Dear Journal,
Nandito na ko uli ngayon sa bahay, kakauwi ko lang galing school e. Ngayon ko lang maisusulat lahat ng nangyari kanina. Naging busy na rin kasi ako.
Kaninang umaga...
Pagkaligo ko, nagbihis ako agad agad, pagkatapos kumain ako ng inihanda ni mama na almusal para sa amin. Hindi ko alam pero parang kalkulado ang mga galaw ko pagkagising ko. Mabilis ako sa pagkilos. Maaga akong umalis ng bahay. Para sa may klase ng alas sais trenta ng umaga, sobrang aga ang pumunta ng school ng alas singko.
Pero syempre kailangan kong pumunta ng maaga dahil sabi ni Mr. Evans, agahan ko ang pagpunta sa Math Room. Mga 10 minutes akong naglakad at nakarating akong Math Room ng 5:14.
Hindi ko inaasahan na bukas ang pinto ng Math Room pagdating ko!
Kadalasan ay mga 5:30 pa ito binubuksan. Pero 15 minutes early ako at bukas na ang Math Room!
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bigla akong napatalon dahil sumulpot sa likod ko si Mr. Evans!
"Andito ka na pala" sabi niya.
I am so taken aback! Pero nakabawi rin naman.
"Good morning po sir." Binati ko sya. Tumabi ako para makadaan siya at makapasok, pero pinauna niya ako. Hays, natuwa ang munting damdamin ko, napakarupok ko naman.
Naupo siya sa kanyang upuan, at ipinahinga ang siko sa lamesa. Nanatili naman akong nakatayo lang sa harap niya.
"Ms. Vicente, I am very sorry for scolding you, pinapunta kita rito because I want to give you these." Sabi ni Mr. Evans. Again, I was taken aback!
Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko inasahan kahit pa naisip ko na maaring magsorry nga siya, ngunit higit pa rito ang nangyari.
Inabot niya sa akin ang isang kulay dilaw na box na naglalaman ng mga donuts.
"Salamat dahil sa ginawa mo. Hindi lang ako sanay, dahil as a teacher, kami na dapat ang gumagawa noon. Pero naappreciate ko. That's my token of gratitude." Mahinahon na pagkakasabi niya. Tila inaamo ang isang nagwawalang leon.
"Thank you sir! Salamat dahil naunawaan niyo po yung naging kilos ko, pero hindi na po sana kayo nag abala pa ng ganito." nahihiya kong sagot.
"Just take it, isa pa magaling kang student teacher. You deserve it." Sabi niya.
Sobrang sarap pakinggan ng mga salitang yon! Hindi ko inimagine na magiging ganito ang takbo ng usapin namin! Hindi ko talaga inaasahan!
Napangiti na lang ako. Biglang gumaan yung pakiramdam ko.
Bati na kami.
Pagkatapos noon, sinabi niya na maari na akong magpunta sa classroom. Sinadya raw niya talagang agahan, dahil may gagawin pa siya. Kaya naman masaya ako! Masaya akong nagflag ceremony kasama sila Cheska, masaya akong nakinig sa kaniya sa mga tinuturo niya, may gana akong kumain ng recess, masaya akong umuwi! At masaya akong sinusulat ito ngayon! Wala nang mas gagaan pa sa nararamdaman ko ngayon!
Masaya rin akong matutulog ngayon.
Kahit pa sabado bukas, at walang pasok.
Baon ko ang mga sinabi ni sir.
Oo nga pala, masarap yung donuts! Naubos rin agad sa unang klase pa lang, dahil naghingian sila Erich, Steffi, and Cheska at iba pang kaibigan. Sagot ko sa kanila kung kanino galing? Edi kay Mr. Leonardo Lopez Evans of my life!
Sinabi kong libre yun ni sir dahil naging mahusay akong student teacher, and they have congratulated me because I did well!
Ang saya talaga! Sobrang nakabawi ako ngayong araw.
BINABASA MO ANG
I and the Math Teacher
ChickLitNagka-crush ka na ba sa teacher mo? sa MATH teacher mo, specifically? Ako kasi, Oo. Ito ang JOURNAL ko na rated KKK. Kailangan na kailangan ng Kontrol. Dahil naglalaman ng kaharutan, kalandian, kasiyahan, kalungkutan, katatakutan, ka-cute-an, at sye...