[38] Musika
Inaalay ko sa lahat: ng mga alagad ng musika at sa mga musikang malaki ang naiaambag sa buhay ng mga tao at siyang bumubuhay sa industriyang ito. Saludo rin ako sa mga Filipino artists na siyang naging dahilan kung bakit ako nahumaling sa pakikinig ng OPM noong bata ako. Sana, hindi pa huli ang lahat para maibalik ang dating OPM. Kung napapansin n'yo rin ang tinutukoy kong pagbabago sa OPM noon at ngayon, maiintindihan n'yo ako. Hindi lang OPM, pati na rin 'yung iba pa. Hay. Nami-miss ko na sila, sobra. :/
Madalas ka rin bang nakikinig
ng mga kantang may magagandang himig?
At kapag ito'y iyong taimtim na pinakinggan
ay mauunawaan mo ang malalim nitong kahulugan?
Naabutan mo pa ba ang pangingibabaw ng kanilang tinig
at ang matinding impluwensiyang naihahatid nila sa mga nakikinig?
Iyon bang para kang kinakausap kahit na kayo naman ay magkalayo
at mababakas mo sa kanyang pinagmamalaki niyang siya'y Pilipino?
May mga kanta pang maaaring sabayan ng mga magkakabarkada
gamit ang dala-dala nilang isa o dalawang gitara,
at may mga kanta namang madalas na kantahin dati ng mga tambay
o ng mga taong may mga pinagdadaanan sa buhay.
Nakapakinig ka na rin ba ng mga kantang naglalahad ng kuwento
na siyang nagdadala sa 'yo sa panahon kung kailan naganap ito
o ng mga kantang parang naglalatag sa iyo ng daanan
para malaya kang makapaglakbay sa kasaysayan?
Napakasarap magpailalim sa kanilang mga salita.
Lalung-lalo na sa kanilang maramdaming musika.
At kung nais mo rin silang makilala o muling kumustahin,
ay nariyan lang ang mga kanta nila na naghihintay lang na bisitahin.
December 20, 2015
Ako'y Tutula by Darloine
BINABASA MO ANG
Ako'y Tutula
PoesiaKoleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy ko rito sa mundo. Ako'y tutula... -D. Cover by: "Kai" (ang babaeng neutral sa mu...