32: Day 2 - Tumbler

400 13 0
                                    

Kung kahapon ay Earlybird ako, ngayon syempre earlybird pa rin! Ako pa rin yung naghanda ng agahan, nagligpit kaunti, at gumawa ng mga bagay na karaniwang ginagawa ni Mama. Kaya paggising nila, eh okay na ang lahat.

Kaso ayan na naman sila sa mga comments nila. Parents ko talaga ugh.

Mama: Bakit maaga ka yata ngayon nagigising?

Ako: Wala namang masama doon e.

Papa: Sa bagay, kaya lang sanay kasi ang Mama mo na de gising ka pa. (sabay tawanan nila)

Ako: Ayaw niyo po nun? Kaya ko ng gumising mag isa? Kayo talaga. Nagsisipag lang po talaga ko, syempre 3rd quarter na po. Tapos, student teacher pa po ako ngayon this week.

Mama: Sabi nga namin. (defeated)

Tapos noon, nagtuloy na lang sila sa pagkain, mausisa kasi e. Excited lang naman ako pumasok sa school. Syempre, you already know what the reason.

-

Paglabas ko ng bahay, nandoon na naman ulit si Nick sa labas ng bahay. O m g! Nacucurious na talaga ko sa kung anumang nakain niya.

"Bakit ka nandito?" bungad ko.

Nick: Inaantay kita. (todo ngiti pa sya nyan.)

Ako: Ah, tara na sa school.

Sa totoo lang, naweweirduhan ako sa mga kinikilos niya. At the same time, kinakabahan... alam ko na may purpose kaya niya to ginagawa. Pero dahil positive thinker ako, iisipin ko na lang na nagmamagandang loob siya.

-

Nakarating naman kami sa school ng maayos, nagpaalam din agad ako kila Cheska, tapos dumerecho na ako sa MATH room.

Expected ko na nandoon na si Mr. Evans, pero wala siya sa table niya. Nandoon na yung ibang teachers, including Ms. Magturo, pero wala siya. Wala yung inspirasyon ko. Wala si Mr. Evans. Nanlumo ako bigla. Excited na excited pa naman ako pero wala siya!

Bagsak ang balikat ko papasok sa loob, hahakbang na sana ako papasok nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"MICH VICENTE!"

Aba, full name yun ah?

Paglingon ko, nabuhayan ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Mr.Evans!

Tumatakbo siya papalapit sa akin.

Biglang nag slowmo ang paligid. Hindi ako makahinga. Bawat takbo niya ay ang paghampas ng buhok niya sa mukha niya. Ang gwapo. Sheez.

Nang makalapit siya. Doon lang ako nakabawi sa paghinga.

Ako: Ba-bakit po sir?

Mr.Evans: Hay. (hingal na hingal)

Ako: (naalalang may baon na tubig. Agad na kinuha at inabot kay Mr.Evans) Mister, tubig po. Hingal na hingal kayo e.

Mr.Evans: Oh, I ... really... need... that. (hinihingal pa din.)

Inabot naman niya yung tubig na inaalok ko pagkatapos ay uminom siya.

Nang makarecover...

Mr.Evans: Pasensya na, Mich kung maiiwan muna kita ngayon. Kailangan ko kasi maghost ng Ceremony sa Division Office. So, take care okay? Alam mo naman na yung lesson plan hindi ba?

Ako: Opo sir, alam ko na. Ingat po kayo. Kailangan niyo na po ba umalis?

Mr.Evans: Yes, so, paano, ikaw na bahala ah. Got to go.

At para siyang naging si The Flash, na sa isang kisap ng mata ko, nakaalis na siya. Sa bagay mas importante yun kaysa ... sa akin.

Napatingin ako sa hawak ko. Yung tumbler ko. Ahhhhh! Yung tumbler ko!! na ininuman ni sir!

Hinawakan ko to ng mahigpit at saka simpleng hinalikan! Pagkatapos ay uminom ako sa part kung saan uminom si Mr.Evans!

Oh my! Naniniwala pa naman ako sa Indirect kiss. Ngayong araw na ito, ang hindi ko malilimutan, indirect kiss sa tumbler.

Nabalik ako sa reyalidad ng biglang may nagsalita. Si Ms.Mowreen Magturo.

Sya: Mich, right? (Hindi! Mich, left?!)

I just nod as an answer.

Sya: Tara here. (Sumunod ako sa kanya sa loob ng MATH room.) Dahil wala si Mr.Evans, temporarily ako muna maggaguide sayo. Is it okay with you? (she said with a smile)

I just nod again as an answer. Speechless pa rin, epekto ng halik... na hindi direkta.

Sya: Come on. Your loaded today.

Pagkasabi niya noon, nawala na sa isip ko yung Indirect kiss.

Ang nasa isip ko na lang...

Sunod sunod ang class, no vacant, at wala ngayon si Mr.Evans.

Kailangan ko bang magthank you kay Ms.Mowreen Magturo?

**

Pagkapasok ko pa lang sa first period ko, nahirapan na agad ko na patahimikin sila, at nung nasense nila na kasama ko si Magturo, tumahimik agad sila.

Strike two.

Nagsimula na ko magturo, habang si Miss Magturo nakabantay lang. Buti na lang, nakinig na sila sa akin.

All went smooth. From first to last period. Kahit pagod na pagod ako, nakita ko lang yung mga scores nila na perfect, hindi alintana ang pawis.

Talagang masasabi mo nga lang na effective teacher ka kung sa reflection nito ay natututo sila.

Sa kapaguran, napahawak ako sa lalamunan ko at nakaramdam ako ng uhaw. Pagtingin ko sa tumbler ko, wala ng laman. Masyado ko kasing ni-career ang pag inom ni Mr.Evans dito, hindi ko namalayan na naubos ko na pala.

Biglang pumasok si Ms. Magturo sa loob ng MATH room, kung nasaan ako ngayon, napatingin siya sa akin at inabutan ako ng bottled water.

Siya: You're thirsty right?

Itatanong ko pa sana kung nakakabasa siya ng isip ko, pero dala ng kauhawan eh ininom ko na lang ang binigay niya.

Oops, strike three.

Ako: Miss, thank you.

Mahina kong sabi pero surprisingly narinig niya, sa bagay, kaming dalawa lang tao dito.

Siya: You're welcome Mich. Anyway, binilin ni Nard na after class, isama kita sa lunch. Let's go?

Surprisingly, I just nod and follow her.

I and the Math TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon