko ng pahina ng libro
ang pagpapalit ng bawat papel ng aming kalendaryo.
Ilan na ba ang mga bagay na natapos kong nang gawin?
‘Yong resolutions ko ba’y nagawa ko nga bang sundin?

Ano bang interesante sa paulit-ulit na pag-surf sa internet?
Hanggang kailan ko poproblemahin ang kulang na budget?
Sa isang buong araw, marami akong gawain na nakalista.
Pero ewan ko ba kung bakit mas pinipili ko na lang tumulala.

Naubos na yata ang fighting spirit ko para sa taong ito.
Teka, hihintayin ko na naman ba ang sunod na petsa uno?
Madaling pagalitan ang sarili para sa pinairal na katamaran
pero mahirap talagang kumilos ‘pag tinakasan ng kasipagan.

Hindi ko maitatanggi na mahirap ngang kalaban ang sarili.
Pero sana... Sana... Sana... Ito na talaga ang pinakahuli.
Hanggang ngayon na lang sana ang gagawin kong pagtulala
dahil kahit kailan walang kabayaran sa maghapong pagtanga.

September 9, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon