Chapter 26
Bea's POV
Maingat naming binagtas ang daan papunta sa sinasabing lugar ni Kuya Wilson kung saan muna kami magpapalamig ng sitwasyon. Hindi ko alam kung paano na ang mangyayari sa amin.
Malinaw sa akin na isa na sa mga tumutulong sa amin ang tuluyan nang nawala. Si Ninong Lucas. Ngayon wala kaming ideya kung ano ang lagay nila Mommy at Daddy. Sana nga ayos lang sila dahil kung hindi, hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko. Iniwan namin sila nang mga panahong kinakailangan nila kami.
"We're here." Huminto si Kuya sa kanyang paglalakad kaya't ganoon na din ang ginawa namin. "We will be safe here." Tinignan ko ang hindi naman kalakihang bahay. Simple lamang ito malayo sa ibang mga properties ng mga Rodriguez.
"Who own this place?" Philip asked him.
"Isa sa mga assets nila Daddy ang townhouse na 'to." Sagot niya bago i-unlock ang pintuan.
"Hindi ba tayo mate-traced dito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kabuoan ng bahay. Kumpleto ang mga furnitures sa mini sala, may sofa, maliit na lamesita sa gitna at may 24" flat screen tv. Sa kusina naman ay may nakahanda ng round table, may mini ref din. Nakita 'kong binuksan iyon ni Philip. Kakatwang puno ang loob 'non ng iba't-ibang pagkain. May tatlong pintuan din na makikita kaagad mula dito sa sala.
"They won't. This property is named after the combination of our names. They won't be able to trace us." Sagot naman ni Kuya.
"How did you know about this place?" Walang kagana-ganang tanong ni Bell. Naibulong sa akin kanina ni Bessie na nagkaroon daw ng pagtatalo sina Kuya at Bell. Iyon marahil ang dahilan kung bakit sobrang lamig ng pakikipag-usap ni Bell sa Kuya namin.
"Dinala ako dito ni Daddy last week." Sagot naman ni Kuya habang kumukuha ng inumin sa loob ng ref. "May dalawang kwarto dito. Yung master's bedroom, yung mga babae na ang gagamit. Philip and Raul, we'll occupy the other room. May naka-ready na kayong gamit sa kwarto niyo, please, take a shower at magpalit na kayo ng damit. Baka magkasakit pa kayo." Mahabang paliwanag ni Kuya. Mukhang pinaghandaan talaga nila Mommy ang lahat. Nauna na akong pumasok sa kwartong itinuro sa amin ni Kuya para naman makapag-shower na ako. Bada pa rin kasi kami gawa ng pagkakahulog namin sa tubig kanina.
Agad akong dumiretso sa malaking cabinet para pumili ng isusuot. Isang white t-shirt at gray leggings ang napili ko para komportable. Nang makapamili na ako, agad na akong pumasok sa cr para makapag-shower na muna ako. Tama si Kuya, baka magkasakit kami.
BINABASA MO ANG
BAM MEETS BAM (COMPLETED)
AksiTheir lives will start to change when they ACCIDENTALLY bump to EACH OTHER. The Quest of their Lives will start to face the TWIST and UNEXPECTED TURNS of LIFE. Paano nga ba kung All your Life akala mo ikaw lang ? Tapos hindi pala . Tapos kung kailan...