13: A day with KIM JAZZ

1K 27 3
                                    

A/N: If you wanna know more about Mich's bestfriend, Kim Jazz. Read This Girl Is Inlove With You Pare by @msmustachegirl

Dear Journal,

Hello Journal kong mahal! Ang journal na tanging nakakaalam sa one sided love story namin ni sir Lopez! Kanina sa klase, ay kasama ako sa may award. Iba talaga ako ma-inspire, nagbubuti sa pag-aaral. Haha. Kasama ako sa rankings. Top 2 ako. Nakakatuwa nga eh! Tapos si Cheska ay Top 1 namin. Ayun talaga hindi ko alam kung saan humuhugot ng inspirasyon. Top 3 naman sy si Erich. Isa sa mga sumusubaybay ng LOVE STORY na ako lang ang nakakaalam. I and the Math Teacher. Haha.

Kanina pala, ay nakasabay ko si Kim Jazz sa pag-uwi. Nagulat ako sa pagtawag niya sa akin. Minsan na lang din kasi kami magkasama dahil sa ka-busy-hang taglay naming nilalang. Tapos magkaiba pa kami ng section!

Kanina nga habang pababa kami ng hagdan ni Kim Jazz eh nakasabay namin si sir Lopez! Kaya naman yung puso ko eh nagiging wild sa pagtibok. Yung mata ko nga yata eh naghugis puso ng makita ko si sir! Ang gwapo talaga ng asawa ko, harhar. Kekeke ~ Okay, eto na naman ako sa pabebe ko!

Ayun na nga, katulad namin ay pababa din siya, kaso napansin ko mukhang nagmamadali si sir! Eh kase naman yung mga babaeng estudyante dito sa school eh napapatili kapag dumadaan sya! Susme, para saan pa ang sign board na KEEP SILENCE niyan'? Eh ako nga pasimpleng kilig lang eh!

Hmp. Mga mahaharot! Akin lang si sir Lopez! Mga mang aagaw! Mga echoserang kokak! Di ko tuloy nakasabay si sir Lopez bumaba dahil sa inyo! Mga chikiri! Okay, ang bad ng thoughts ko. Minsan kailangan talaga ipaalala sa akin na isa akong Kristiyano. Haha. Ayts, si sir kasi pa-hearththrob dito sa school. Well, sya pa lang namin kasi ang nakikita kong gwapo at batang teacher dito na presko! Pero syempre, I pushed the thought away! Malakas ang radar ko, malapit pa sa area ko si sir kaya CUTE MODE lang ako at hindi maldita mode sa ibang nagkakandarapa sa kanya.

Kaya lang etong bestfriend ko eh, kinikilig din kanina! Eh sa pagkakaalam mo lang naman Journal mahal, Grade 8 pa lang, ultimate crush niya na rin si sir Lopez ... bago pa man dumating sa buhay niya si Jacob! Pero hanggang ngayon, crush niya pa din at mas lalo pang' tumitindi dahil TEACHER na nila si sir LOPEZ! Papatayin ko talaga yung nagpauso ng ROTATION na yan eh. Si sir Gelo na tuloy ang teacher namin!

AKO: My heart shattered into pieces. My day is not complete without you.

Hindi ko alam na nasabi ko na pala yan ng malakas kasama si Kim Jazz. With feelings pa yung pagkakasabi ko. Kamusta naman at binatukan niya ko, after that.

KIM JAZZ: Pinagsasabi mo diyan? ha? Baliw ka na ba?

AKO: Ha? (Indenial)

KIM JAZZ: Bilisan mo! Nakababa na si sir Lopez oh! (nanggagalaiti!)

Binilisan ko na lang ang pagbaba sa hagdan. Mahirap talaga magdaydream sa crowded place!

Tapos bigla kong' naalala na pupunta pala ako kay Miss Sol para ibigay yung mga paperworks na pinasuyo niya sa akin. Sinabi ko kay Kim agad, akala ko nga papalag pa sya dahil aakyat pa ulit kami kaso hinila ko na rin sya eh. Haha. So, yun! Pumanhik kami pero wala kaming nadatnan dahil nasa faculty room daw. So, syempre bumaba na naman kami! Aba! Nakaka-hagard ng beauty ah! Parang kanina lang ang fresh pa ni Kim Jazz, tapos dahil sa akyat-baba namin eh mukhang kailangan ulit niya ng pulbos!

Pagbaba naman namin pumunta agad kami sa faculty room na katabi lang ng office. Pumasok kami doon at nakita naming isang teacher lang ang naroon. Tinanong namin kung nasaan si miss Sol, ang sabi lang ay may klase daw sa taas. Naloka naman ang beauty namin ditechi at pinaabot nalang dito ang record at ipinakisabing' ibigay na lang kay miss Sol mamaya. Hindi na namin kinaya ni Kim yung hagdan eh.

Paglabas nga namin eh bumungad yung Prince Charming ko! De joke! SI SIR LOPEZ! ANG AZAWA KO with the Z! Kinilig nga ako sa pagtitig niya eh! Haha. Hindi tingin ah, titig talaga! Haha. Tapos CUTE MODE ako in a bit!

AKO: Good morning sir! (with all smiles at pilit na inilalabas ang dimples kahit wala sabay beautiful eyes na malupit na pilantik ng pilik! -mata! xD)

ASAWA KO: Good morning din. (SMILE! NGUMITI SYA SA 'KIN!)

Ang then my world gets slow. Tug.. tug... tug... Jokeness! MY HEART KEEPS ON BEATING! REAL FAST!

Maganda at romantic na sana yung ambiance kaso si KIM JAZZ eh nagsalita pa!

KIM JAZZ: Tungeks, Good afternoon na! Hapon na e.

Eksena talaga sya e. Kanina pa e. Nag momoment ako e. Wow! Ano ba uyy! (Babalu mode)

ASAWA KO: Ayy, oo nga noh! Napa-goodmorning tuloy ako! (WITH ALL SMILES SA 'KIN este SA AMIN)

O M G! asdfghjklqweertrtuynvk njncowdejog! HAHAHA. K Blood Cells! Kilig Overload!

Ang puso kooooooooo! Bumibilis na naman ang tibok. Bakit ganito? Ayoko ng ganito! Hindi pa pwede! Oo, alam ko nababaliw ako pag nakikita ko siya pero ganun lang talaga ko kiligin e. Pero yung puso kooooo. Bat ganun? Hindi to pwedeeeeeeee! Huhuhuhu!

Okay, tama na ang drama~!

Kagigising ko lang at wala pa akong merienda kaya ganito. Isinulat ko lang muna ang pangyayaring ito hangga't fresh pa sa utak ko! Haha. Oh, Journal! What will happen next kaya? ~

I and the Math TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon