[62] Ang hangin...

290 4 0
                                    

[62] Ang hangin...

Inaalay ko sa: hangin. Bakit? Kasi, mahangin. Ang hangin pala talaga nila. Oh. I mean, feel ko marami ang hangin kahit hindi ko naman talaga nakikita. Ha-ha-ha. Magsu-summer na, mahangin pa rin. Kailangan talaga balance. Nice.

Kaunting ihip na lang sa akin ng hangin

ay tinitiyak kong ako na'y tatangayin.

Pabalik-balik na pag-ihip sa kaliwa at sa kanan

at nang hindi pa nakuntento'y dinamay pa ang harap at likuran.

Ilang sandali ang lumipas at ako na sana'y magsasaya

sa pag-aakalang ang unos ay siya nang humupa.

Ngayon pa lang pala mag-uumpisa ang kaniyang paghagupit

at kung hindi ka handa'y tatamaan ka talaga ng lintik.

Sa una'y ayos pa dahil hinahangin-hangin lang ang aking buhok

hanggang itulak na ako nito hanggang sa pinakasulok.

Akala ko'y may kasunod pa ngunit tumigil na naman siya.

Naghintay akong muli habang naniningkit na ang mga mata.

Tama ako. Hindi pa pala siya tapos

dahil hayan na naman siya at ang dala niyang unos.

Sa pagkakataong ito'y paghagupit niya'y mas lumakas.

Tinamaan ulit ako at pati mga katabi ko'y 'di na rin nakatakas.

Araw-araw ko ba talagang dapat na maranasan ito?!

Gaano pa ba katagal ang pagtitiis na kailangan para rito?!

Pagsaway sa sarili'y akin nang dodoblehin at sasanayin pang maigi

at simula ngayo'y kailangan ko na ring triplehin pa ang pagtitimpi...

March 9, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon