Never been a Princess

13 1 0
                                    

Chapter 14


Elga Demitria Magnus ~


Matapos nung eksena namin ni Austin sa daanan eh nagpasya na kaming bumalik sa office. Nakita ko pa nga si Wendy na mukang uod na nagaantay kay Austin pero kiber naman siya ni Uto- uto. For more information ampangit niya kaya hahaha...

Pagdating ko sa floor ko agad akong dumiretso sa desktop ko para tignan kung may nagbago sa monitoring sa buong building pero ok naman so inasikaso ko na lang yung tablet ako kasi ang nakatoka sa pagresolba sa nawawalang pera. Si Danfer naman ang nagiimbestiga sa nakuha naming impormasyon galing sa mga itim na lalaki at si Blue naman na nakasama na namin sa mission ang bantay ni Kia the fake.

Ilang oras na akong nakatutok sa tablet ko. Nga pala itong tablet na ito ay di tulad ng mga ibinibenta sa tabi- tabi or yung mga sumisikat na malalaking cellphone. Ang tablet kasi na ito ay may lamang virus na pwedeng manghack at pumatay sa buong system ng isang kumpanya or kahit ano pa yan. It also have access in every website exist in the world.

" ma'am Elga sabi po ni sir sabay na po daw kayong umuwi" pasok nung katrabaho ko habang tutok na tutok ako sa tablet ko

May natrace kasi akong isang transaction pero habang tinitrace ko ito parang may kulang, parang nagjajump siya kaya nakakapanghinala.

" ah eh ma'am andyan na po sa labas si sir" tawag pansin ulit niya sa akin

" sabihin mo mag-antay siya" sagot ko, ni hindi nagsisink in yung sinasabi niya sa akin

" ah eh opo" alangan pa ang sagot niya

Di ko na siya pinansin ng lumabas siya nang office ko dahil na rin sa tutok na tutok ako sa pagcheck kung tatlong million lang ba talaga ang nawala. Based kasi sa nakikita kong transaction dito limang beses naglabas ng pera ang kumpanya, pinapadala ito sa isang ghost project at bawat labas ng pera ay umaabot sa tatlo hanggang limang million.

*tok tok

Sa sobrang busy ko wala akong panahon na lingunin kung sinong kumatok at pumasok sa opisina. 

Kung sakaling tama ang suspetya ko hindi lang tatlong million ang nailabas at may chance na ang ghost projects na ito ay may kuneksyon kay Kia the fake at mga boss nito. Pero ang malaking tanong kasi eh BAKIT? 

Base sa galawan nila isa silang malaking grupo sa underground world. Sa dami nang galamay nila alam kong di sila basta- basta pero kasi bakit nila pagtatyagaan ang Louis Company at isa pa bakit sila nagpadala nang gagaya sa anak ng mga Louis?

" hey my lady busy ka ata at di mo ako pinapansin" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko si Austin na nagsalita sa harap ko

" te...teka an...ano ang ginagawa mo d...dito?" magkantautal- utal kong tanong

Lecheng buhay oh! paano na lang kung mahuli niya ako? patay ako nito kasi pipilitin niya akong sabihin sa kanya ang mga bagay na di niya dapat malaman.

" oh bakit ka nagbablush diyan? bukas na yan at umuwi na tayo, gabi na oh masyado kang busy diyan" sagot niya sa akin

Takte! nagbablush ba ako? eh bakit naman porket nakita ko siya blush naman ako nang blush. Takte to !

" o..oo" hala Elga para saan ang pagutal-utal mo ha?

" halika na nga" aya niya sa akin sabay kuha nang bag ko 

Ang ikinagulat ko lang ay yung siya mismo nag-ayos ng gamit ko at nagbuhat. Tangina! yung boss ko buhat- buhat yung bag ko kiniki---- joke! di ko na itutuloy end na ito end.

LaF#3: Searching for a Princess #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon