Black Men

17 4 3
                                    

Chapter 7


Elga Demitria Magnus~


Mag-iisang araw na ako dito sa bahay nila Uto- uto. Pansin ko lang parang ambabait ng mga nakatira dito lalo na yung mommy niya. Natuwa nga ako sa kanya kasi pinayagan niya akong tawagin siyang mommy.

Kahapon ko din nakilala yung isa pang anak ni Mr. Louis na si Yugo. Ang astig ng isang iyon, mas bet ko nga siya kaysa kay Uto- uto ang kaso antanda ko masyado kasi nine years ang agwat ko sa kanya. Asan ang hustisya doon di ba?

Guess what pala, kahapon ko ulit nakita si Kia the Fake. Grabe siya akal mo kung sino, pademure masyado tas akala mo kung sinong dalagang pilipina sa hinhin. Nakita ko na ang totoong Kia, nakausap at nakasama ko pa kaya alam kong masyadong OA ang isang toh! San kaya nakuha ito nang mga boss niya halata namang di marunong sa ganitong field eh!

" anong gusto mong lunch Elga?" tanong sa akin ni mommy, hehehe bet na bet ko yung mommy chuchu ko!

" kahit ano na lang po" sagot ko habang nakangiti nang sobra

Wag kayo first time may umaasikaso sa akin ng ganito. Lumaki akong walang... teka nga too much info na kaya ika-cut ko na hahaha.

" ano pala yung niluto niyo sa akin kahapon? yung dinala ni Ut..... este Austin sa ospital?" tanong ko, ansarap kasi nun eh grabe!

" ah yun caldereta yun di mo alam?" tanong niya habang naghihiwa nang mga gulay, ay naku kung ako ang may hawak ng kutsilyong yan sa tao ko hinihiwa yan hahaha

" di pa po eh" sagot ko na lang, ikinagulat ko yung bigla niyang pagharap sa akin

" bakit po?" tanong ko, ang sarap pagnag po po ka parang totoo ko siyang nanay

" wala nagulat lang ako na hindi mo alam yun, actually favorite yun ni Austin eh" paliwanag niya sabay bigay ng matamis niyang ngiti

Wahhhh feeling ko talaga mommy ko talaga siya, kinikilig ako!!!

" sa totoo lang po first time kong matikman yun tsaka yung ulam natin kahapon na ano yun?" tanong ko kay mommy ko, hahaha makaangkin eh noh

" monggo pero seryoso ka first time mong makatikim ng ganun?" bahagyang nawala yung ngiti ko sa tanong niya pero agad ko rin namang ibinalik

" wala naman po kasing nagluluto sa akin, kung makatikim naman ako nang lutong bahay ay----" naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Danfer sa sasabihin ko

' Elga thats too much information to give' napbuntong hininga na lang ako sabay tingin ulit sa mommy ko, akin na siya ngayon hahaha

" ay?" tanong niya nang napansing wala akong balak ituloy

" wala po" sabi ko na lang sabay ngiti nang pagkatamis tamis

' Elga be Demitria na may mission pa tayo, nakita kong wala si Kia ngayon at pinasundan ko siya kay Blue kaya malaya kang maghanap ng clue dyan' paliwanag sa akin ni Danfer sa dapat kong gawin

Bahagya pa akong nalungkot kasi iiwan ko na ang mommy ko. Wahhh siguro kaya kong mabuhay kahit siya lang kasama ko. Kahit di ko siya totoong mommy noh?

" mommy Yanna aakyat muna ako sa kwarto ko, may titignan lang ako" paalam ko sa kanya kaya binigyan niya lang ako nang mainit niyang ngiti.

Ang saya naman dito sa bahay nila Uto- uto may mommy siyang maganda tas mabait pa yung dream mommy ko. Swerte niya meron siya!

' Elga dont be attach to much, tandaan mo matatapos din tong mission natin at pagtapos na alam mong bawal na tayong lumapit sa mga naging mission natin. DaVin Code remember' pangaral niya

LaF#3: Searching for a Princess #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon