BAM MEETS BAM 11

147 7 0
                                    

Chapter 9

Bea's POV

"Are you sure about that?" Nilingon ko siya. "I mean, Do you think that will help?"

"I think so," nagkibit-balikat pa ako. "wala tayong ibang choice kundi subukan 'to.

"I know. They're so madaya." Nakapout pa siyang naupo sa tabi ko. "Where's Jen?"

"I think she's still sleeping." muli kong tinignan ang kanina pa naming hawak na journal. "Sa tingin mo, kanino kaya to?"

"Baka kay Mommy." nagkibit-balikat pa siya. "You know, I'm curious if what kind of life Mom and Dad had when they were at our age."

"Bakit? Wala ba silang naikwento before?" umiling siya.

"Paano ba i-open yan?"

"Hindi ko pa nga ma-figure out eh. It's a bit complicated." Mukha na siyang luma pero may lock and number code ang password. "Ano kayang password?"

"Abrakadabra?" nakangiti niyang sagot.

"Numbers." tinuro ko pa sa kanya yung lock.

"Just Kidding :)" ngumiti pa siya sa akin. "There is no point of guessing. Wala naman tayong ibang clue."

"Paano natin mabubuksan kung hindi natin susubukan?"

*toktoktok*

"Young ladies, the young Masters are looking for you." Yumuko pa ito sa amin bago lumabas ulit.

"Taray, English Speaking!" bulong ko, "Hindi kaya maubusan ako ng dugo?"

"silly. Let's go?" nauna pa siyang tumayo sa akin. Ibinalik ko muna sa shelf yung journal at sumunod na sa kanya.

"Bilisan niyo, girls!" sigaw pa sa amin ni Kuya na nasa ibaba ng grand staircase. "Baka gabihin tayo sa daan!"

"Ang ingay talaga -_-|" bulong ni Bell. "He's too loud for a young man,"

"Sssshh.. Baka marinig ka." Natatawa ko namang sagot sa kanya. "Ay! may nakalimutan ako! wait lang!" paalam ko pa sa kanya bago tumakbo papunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang isang malaking stuff toy na bear na nakasama sa napakaraming stuff toy na nakadisplay sa kwarto ko.
Hindi naman ako mahilig sa mga laruan kaya ibibigay ko na lang iyon kay Lenlen. She love teddy bears and favorite color niya ang pula. Kaya unang kita ko palang sa pulang teddy bear na ito, siya agad ang naalala ko.
Nang bumaba ako, naabutan kong naghaharutan sina Bell at Philip. Panay naman ang away ni Kuya Wilson at Bessie.

"Sorry for the long wait guys. Let's go?"

"I can help you to carry that." Matamis pa siyang ngumiti sa akin at akmang kukunin ang hawak ko.

"No need. Kaya ko naman na to," I smiled at him, awkwardly. Hindi pa nga pala ako nakakapag-sorry sa kanya about doon sa pagsisi ko sa Daddy niya. Malay ko ba naman na commatosed pala yun -_-.

"Mom, Dad, ihahatid lang muna namin yung Amazona sa gubat!"

"Tss. Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Amazona," inirapan pa siya ni Bessie. "And hindi ako nakatira sa gubat. Igagaya mo ako sayo, eh mukha ka namang unggoy. Mas bagay ka 'don." Mataray pa niyang pagpapatuloy.

Ang init naman ng ulo nito.

"Basag!" kantsaw pa ni Philip kay Kuya Wilson.
Binatukan naman siya ni kuya bilang ganti.
Yumakap pa sa akin si Jen at sabay na kaming nagpunta sa kotse ni Kuya.

Panay lang ang asaran nung tatlo (Kuya Wil, Bell at Philip) samantalang kami ni Bessie nakikinig lang sa cellphone ko na bigay ni Bell. Ang gaganda actually ng mga selection of songs na naka-save dito.

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon