[64] Saya

304 4 0
                                    

[64] Saya

Inaalay ko sa: mga bagay o mga pangyayaring nagdudulot ng saya. Time check: 11:52 PM, hindi na 'to makakaabot sa 11:59 PM ng March 11, 2016. How sad. Mukhang baligtad ang epekto sa akin ng tulang ito ngayong gabi. Nyahaha.

Kung sakaling makapulot ka ngayon ng isang libong piso sa daan

ay tiyak kong isa ka rin sa mga taong mapapalundag sa kasiyahan.

Kung may libreng biyaheng iaalok sa lugar na gusto mong lakbayin,

ay baka magtaka ka ngunit dala ng saya'y 'di mo na rin masamain.

Kung magkaroon ng promo sa lahat ng mga networks sa buong taon,

darami na ang"zombies" at ito naman ang hahanapan ng solusyon.

Kung babayaran ka dahil sa araw-araw na pagtambay mo sa internet,

wala nang alisan pa sa harap ng computer kahit masakit na sa puwit.

Kung naabot mo na ang pangarap mo at nakakahiga ka na sa salapi,

masusukat mo kaya ang napakahabang ngiti sa iyong mga labi?

Kung magiging katropa mo na ang lahat ng mga hinahangaan mo,

sa tingin mo'y gaano kabilis na kaya ang pagtibok ng iyong puso?

Kung nandiyan na ang mga taong kayang mamahala sa bansa,

makikilala na kaya ulit na exporter ang Pilipinas sa buong Asya?

Mapupuksa na ba nila ang matagal na nating kalaban,

na walang iba kundi ang napakatinding kahirapan?

Suwerte, promo, internet, pangarap, pera, matinong mamamahala...

mga bagay na sa buhay ng tao'y nagdudulot ng saya.

Kung mangyayari ba ang isa sa mga nabanggit ko sa iyo

ay matutuwa ka nga ba kagaya ng inaasahan ko?

March 12, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Time check: 12:32 AM. Hehe. Hindi na nga umabot pero sumaya naman ako sa pagsusulat ng tulang ito. :)

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon