Dear Journal,
Okay. Heto na naman ako! Nagsususlat sayo. Kasi naman kanina! Pagkapasok ko ng school eh, si 'Sir Evans' na agad ang nakita ko. Ang lakas makabuo ng araw! Haha. Nasa taas sya, sa may third floor. Literal ko tuloy siya na tinitingala! Haha. Gwapo ni sir, tapos fresh na fresh pa! Wah-hot!
Sayang talaga at hindi na namin sya teacher. May rotation pa kasi e. Pasulyap sulyap tuloy ako!
Heto pa! Natatawa ako kasi si Erich eh. MAPEH period kasi noon tapos malapit yung place namin sa canteen. Bigla ba namang itinuro sa akin ni Erich yung pinto ng canteen! Edi syempre nakita ko si Sir Evans! Haha. Ang cute cute niya. Ang cute kumain. Very nice way. Haha. Nadistract nga ako kasi nagpi-pre-assesment kami tapos ayun, nakita ko siya!
Tapos eto pa, haha. Ang dami kong' kwento! Kasi tinawag ni Sir Gelo si Erich, ayun pala may ipapa-record sa aming mga test's papers. Natatawa lang ako dahil sabi daw ni Sir Gelo eh 'Kayong dalawa ni MikMik ang magrecord ha!' Gravy, binigyan pa ako ng NICKNAME na MIKMIK came from MICH. Haha! Nakakakilig!
Kaya bago pa man makauwi, eh naiwan pa muna kami ni Erich. Bigo nga lang ako sa pag-asang sa MATH ROOM kami magstay para magrecord kasi sa social hall kami nagstay. Pero okay na din kasi sofa naman yung inuupuan namin. READING MONTH kasi kaya may ganun tapos katabi namin yung mga nagtambak na libro. Haha.
Ayun na nga, matapos kami magrecord. Eh sinabihan ako ni Erich na magpa-fresh muna! Aba, kinukunsinti talaga ang kaharutan ko! Haha. Pero syempre! Nag-ayos ako para presentable naman noh. Nung' paakyat na kami... ayon! Dahan dahan pa kami at slow-mo. Haha. Kasi panay pa ang tanong ko ng "MAGANDA BA KO?" Haha. Mabuti na lang at walang ibang dumadaan non' dahil lahat ng students eh nasa classroom na. Kundi, NAHIHIYA DIN NAMAN AKO PARA SA SARILI KO! Haha.
Pero TAGUMPAY naman ako dahil nakita ko si SIR EVANS! Haha. He's busy doing paperworks. That's why LIBRE TINGIN! Haha. Napatingin pa nga sya sa akin este sa amin dahil nag-excuse ako! Haha. Wafu wafu! Masaya na talaga ko sa isang sulyap ko. Si Sir kasi parang STAR 'madaling titigan', pero ang hirap lapitan! #Bumabanat #Humuhugot #SiMICH
BINABASA MO ANG
I and the Math Teacher
ChickLitNagka-crush ka na ba sa teacher mo? sa MATH teacher mo, specifically? Ako kasi, Oo. Ito ang JOURNAL ko na rated KKK. Kailangan na kailangan ng Kontrol. Dahil naglalaman ng kaharutan, kalandian, kasiyahan, kalungkutan, katatakutan, ka-cute-an, at sye...